Chapter 85

904 29 0
                                    

Sue's Pov

"Aba ano itech? Holding hands while walking ang peg?" Salubong ni Lorraine samin. Agad naman akong bumitaw sa kamay ni Cent pero hinigpitan pa nito hawak sa kamay ko

"Okay lang naman hawakan ang kamay ng girlfriend ko diba?" Sabi naman ni Cent at walang pake kung may makakarinig man sa kanya

"Juiceko! Oh siya sige sorry na. Kahapon lang wagas kung mmag dedmahan kayo tapos kakabugin niyo na naman kami sa sweet sweetan na paandar niyo" sagot naman ni Lorraine

"Dito na kami alis na. Magkita nalang tayo mamaya" sabi ko ng makarating kami sa tapat ng classroom namin ni Lorraine

"Okay, sabay tayo mag lunch" sagot naman ni Cent sakin. Tumango nalang ako at ngumiti tsaka tinignan  siya habang naglalakad palayo

"Ano na namang drama niyo?" Tanong ni Lorraine ng makapasok na kami sa classroom

"Good morning!" Bati samin nina Myca at Claire. As usual naglupong na naman kami dito sa may pwesto ko habang wala pang guro

"Kami na" ngiting ngiting sabi ko

"Anong kayo na? Saan?" Naguguluhang tanong ni Claire

"Kayo na ang?" Tanomg naman ni Myca.

Nakangiting kinagat ko ang labi ko at tinignan ang tatlong kaibigan ko na naghihintay ng sagot ko.

"Kami na ni Cent. Boyfriend ko na siya" sagot ko tsaka malawak na ngumiti

"O tapos?" Tanong ni Myca na nakatingin lang sakin

"Anong bago don? Alam naman ng lahat na mag jowa kayo" sabi naman ni Claire

"Akala ko kung ano" sabi naman ni Lorraine

"Ibig kong sabihin kami na ni Cent. As in mag boyfriend girlfriend hindi na fake for real na" sabi ko pa sa kanila

"Hindi na kami magugulat kung bukas sasabihin niyo mag asawa na kayo" sabi naman ni Lorraine

"Seryoso kasi ako" malungkot na sabi ko

"Bakla! Sa totoo lang hindi kami naniniwala sa pakulo niyong fake na mag jowa. I mean, oo naniniwala kami na fake nga relasyon niyo pero alam namin dahil halata naman na gusto niyo ang isa't isa" sabi naman ni Myca

"Pero paanong nangyari na officially kayo na? Pero congrats friend! Celebrate tayo later" sabi naman ni Claire na kinindatan pa ako

"Congrats bruha sa wakas umamin na kayo sa totoong feelings niyo. Kwento mo naman samin paano naging kayo, kahapon kasi hindi kayo nagpapansinan diba?" Sabi naman ni Lorraine

Nagkwento naman ako kung paano ko sinagot si Cent. Syempre hindi ko na sinali yung kissing scene namin at yung inamin ko kay Cent na sikreto ko. Kilig na kilig naman sila at pilit tinatanong kung nag kiss na daw ba kami. Namula ako ng sobra sa tanong nila kaya nalaman din nila na nagkiss na kami ni Cent, hindi kasi ako makasagot. Masaya at paulit ulit nila akong binati at may mga kaklase din nagtanong samin kung ano daw okasyon at naki congrats din.

Dumating na ang guro namin at agad siyang nagtawag ng pangalan para sa attendance. Mukhang wala siya sa mood ngayon kaya nanahimik kaming lahat. Tinuon ko ang atensyon ko sa pakikinig kay Mrs. Roque hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at natapos na ito.

Hindi pa nakakaalis si Mrs.Roque ng dumating si Mrs.Fabian guro namin sa Nursing Intervention 1. Nag iwan lang siya ng kokopyahin namin tapos ay nag paalam din agad. May meeting daw kasi sila. Imbes na malungkot dahil hindi kami matuturuan ay nagsaya pa mga kaklase ko. Sobrang instrikto si Mrs. Fabian at lagi pang nakasigaw kaya maraming may ayaw sa kanya. Subalit sa kabila ng pagiging instrikto nito ay hindi makakaila ang galing nito sa pagtuturo.

***********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now