Chapter 131

299 24 10
                                    

Biyernes. Maraming absent sa amin kaya yung ibang teachers na maglelesson sana, hindi na lang tumutuloy. Yung ibang teacher naman ay nagpapasa na ng mga grades naming mga estudyante.

Siguro maghapon na walang naglesson sa amin. Hanggang sa heto't last subject na namin sa araw na ito, wala pa rin. Kaniya-kaniya na lang ng mundo kaming lahat.

"Guys! Guys! Hindi na papasok si ma'am sa atin ngayon dahil tatapusin niya yung pag-compute ng grades ngayon kaya pinapag-attendance na lang," ani Rose Ann na galing sa labas.

Biglang napa-yes ang m ga kaklase ko at tuwang-tuwa. Kaniya-kaniya na naman sila ng hingi ng pulbo, liptint, at hiram ng suklay.

"Psst! Jane! Ikaw Class monitor diba? Ikaw nalang gumawa ng attendance na ipapasa kay ma'am," sabi ni Rose Ann kay Jane.

"Yup. I know. Lagi naman e. Ano pa ba aasahan ko. Basta attendance, sa akin. Class monitor nga kasi diba? Tsaka a---" Tila bored na sabi ni Jane ngunit pinutol pa ni Rose Ann ang susunod na sasabihin niya.

"Shh! Baka hugutan mo na naman 'yan."

Kumuha na lang ng isang buong papel si Jane sabay sabing, "O! Heto ang papel. Isulat niyo pangalan niyo rito. Pag-ibahin ang boys tsaka girls."

Agad naman iyong kinuha ni Nancy at nagsimulang isulat ang pangalan niya.

"Uy, Nancy. Isulat mo na lang pangalan ko riyan ha," ani Pauline.

Tumango naman si Nancy.

"Ako rin. Pakisulat pangalan ko. Thank you," pahabol ni Julie Ann.

"Ay wait! Pakilagyan na rin ng pirma ninyo," paalala ni Jane.

"Ay luh. Gawan mo na lang din ng pirma yung pirma ko, Nancy," ani Pauline.

"Ako rin. Diba alam mo yung pirma ko? Medyo ihawig mo na lang. hehe," pahabol pa ni Julie Ann na ngayon ay naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha.

"Ay wow! Pati pagpirma tamad," puna ni Joel kay Julie Ann.

"Tse! Wala kang pake."

"Sus. Pulbo-pulbo ka pa diyan. Akala mo naman gumanda ka. Mukha kang sinampal ng harina."

"Joel, kung inggit ka sa pagpupulbo ko, pikit! O di kaya'y magpulbo ka rin!"

"Tss. Inubos mo na pulbo ng kaklase natin," ani Joel sabay lagay ng liptint sa kaniyang mga labi.

Hindi pa man nakaka-react si Julie Ann, agad na nagsalita si Joel, "O! Hindi ako bakla! Bakit? Kayong mga babae lang pwedeng gumamit nito? Kayo ang ba may mga labi? Ha?"

"Wala akong sinasabing ganun! Penge ako niyan."

"Luh. Asa."

"Pahingi!"

"Pauline! Himuhingi si Julie Ann!"

"Uy, wag niyong ubusin liptint ko. Bagong bili lang yan e," ani Pauline.

Napangiti na lang ako. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko sa aking bag at saka dumeritso sa broom stand para sana kumuha ng walis tambo kaso wala nang walis tambo kahit isa sa broom stand kung saan palagi naming nilalagay doon. Pagkalingon ko sa lobby, nakita ko si Steven at iba pa naming kagrupo na nagswe-sweep na doon. Si Steven ang nagwawalis.

Hays. Buti naman.

Nag-attendance muna ako saka pumunta sa lobby. Pero dahil mukhang kaya naman nila, nakatayo lang ako rito sa may pintuan. Hindi ko alam ang gagawin pero ayoko naman na magambala mga kagrupo ko sa pagswe-sweep.

Ilang sandali pa, narinig ko ang pagbukas ng pinto sa Special Section. Mukhang uuwi na sila. Pero hindi ako lumingon doon. Parang nakatitig kasi ako sa sahig. Tulala ganun. Pero naririnig ko ang mga nasa paligid ko.

Okras and SpecialsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt