Chapter 146

309 15 5
                                    

“Ano ba kasing pumasok sa isip mo? Ha?”

“Bakit ka kasi pumayag?”

“Hindi ba naging sapat ang mga tingin namin sa iyo kanina?”

Nakayuko lang ako rito sa kinauupuan ko habang pinapagalitan ako ng mga kaklase ko. Dahil wala ngayon si ma’am sa room, nagkaroon na ng pagkakataon ang mga kaklase ko na ilabas ang kanilang galit.

Lunch break, hinintay lang nila akong matapos kumain at saka na nila ako pinagalitan.

Hays. Ito na nga ang sinasabi ko kaninang tutustahin ako ng mga kaklase ko. Siguro kung pwede lang nila akong isilid sa sako at ihagis, ginawa na nila. Galit na galit talaga sila.

“Nanggigigil talaga ako. Gustong-gutso ko talagang mangdurog ng tao ngayon. Grrr,” rinig kong sabi ni Rose Ann.

Sorry na kasi! Huhu. Pwede bang bawiin ko na lang yung pagpayag ko kanina? Huhu.

“Iyang Dominic naman, hindi na nasisindak sa atin,” ani Rose Ann.

“Oo nga. Lakas na ng loob. Naalala ko pa yung nag-survey lang tayo tapos pagbalik natin ay magkatabi na sila ni Trisha,” ani Julie Ann.

“Naku! Naku! Gigil na gigil din ako that time! Gustong-gusto kong sapakin kaso pasalamat siya na nandito si ma’am,” gigil na gigil na saad ni Rose Ann.

“Uy, pres! Andun siya oh,” rinig kong sabi ni Joel.

Sandaling natahimik ang lahat. Hindi ko naman sila makita dahil nakayuko lang ako rito.

“Aba! Andiyan pala ang Dominic na ‘yan. Wait nga. Kakausapin ko lang. Gigil na gigil ako rito,” sabi ni Rose Ann at narinig ko na tila lumabas ang ilan kong kaklase.

Dahan-dahan kong itinaas ang mga tingin ko at nakita ko na nasa lobby na ang ilan kong kaklase—malapit sa may classroom ng Special Section.

“Hoy, Dominic!” Sigaw ni Rose Ann.

Hindi ko makita ang gawi ng Special Section.

“Malakas na loob mo no? Sarap mong dikdikin. Grr,” gigil na gigil na sabi ni Rose Ann.

“Okay. Ano naman ngayon?” Rinig kong tanong ni Dominic.

Tila ikinabigla iyon ng mga kaklase ko.

“Ay amputa! Sumasagot!”

“Aba’y sumasagot-sagot ka na ha.”

“Natototo nang sumagot.”

Nanatili lang ako rito sa upuan ko. Ayoko pumunta roon at baka mapagalitan na naman ako.

“Hoy. Akala mo nakakalimutan na namin yung isang araw na nawala lang kami saglit, magkatabi na kayo ni Trisha sa room namin,” ani Rose Ann.

“Yung araw na si Trisha na lang ang natira sa room niyo dahil puro kayo nag-survey para sa research niyo?” Rinig kong tanong ni Dominic.

Tumango si Rose Ann. “Oo. Yun nga. Pasalamat ka dahil nandito si Ma’am Herlinda that time. Pero pagwala nun si ma’am, baka nasapak kita kaya hanggang masasamang tingin lang kami. Kung nakakamatay lang ang mga tingin, baka nilalamayan ka na ngayon. Pero hindi ka man lang nasindak sa masasamang mga tingin namin sa iyo. Nakipag-pares ka pa kay Trisha para sa prom!”

“Bakit naman ako masisindak sa inyo? At pumayag si Trisha na magkapares kami,” rinig kong sabi ni Dominic.

“Tss. Alam mo yung ginagawa na namin ang lahat para lagyan ng harang ang section namin pero pilit kayong pumapasok na parang daga,” ani Julie Ann.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now