Chapter 73

1K 27 0
                                    

Sue's Pov

"Gising kana?" Tanong ni Cent sakin habang nasa sofa niya siya at nanonood ng tv

"Hindi pa tulog pa ako nananaginip nga ako eh" pilosopong sagot ko "anong oras na?" Tanong ko pa sa kanya pero tumingin din ako sa wall clock kaya nalaman kong alas nuebe na.

"Oras na para umuwi ka, sumakit katawan ko sayo sa likot mong matulog" sabi nito na ikinakunot ng noo ko

"Sinasabi mo? Anong malikot akong matulog?" Naguguluhan na tanong ko

"Sabi ko oras na para umuwi ka, may tuyong laway kapa oh!" Sabi nito kaya mabilis ang mga kamay kong tinakpan ang bibig ko. Tumayo siya at naglakad hawak ang likod niya at paika ika pa.

"Nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya

"Sinipa, sinuntok at hinulog mo lang naman ako" sagot niya sakin tsaka nagtungo sa kusina. Sumunod naman ako na takip parin bibig ko

"Bakit ko naman gagawin yon? Tsaka anyare sayo kagabi bakit naglasing ka?" Tanong ko

"Ewan ko bakit mo ginawa yon kung alam ko lang hindi na kita hiniga sa kama ko" sagot niya sakin

"I-ibig mong sabihin magkatabi tayong natulog?" Namimilog ang mga matang tanong ko tsaka niyakap ang katawan

"Ganon dapat mangyayare kaso hindi nangyare dahil sa sobrang likod mong matulog kaya sa sofa nalang ako natulog at ikaw ang nag enjoy sa malambot na kama ko" sagot niya sakin tsaka tinignan ako sa mata.

Naalala ko naman na may parang bumuhat nga sakin at hiniga ako sa kama. Ibig sabihin hindi yon panaginip? Ibig sabihin totoo din yung narinig kong sinabi niya na kahit nakanganga akong matulog ang ganda ko parin?. Napa urong ako habang nakikipag laban ng titigan kay Cent at tinalikuran siya. Baka naman kasi imagination ko nalang yung sinabi niya at ang totoo lang na nangyari talaga ay nung buhatin niya ako.

Hindi ako mapakali at iniikutan ang buong sala ko sa kakaisip kung nagagandahan ba talaga sakin si Cent. Si Cent sasabihin na maganda ako? Hindi kapani paniwala. Kung sakaling sinabi at nagandahan talaga siya sakin ibig sabihin ba non niloko ko rin siya?.

Napasabunot ako ng sariling buhok at hindi alam ang kung anong iisipin at gagawin. Dahil ba hindi nagtatanong mga kaibigan ko tatahimik nalang ako? Hindi ko ba talaga sasabihin sa kanila ang tungkol sa mukha ko? Kailangan ko ba talagang sabihin? Paano kung hindi nila ako matanggap pagkatapos nilang malaman?.

Napatingin ako sa pinto ng tumunog yon, huminga muna ako ng malalim sigurado si Cent na naman dahil siya lang naman bumibisita sakin. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita si Harry na nakatayo doon at may hawak na pumpon ng puting rosas.

"H-harry" nautal na banggit ko sa pangalan niya

"Hi Sue, for you" sabi nito sabay abot sakin ng hawak niyang bulaklak

"T-thanks" sabi ko naman at kinuha ang binibigay niyang bulaklak at lumabas ng unit ko. Sakto naman paglabas ko ay siya ding labas ni Cent sa unit niya. Nagtitigan pa kami pero ako nalang unang umiwas at pilit nginitian si Harry.

"Pwede kabang ayain kumain? May gusto kasi akong sabihin sayo" tinitigan ko si Harry. Siguro nga kailangan naming mag usap.

"Sige" tipid na sagot ko

Nagkasalubong ulit ang tingin namin ni Cent habang naglalakad kami ni Harry. Tumango pa nga si Harry kay Cent na tinanguan din niya. Gusto ko sanang lingunin si Cent kaso hindi ko alam bakit hindi ko ginawa.

"Sue gusto ko sanang mag sorry sa mga nasabi at nagawa ko, nadala lang ako ng init ng ulo" tinignan ko naman si Harry at mukhang sincere naman siya kaya nginitian ko nalang siya at tumango.

"Medyo napasobra nga yung sinabi mo pero kalimutan nalang natin" sabi ko sa kanya

"Thank you Sue and sorry talaga hindi na yon mauulit nadala lang talaga ako ng emosyon ko dahil sa selos" sabi pa niya

"Selos? Hayaan mo na kalimutan mo na" sabi ko pa tsaka naman dumating yung spaghetti meatballs at lemon fruit tea na order ko. "Thanks" sabi ko sa waitress na nginitian naman ako.

"Yeah, nagselos ako nun kay Captain. Akala ko hindi totoo yung salitang selos dati pero napatunayan ko na totoo pala. Sobrang nakakaselos yung makita mo ang babaeng gusto mo na may kasamang ibang lalaki. Ang sakit pala talaga sa dibdib" sabi pa ni Harry na itinapat pa ang kamay niya sa dibdib

"Baliw" sabi ko at mahinang tumawa "sinabi ko naman sayo noong una na hanggang magkaibigan lang pwede kong ibigay sayo diba? Ayoko kasing masira pagkakaibigan natin kung hahaluan natin ng higit pa don, tapos yun nga nangyari na nga" sabi ko pa dito

"Sue tulad ng sabi ko dati hindi ako nagmamadali. Kahit kailan maghihintay ako kasi ikaw tinitibok ng puso ko. Okay naman tayo non diba? Okay na sakin yung ganon, kahit walang label relasyon natin masaya na ako bastat malaya akong makita, makausap, makasama ka at maparamdam sayo gaano ka kahalaga sa buhay ko" sabi pa niya

"Masaya naman ako nung panahon na hindi pa tayo nagkakatampuhan. Pero talaga sigurong hanggang magkaibigan lang tayo. Harry ayokong sabihin na bibigyan kita ng chance kasi ayokong paasahin ka. I'm sorry Harry sorry talaga" pangintindi ko sa kanya


"Wala naman akong magagawa kung nakapag desisyon kana talaga" malungkot na sabi ni Harry "Pero Sue pwede ba tayong maging magkaibigan ulit?" Tanong nito

"Oo naman" nakangiting sagot ko sa kanya

"Salamat" sabi niya tsaka tumingin sa pagkain ko "kumain kana" sabi pa niya


"Ikaw din kumain kana din" nakangiting sabi ko naman

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, okay na kami ni Harry at magtuloy tuloy na sana. Isa nalang talaga problema ko at yun ay tungkol sa mukha ko. Uminom ako ng konti sa juice ko at tumingin kay Harry. Ano kaya magiging reaksyon niya kung sakaling sabihin ko na nagpa retoke ako at ako si Sue na pinag pustahan nila dati? Papayag parin kaya siya na maging kaibigan ako?. Ngumiti ako kay Harry ng nginitian niya ako. Bahala na si Batman ipagdarasal ko nalang na sana maintindihan niya ako.

Nagkwentuhan pa kami ni Harry at gaya dati nagbibiruan at puno ng saya naging pag uusap namin. Nang aalis na kami ng resto ay nagkita pa ulit kami ni Cent, nakaupo siya sa di kalayuan samin. Umiyas siya agad ng tingin sakin at mukhang wala siyang balak pansinin ako. Siguro galit parin siya sakin dahil sa pagkahulog niya sa higaan niya o kaya galit siya dahil sa tanong niyang hindi ko nasagot.

******************

New Face (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang