Chapter 55

1.1K 38 10
                                    

Sue's Pov


Alas dose y medya na ng madaling araw pero heto kami ni Cent abala sa pagtapos ng research paper namin. Tapos ko na yung akin kahapon pa pero ang kanya ni r-rush namin para ma ipasa na bukas. Kung hindi kasi namin ito matatapos ngayon magiging walang saysay ang pagod at puyat namin dahil siguradong babagsak kami.



"Wait pagtitimpla kita ng kape" sabi ko na tumayo at pumunta ng kusina para gumawa ng kape pampatanggal ng antok



Binuksan ko ang ref para kumuha ng makakain namin sana pero wala akong makita kundi yung strawberry cake na binigay ni Harry kahapon. Wala pa itong bawas at maliit lang naman kaya dinala ko na ng buo sa sala.



"Kain ka muna" sabi ko habang pinag s-slice ko siya ng cake at nilagay sa platito



"Birthday mo?" Natawang tanong niya tsaka tinignan ako



"Alam mo mas gusto kong makitang poker face ka kaysa ngumiti ka sa corny jokes mo" sabi ko "tsaka binigay ni Harry yan kahapon nakalimutan ko lang kainin" dagdag ko pa at nag slice pa ng isa at inilagay sa platito ko




"Hindi masarap. Maasim. Sira na yata" sabi nito na niluwa pa yung sinubo niya




"Ha? Nilagay ko naman sa ref ah" sabi ko na titikman ko sana pero pinigilan ni Cent kamay ko



"Gusto mo ma food poisoning? Huwag mo ng kainin yan" sabi pa nito tsaka kinuha yung platito kong may cake at yung mismong cake. Pumunta siya sa kusina bitbit yung cake at mga platito tsaka niya ito binalik sa box at nilagay sa tinapon sa trash bin.



"Sayang naman, mali siguro yung timer ng ref ko kaya nasira" nanghihinayang na sabi ko habang nakatingin sa box ng cake sa basurahan



"Mas malaking problema kung nakain mo mag isa kapa naman dito. Paano nalang kung nakain mo yon tapos nalason ka? Buti nalang natikman ko muna" sabi niya


"Oo nga eh pero sorry dahil sakin nakain mo tuloy" nahihiyang sabi ko dito



"Hindi ko naman nalunok kaya ayos lang" sabi nito tsaka niya tinignan ang pinakukuluan kong tubig tsaka niya pinatay. "May alam akong coffee shop malapit dito, labas muna tayo ng magising diwa natin" aya nito sakin.



Hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan na nito ang kamay ko at hinila palabas. Wala naman akong magawa kundi sumunod nalang. Pagdating namin sa basement ay binigay nito ang helmet niya sakin.



"Saan ba yung coffee shop na sinasabi mo? Magkita nalang tayo don" sabi ko sa kanya at tinanggihan ang helmet niya




"Malapit lang naman sakay na" alok parin nito sakin




"Hindi kasi ako sumasakay sa mga motor. H-hindi ako marunong n-nnatatakot ako" utal na sabi ko




"Hayaan mo pag nahulog ka sasaluhin kita ng di nag dadalawang isip at alinlangan" biro pa nito



"Kapag nahulog ako siguradong mahuhulog ka rin abnoy ka talaga" sagot ko sa kanya



"Hindi kapa nahuhulog nahulog na ako kaya masasalo kita" sagot pa niya na ayaw tumigil



"Tse! Saan nga kasi yon magkita nalang tayo o kaya sundan nalang namin motor  mo" sabi ko sa kanya



"Hindi sige maglalakad nalang tayo malapit lang naman talaga" sabi nito na bumaba sa motor niya at tinanggal ang susi doon.



"Sure ka? Ikaw bahala" sabi ko sa kanya



Medyo tahimik ang paligid at tunog ng mga sasakyan na dumadaan nalang ang naririnig at nakikita ko. May pa ilan ilang tao din nakatambay na iniiwasan nalang namin. Hindi naman nakakatakot dahil marami namang ilaw at tiwala akong mapoprotektahan ako ni Cent.



Mahigit kinse minutos rin kaming naglakad at tanging kinatakutan ko lang sa buong paglalakad namin ay yung pagtawid. Todo kapit ako sa braso ni Cent dahil takot talaga akong tumawid.



Nakarating kami sa Crepe Amelei at umorder ako ng blueberry peanut butter crepe at macchiato, espresso at strawbery shortcake naman inorder ni Cent.


Pagkabigay nila sa order namin ay binigay sakin ni Cent yung strawberry shortcake niya, kapalit daw ng tinapon niyang strawberry cake ko.



Nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano pero mas na focus ang kwentuhan namin kay Coco Martin. Hindi ko naman talaga idol o crush si Coco Martin dahil wala talaga akong interes sa mga celebrities pero hindi ko naman maitatanggi na gwapo talaga si Coco Martin.

*********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now