Chapter 102

755 28 0
                                    

Sue's Pov

"Ngayon ko lang napansin yang galos mo sa may bandang baba, napano yan?" Tanong ko kay Cent habang kumakain kami

"Heto ba?" Turo niya sa baba niyang may galos "wala to, hindi ko nga alam paano nakuha to" sagot niya sakin tsaka ngumiti

"Ahh" napatangong sagot ko. Ako din naman kasi minsan nagkaka galos ng hindi ko alam. "Mamaya pala pupunta ako ng supermarket, may gusto kang ipabili?" Tanong ko sa kanya

"Sasamahan nalang kita" sagot niya

"Nyek! Kahit samahan mo'ko hindi naman kita makakasabay sa pag uwi dahil marami rami bibilhin ko at di kakasya sa motor mo" natatawang sabi ko

"Sino ba nagsabi yung motor ko gagamitin ko? May kotse naman ako yun gagamitin natin" sagot niya

"Pero alam ko nasa bahay niyo kotse mo diba?" Kunot noong tanong ko sa kanya

"May kotse ako sa bahay at may kotse din ako dito" sagot niya sakin na ikinatanga ko

"May kotse ka naman pala pero pinapasakay mo'ko sa motor mo kahit alam mong natatakot ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko

"Ginagamit ko lang naman yung motor ko dahil convenient siyang gamitin para sakin. Nagustuhan ko lang naman talaga siyang gamitin dahil sayo" sagot nito sakin tsaka nagpakawala ng maliliit na ngiti sa labi na tila pigil na pigil

"Nakakatakot kaya ang motor mo!" Malakas na sabi ko "gustong gusto mo pala yung natatakot ako kapag sumasakay sa motor mo no?" Sabi ko pa tsaka siya inirapan

"Alam mo babe ang sarap sa pakiramdam kapag natatakot yung babaeng mahal mo tapos yayakap siya ng mahigpit sa bewang mo at ibibigay ang buong tiwala sayo na hindi mo siya pababayaan" nakangiting sagot niya sakin "kaya gustong gusto ko siyang ginagamit dahil sa mga yakap mo" natawang sabi pa niya

"Ahh ganon? Nananyansing ka lang pala kaya pinapasakay mo'ko sa motor mo!"  Pigil ang malakas na pagtawa na nilapitan ko siya at kunwari sasaksakin ng tinidor na hawak ko. Napatayo naman siya at tumatawang umiwas sakin

"Babe ikaw yung yumayakap kaya ikaw tsumatsansing sakin" sagot  nito na todo ang ngiti at may kasama pang tawa na umiiwas sakin habang lumalapit sa kanya

"Ako pa ngayon! Manyak ka manyak!" Sabi ko tapos ay tumakbo siyang tumatawa papuntang sala. Nakisali rin ang dalawang bubwit akala yata nakikipaglaro kami sa kanila.

Hinuli ako ni Cent ng yakap mula sa likod at kinuha mula sa kamay ko yung tinidor na hawak ko at ibinaba yon sa may sofa. Hinawakan ko naman ang dalawang kamay niyang nakayakap sa baywang ko patingalang tinignan siya. Mabilis naman niya akong dinampihan ng halik sa labi at muling niyakap ng mahigpit.

"Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok dumating satin, ikaw at ako lang ang importante. Mahal na mahal kita kaya huwag mokong bibitawan" sabi nito na tumagos sa puso ko

"Mahal na mahal din kita kaya huwag mo rin akong bibitawan" sagot ko sa kanya tsaka humarap sa kanya "Hindi ko makakaya kapag nawala ka sakin" sabi ko tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi niya at mariin siyang hinalikan sa labi

Unti unting humigpit ang pagkakayakap sakin ni Cent kasabay ang pag galaw ng aming labi. Kahit ilang ulit niya akong halikan, kahit mapudpod na ang mga labi ko at maubusan ng hininga ay hindi ako magsasawa sa mga halik niya. Mahal na mahal ko siya at walang magpapabago don.

Pansamantalang naghiwalay ang mga labi namin at tila ba tinutukso tukso pa niya ako dahil sa panakaw na halik na binibigay niya sa mga labi ko. Nagkusa na ang dalawang kamay ko at lumambitin sa batok niya at sinimulan ulit halikan. Akala ko siya ang manyak saming dalawa pero napatunayan ko na ako pala talaga.

***************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now