Chapter 69

1K 29 2
                                    


Sue's Pov


Maaga akong nagising para makapag jogging ulit sa labas. Suot ang kulay red and black hoodie cropped top shirt at pares nitong jumpsuit tracksuit ay lumabas ako ng unit ko.


Agad akong nag stretching ng makarating sa park. Nagkita pa nga kami ni Sam na sumaludo pa sakin at ngumiti bago nagpatuloy sa pagtakbo nito. Matapos kong mag stretching ay sinimulan ko na ang pagtakbo. Napaparami ang kain ko nitong mga araw kaya kailangan kong magpapawis.


"Wala ka nabang pambili ng damit at nagkulangan yang telang suot mo?" Napatingin ako kay Cent na sinabayan ako sa pagtakbo


"Sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya at nag focus sa pagtakbo


Nagulat nalang ako ng bigla siyang huminto sa harapan ko at naghubad ng damit. Kahit hindi pa ako nag aalmusal ay busog na busog na ako sa anim na pandesal sa harapan ko. Natauhan naman ako ng ipasok niya sa ulo ko yung hoodie shirt niya at tila hinihintay pa nito ang kamay ko para mailusot sa sleeve ng damit niya. Naguguluhang sinuot ko naman yon kahit may pawis niya.


"Marami pa akong extra sweat shirt iyo nalang tutal bagay naman sayo" sabi niya na nginitian pa ako at pinisil ang pisngi bago siya tumakbo ulit.


"Hoy bakit mo ba pinasuot sakin ang damit mo?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan siya sa pagtakbo



"Nag pipiyesta mga mata ng tumitingin sayo dahil sa litaw pusod na suot mo" sabi nito


"Ehh? Ganon talaga disenyo non tignan mo yung ibang tumatakbo kamukha lang ng suot ko" sabi ko dito na tinuro pa yung dalawang babae na tumatakbo na naka cropped shirt din.


"Iba ka iba sila" sagot nito sakin na lalong kinagulo ng isip ko



"Paanong iba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya



"Iba yung brand na suot niyo" sagot nito sakin. Napatingin naman ako dun sa dalawang babaeng tumatakbo. Tama naman si Cent na magkaiba nga brand ng suot namin pati na rin disenyo pero parehas parin na crop top long sleeve hoodie mga suot namin.



"Eh bakit ikaw nakahubad ka diyan? Isuot mo na nga itong damit mo" sabi ko na huminto sa pagtakbo at akmang huhubarin na yung damit ni Cent pero pinigilan ako nito.



"Hindi pwede isuot mo lang yan" sabi pa nito



"Bakit ba ang laki ng problema mo sa damit ko? Malinis naman pusod ko" sabi ko dito



"Hindi ko sinabing marumi pusod mo napasobra lang sa ikli yang damit mo. Sa susunod huwag mo ng isusuot yan, tignan mo nga puro lalaki mga nakasunod sayo" sabi nito. Tumingin naman ako sa likuran ko at medyo marami ngang lalaki pero marami din namang mga babae. Naningkit ang mga mata ko at tinignan siya.



"At ako pa talaga ginawa mong dahilan? Gusto mo lang naman idisplay yang katawan mo sa mga babae sa likod eh!" Inis na sabi ko tsaka ko siya tinulak at muling tumakbo



"Okay lang samin mga lalaki ang tumakbo na walang pang itaas at tungkol sa mga babae nasa kanila na kung titignan nila katawan ko" may kahanginan na sabi nito kaya huminto ako sa pagtakbo



"Ayoko na, mag eenroll nalang ako sa gym" sabi ko at walang sabi sabing hinubad yung damit ni Cent.



Muntikan ng sumama yung damit ko ng hubarin ko damit niya buti nalang maagap si Cent at hinila nito pababa yung damit ko. Binato ko naman sa mukha niya ang damit niya tsaka ko siya tinalikuran para makabalik na sa unit ko.



Napasigaw naman ako sa gulat ng mula sa likod ay may nagpatong ng damit sakin at parang sako akong binuhat ni Cent kahit pumapalag ako.



"Password mo?" Tanong nito sakin na ayaw parin akong ibaba kahit nasa tapat na ako sa pintuan ng unit ko. Buti nalang walang ibang tao sa floor namin. Sobrang nakakahiya kaya.


"071806" sagot ko sa kanya.



"Bakit 071806?" Tanong nito habang pinipindot passcode ng pintuan ko.



"Eh ikaw bakit 123321?" Tanong ko.



Bumukas ang pinto at binaba niya ako sa sofa.



"Ako naunang nagtanong" sagot niya sakin.



"Araw yan ng kamatayan ng Papa ko" mahinang sabi ko



"Pero buhay pa Dad mo diba?" Sabi nito



"Stepfather ko lang siya ang biological father ko ay patay na" tumingin ako kay Cent at tinignan reaksyon niya. Pero wala akong mabasa sa mga mata niya. Bakit pa siya nagtanong kung wala din naman siyang pake? "Sinagot ko na tanong mo ikaw bakit 123321 password mo?" Bawi ko



"Yan lahat gamit kong password" sabi nito tsaka binigay sakin phone niya na naka lock. "123321 password ng phone ko subukan mo" sabi niya at ako naman ay uto uto at sinubukan ko nga. Nag unlock naman siya, ibig sabihin di siya nagsisinungaling "yan din password ng mga social media account ko at lahat ng mga gamit ko na kailangan ng password. 123321 kasi madaling tandaan, walang espesyal na rason maliban lang ng dahil sa nakasanayan ko na" sagot niya sakin



"Abnormal ka talaga. Bakit mo sinabi sakin? What if i hack ko mga yan at pasukin ko unit mo at magnakaw?" Sabi ko dito



"Gawin mo gusto mo wala naman pipigil sayo. Tayo lang naman dalawa may alam ng password ko dahil maging parents ko hindi alam password ng unit ko. Wala akong ibang pwedeng maging suspect sakaling may mawala sakin kundi ikaw lang" sabi nito sakin



"Abnormal as if naman gagalawin ko pag aari mo" sabi ko "uwi kana mag tutupi pa ako ng damit" taboy ko sa kanya



"Ayoko wala akong gagawin don tsaka nagugutom ako hindi pa ako nag breakfast" makapal ang mukhang sabi niya



"May loaf bread sa kusina i toast mo nalang. Nasa ref yung butter at milk, may kape din ako kaso instant lang at huwag ka ng maghanap sa wala" sabi ko dito habang hinuhubad running shoes ko



Dahil sa makapal nga ang mukha niya ginawa nga niya ang gusto niya. Ewan ko lang kung anong ginagawa niya sa kusina ko pero sana huwag niyang sunugin. Tumayo ako pumasok sa kwarto ko at kumuha ng damit, mas mabuting maligo nalang ako para naman mabawasan init ng ulo ko dahil kay Cent.

*************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon