Chapter 1

2.2K 71 9
                                    

"FOR INCOMING SENIOR HIGH:
-Photocopy of (PSA) live birth certificate
-Grade 10 Report Card (Original)
-Good Moral Certificate (Original)
- Photocopy of certificate of completion
-Photocopy of NCAE Result
-2pcs. 1x1 colored ID pictures
-1 long folder
-1 long brown envelope", basa ko dun sa nakapaskil na requirement sa may gate ng GranPaul National High School.

Aish! Ang dami naman pala ng requirements. May folder na, may brown envelope pa. Haaay.

Bumili muna ako sa tindahan na malapit sa paaralan na pa-e-enrollan ko ng mga kailangan ko. Nang mai-check ko na ang mga kinakailangan ko sa pagpapa-enroll at kompleto na, saka na ako pumasok sa paaralan.

Pagkapasok ko sa gate ng paaralan, bumungad sa akin ang maraming mga nagpapa-enroll.

Maluwag naman pala sa loob ng paaralan. Kaya nga lang, di ko alam kung saan nagpapa-enroll para sa incoming senior high.

Lumapit ako sa isang guard na nasa may gate. Dalawa kasi ang nandito na guard-payat at may katabaan. Lumapit ako dun sa payat.

"Excuse me, sir", excuse ko.

"Hmm?", pagbibigay ng atensiyon sakin nung guard.

"Alam niyo po ba kung saan nagpapa-enroll sa mga incoming senior high?", tanong ko.

"Ah! Ayun dun. Doon nagpapa-enroll ang mga mag-se-senior high. Dun sa ikatlong silid", turo niya dun sa isang building na nasa kanan namin sa dulo. Meron ngang nakapilang mga kasing edad ko.

"Salamat po."

Agad akong tumungo doon. Saka ako pumila. Medyo mahaba-haba ang pila dito. Sabayan mo pa ang init ng panahon ngayon.

Lima pala ang silid mg building na to. Sa nakikita ko sa panglimang silid, may mga tao dun sa loob. Siguro mga kasing edad ko. Kunti lang sila. Naka-upo sila sa mga upuan na may armchair at nagsusulat sila. Siguro nagta-take ng exam para sa kung anong program mayroon ang paaralan na to.

Medyo mabilis naman ang usad ng pila. Kaya medyo hindi nakakabagot.

Dahil transferee ako sa paaralan na 'to, palinga-linga ako. Kahit hindi ko pa nakikita ang kabuoan ng campus, masasabi ko naman na maganda. Gusto ko sanang magkita ang buong campus.

Dahil medyo na-entertain ako sa kakatingin sa paligid, namalayan ko na lang na ako na ang susunod.

"Next", sabi nung babaeng nasa may mesa na siya ang nag-aasikaso sa mga nagpapa-enroll.

Lumapit na ako sa kanya.

"Kompleto ka ba sa requirements?", tanong niya.

"Opo", sagot ko.

Saka ko ibinigay ang lahat ng requirements na kinakailangan. Kinuha niya iyon lahat at ini-check.

"Good", sabi niya ng matapos siya. May kinuha siyang isang document at ibinigay sakin. "Oh. Mag-filled up ka dito tapos pumunta ka sa kasunod na silid-yung ikaapat na silid. Dun mo ipasa to. Okay?"

"Opo", sagot ko.

Kinuha ko yung document na fi-filled up-an ko saka lumabas na ng silid. Mabuti na lang at nagdala ako ng ballpen.

Nagpalinga-linga muna ako kung saan ako pwedeng pumwesto para makapag-filled up sa document na to. Hanggang sa nakakita ako ng bench.

Pumunta ako agad dun at agad na nagfilled up. Naging mabilis naman ang pagfilled up ko. Pagkatapo agad-agad din naman akong tumayo para pumunta dun sa ikaapat na silid na sinasabi nung babae kanina.

Habang naglalakad ako patungo dun sa ikaapat na silid, dinu-double check ko yung document na ini-filled up ko. Baka kasi may hindi ako nalagyan ng information.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now