Chapter 173

256 14 14
                                    

May hawak na gitara sila Jonel at Shun ng Special Section at sila ang nagpapatugtog. Ngunit nahinto sila bigla nang makita nilang wala ang iba kong kaklase.

"Ay wow. Wala yung nga maiingay na okra!" Natutuwang sabi ni Shun sa kaniyang mga kaklase.

Pumasok sila sa room namin kasama na si Dominic na may dalang bouquet. Buong Special Section.

Tumugtog muli sila Shun at Jonel habang si Dominic ay nasa gitna nilang dalawa at ang iba nilang kaklase ay nasa likod.

Kinurot ako sa braso ni Maria kaya napalingon ako sa kaniya. Hindi naman ganoong kasakit. Nginitian niya ako at alam ko na ang nasa isip niya ngayon.

"Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako"

Napalingon ako ulit sa Special Section nang kumanta si Dominic. Ang mga kaklase naman niya ay biglang napa-"ayiee" at halatang kinikilig.

"Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo"

"Hoy! Anong nangyayari rito?!" Napahinto sila Jonel sa paggigitara kasabay nang paghinto sa pagkanta ni Dominic.

Sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Erika at kasama niya si Alvin. Lalapit na sana si Erika sa akin nang biglang harangan siya ni Megan at Ashley.

"Oh! Teka! Huwag kayong manira ng moments dito!" Sigaw ni Megan kay Erika.

"Huh! Talagang masisira 'yang harana-harana niyo!" Sagot naman ni Erika. "Alvin! Puntahan mo sila Rose Ann! Sabihin mo nilalandi ng Dominic na yan si Trisha!"

Agad naman na tumango si Alvin at kumaripas ng takbo palayo. Habang si Erika ay pinalabas nila Megan at Ashley. Walang magawa sa ngayon si Erika.

Muling tumugtog ang gitara nila Jonel at Shun kaya nabalik ang mga tingin ko sa kanila.

"Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako" at nagpatuloy sa pagkanta si Dominic.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti ngayon. Parang kinikilig ako na ewan.

"Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko (ang puso ko)"

Nagsilbing second voice sila Jonel at Shun.

"Omo. Chorus na," rinig kong komento ni Maria.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako"

"Hoy mga punyeta! Tigil!" Basag ni Rose Ann.

Bago pa man ako makalingon sa labas ay agad na nagsitakbuhan ang mga kaklase ni Dominic kasama na ang dalawang may hawak na gitara para pigilan ang mga kaklase ko.

"Galing ng timing niyo no? Talagang siniguro niyo na wala kami rito para makalusot kayo!" Nanlilisik na sigaw ni Rose Ann sa mga Special Section.

"Hindi ah! Talagang eksaktong wala kayo rito nang dumating kami!" Sigaw naman ni Megan.

Nagkatulakan ang dalawang section dahil gusto ng mga kaklase ko na makapasok ngunit hinaharangan sila ng Special Section.

Napatayo ako at hindi ko alam ang gagawin habang nakatingin sa mga nagkakarambola sa may pintuan. Maski si Maria ay nakatingin na lang.

"Mga yawa! Sa inyo itong room na 'to?! Ha?!"

"Papasukin niyo kami sa classroom namin!"

"Hoy Trisha! Lumabas ka riyan! Iwasan mo 'yang special child na Dominic!"

Nagpatuloy sila sa murahan at tulakan.

"Trisha," biglang tawag sa akin ni Dominic kaya napatingin ako sa kaniya. Siya lang ang naiwang nakatayo rito sa section nila.

Lumapit siya sa akin at biglang iniluhod ang isang tuhod.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Homayghaaad! Kyaaah!" Kilig na sigawan ng Special Section.

"Hindi pwedeee!" Sigaw naman ng mga kaklase ko.

"Trisha," banggit pa ni Dominic habang nakatingala sa akin. Inabot niya sa akin ang dala niyang bouquet.

Halos mabingi ako sa sariling tibok ng puso ko. Sh-Shemay. Ano 'to?

"Will you be...."

Nagsigawan na naman ang mga kaklase niya at ang kaklase ko. May kinikilig at may galit.

Huminga ng malalim si Dominic. "Will you be my girlfriend?"

"Yes na 'yan!" Sigaw ng Special Section.

"Potangina! Magkaka-world war lll na talaga kapag mag-yes ka, Trisha!" Sigaw naman ng mga kaklase ko.

Natigilan lang ako rito. Tila biglang naging blanko ang isip ko. Hindi ko alam ang isasagot.

Napalingon ako kay Maria na nakaupo pa rin sa kaniyang seat. Nakangiti siya sa akin at tumango siya. Tila binibigyan niya ako ng isasagot.

Ngunit...

Shemay! Nararamdaman ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Sunod ko na lang na nalaman ay nanahimik bigla ang Special Section at ang mga kaklase ko. Nang lingunin ko sila, nakaharang pa rin ang Special Section sa mga kaklase ko pero lahat sila ay titig na titig sa amin at hinihintay sa isasagot ko.

Liningon kong muli si Dominic. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang tahimik ng mga kaklase namin. At ang naririnig ko na lang ngayon ay ang musika sa nagaganap na performances sa quadrangle.

Shems. Ano ang isasagot ko?

Oo? Hindi?

Gusto kong um-"oo". Pero may part sa akin na nag-aalangan at gustong magsabi ng "hindi".

Shocks. Ano na self?

"Uhm..."

Natataranta na ako sa isip ko. Gusto ko na lang himatayin.

Napakamot pa ako sa ulo ko. "Ano... Uhm..."

Matiyaga lang na nakaluhod si Dominic sa harapan ko at naghihintay sa isasagot ko.

Huhu. Okay. Kung ano man ang masasabi ko, bahala na.

Nanlalamig at nanginginig na rin ang mga kamay ko ngayon.

"S-Sorry..."

*****

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now