Chapter 10

964 43 3
                                    

Last period.

"Okay, class, dismiss", sabi ni ma'am at papaalis na ito.

"Yes. Nakalimutan ni ma'am yung assignment natin", rinig kong sabi ni Joel. Kahit medyo mahina lang ang pagkakasabi niya, narinig ko siya dahil malapit naman siya sakin.

Biglang tumayo si Julie Ann na nasa front seat. "Ay, Ma'am!"

Huminto si ma'am sa may pinto saka humarap ulit sa amin. "Yes?"

"Yung assignment po namin. Ipapasa po ba?", tanong ni Julie Ann.

"Oh! Nakakalimutan ko na. Oh sige. Ipasa niyo ang assignment niyo sa advisory class ko", bilin ni ma'am at umalis na.

"Aish! Pabida ka talaga, Julie Ann!", sigaw ni Joel.

"At bakit na naman?", taas kilay na tanong ni Julie Ann.

"Wala akong assignment! Ayos na sana. Bigla ka pang nagpabida!"

"Eh kasalanan ko ba na wala kang assignment?!"

"Hindi. Pero sana naman ay inisip mo ang mga kagaya ko na walang assignment!"

"Ini-"

"Hep hep! Maglilinis na. Tama na yang bangayan. Ipasa na natin ang assignment natin", saway ni Regine na Peace Officer namin.

Kinuha ko na ang assignment ko at ibinigay kay Regine na syang nag-kukulekta ng mga assignment namin. Tapos ay kumuha na ako ng walis tambo para mag-simula na sa pag-swe-sweep.

Nung nasa lobby na ako, napansin ko ang ilan kong kaklase na nag-uusap lamang at hindi naglilinis. Yung iba, nag-sisialis na. Nagsisimula nang maging tamad sa paglilinis ang mga kaklase ko.

Binali wala ko na lang. Magsisimula na sana akong mag-walis ng saktong pagkaharap ko sa gawi ng Special Section ay nakita ko na nakatayo sa pinto si Dominic. Nakatingin siya ng seryuso sakin.

Psh.

Minabuti ko na hindi ako maka-irap sa kaniya. Umiwas na lang ako ng tingin.

Mga ilang segundo pa, tumingin ulit ako sa kaniya. Nakatingin parin siya sakin ng seryuso sakin. Napa-iwas na naman ako ng tingin.

Bakit siya sakin nakatingin ng ganiyan?

Nakakailang. Pero hindi ko pwedeng pairalin ang pagkailang ko sa kaniyang mga tingin. Kailangan kong maglinis. Ayokong mapagalitan na naman ni Ma'am Herlinda.

Kaso malapit sa pinto ng Special Section kung saan ako dapat magsimula sa pag-wawalis.

'Okay. Ano naman yang mga tingin niya? Di naman yan nakakamatay', sabi ko sa isip ko.

Naglakad ako malapit sa pinto ng Special Section-malapit sa kinatatayuan ni Dominic-at nagsimula na sa pagwawalis.

"Ikaw diba yung babae na nagsauli ng libro ni Ma'am Jenn last week dito sa classroom?", bigla niyang tanong kaya napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya.

Nakatingin siya sakin ng seryuso parin. Ako naman, napalingon sa kaliwa't kanan ko. Baka may iba siyang kausap na katabi ko kahit nakatingin siya sakin. Kaso wala. Busy sa paglilinis ang mga kaklase ko.

Napatingin ako sa kaniya ulit. "A-Ako ba t-tinatanong mo?", tanong ko.

"Sino pa ba ang kaharap ko ngayon? Diba ikaw lang naman?"

Psh. Okay. Katangahan ko nga naman.

"Uhm... Ako nga yung nagsauli ng libro ni Ma'am Jenn. Bakit?", tanong ko.

"Pinapapunta ka ni ma'am sa loob", sabi niya.

"Diyan sa classroom niyo?"

"Alangan naman sa loob ng classroom niyo. Nandoon ba siya sa inyo?"

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now