Chapter 72

988 28 0
                                    


Sue's Pov

"Uy!" Tawag pansin ko kay Cent habang naglalakad kami papasok sa galaxy tower

Hindi parin niya ako pinapansin at nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Binilisan pa nga niya kaya no choice ako kundi takbuhin ang pagitan namin para makasabay sa kanya.

Bumukas ang elevator at pumasok siya, naka pout na sumunod ako sa kanya at kinalabit siya. Kaso dedma lang niya ako. Aish! Bahala nga siya.

Nang bumukas ang pinto ay nauna na akong lumabas sa kanya. Ramdam ko naman pagsunod niya sa likod ko, bumuntong hininga nalang ako ng marinig ko yung pagbukas ng pinto niya at pagsara nito. Tumingin ako sa unit ni Cent at talagang hindi man lang niya nagawang mag goodnight sakin. Nagi guilty tuloy ako dahil hindi ko nasagot kung ano man yung tinanong niya na kinagagalit niya.

Pumasok ako sa unit ko at binuksan ang mga ilaw. Dumiretyo ako sa kusina at uminom bago pumasok sa kwarto ko para kumuha ng damit. Mabilis akong naligo at nagbihis. Balak ko sanang matulog na kaso hindi ako dalawin ng antok. Minabuti kong pumunta nalang ng sala at nanood ng I Can See Your Voice.

The Bottomline with Boy Abunda na ng maisipan kong magbalik sa kwarto ko para matulog na, pero kahit anong pwesto gawin ko hindi ko makuha yung antok ko. Umupo nalang ako at binuksan ulit yung lampshade ko. Bumuntong hininga at nagdasal na sana patulugin na ako. Ala una y medya ng huling tumingin ako sa wall clock. Thanks God talaga dahil sa wakas nakatulog din ako.

Ayaw pang dumilat ng mga mata ko pero kailangan kong tumayo na dahil sa nag d-doorbell sa pintuan ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas dos kwarenta y singco palang ng madaling araw. Bwisit na bumangon ako dahil sa naistorbo ang tulog ko, ang hirap ko pa naman dalawin ng antok kapag kakagising ko lang kahit bitin pa sa tulog.

Tuloy tuloy at walang tigil parin ang pagtunog ng doorbell ko, nakakainis na dahil sa ingay. Asar na binuksan ko ang pinto ko at bumulaga sa harap ko si Cent kasama ang dalawang taga maintenance na pinipigilan siya.

"Pasensiya na po ma'am akala yata ni Sir dito ang unit niya, lasing na lasing po eh" sabi ng isa sa mga taga maintenance

"Sue!" Tawag sakin ni Cent tsaka siya tumawa ng tumawa. Amoy na amoy ko sa hininga at katawan niya yung alak.

"Kuya pasuyo naman ako, baka pwedeng paki pasok siya sa loob" pakiusap ko sa dalawa dahil hindi ko kakayanin kung ako magbubuhat sa kanya. Ang laking tao kaya niya.

"Okay lang po ba ma'am? Baka kasi maka istorbo din siya sa ibang residente dito eh" sabi naman nung isa

"Pare nag iisa lang si ma'am baka kung anong gawin niyan lasing pa naman" kontra naman nung isa

"Okay lang po kaibigan ko po siya diyan lang po yan nakatira" turo ko sa 3403 kung saan naroon unit ni Cent

"Diyan lang po ba siya? Sandali lang po ma'am baka may tao sa loob tatawag lang ako ng makapag pahinga na po kayong pareho ni Sir" sabi nung kumontra kanina. Nag doorbell siya sa unit ni Cent pero walang nagbukas. As if naman may magbubukas don nasa labas yung nag iisang nakatira sa unit na yon.

Lumapit ako sa unit ni Cent at pinindot ang password ng pinto niya.

"Pakitulungan niyo nalang po akong ipasok siya sa kwarto niya" sabi ko dun kay kuya

"Sige po ma'am" mabilis na sagot niya at nilapitan ang kasama niya at binuhat ang nakapikit na si Cent pero kumakanta ng One Day. Napapailing nalang ako sa mga nakikita kay Cent.

Pagkapasok nila sa kwarto kay Cent ay inalok ko pa sila ng inumin pero tumanggi sila at babalik na daw sila sa trabaho. Nagpasalamat nalang ako sa kanila at hinatid sa pinto.

Bumuntong hininga ako ng isara ko ang pinto at tumingin sa nakabukas na kwarto ni Cent. Agad naman akong lumapit kay Cent at hinubad ang suot niyamg sapatos at medyas. Hinubad ko din ang suot niyang jacket at hinayaan na siyang nakabukakang nakahiga.

Balak ko sanang palitan yung suot niyang polo shirt kaso ayoko naman mangealam sa mga gamit niya. Tumayo nalang ako para kumuha ng malamig na tubig sa palangana at balak sanang punasan siya upang kahit papano mahimasmasan siya.

Wala akong choice kundi kalkalin cabinets niya para makahanap ng bimpo na pangpupunas ko sa kanya. Unang pagbukas ko sa cabinet niya ay mga underwears niya bumulaga sakin, buti nalang sa pangalawang cabinet ay naroon na mga bimpo niya. Kinuha ko yung kulay brown na towel niya ng biglang may pamilyar na bagay akong nakita. Hindi ko ugali mangalkal ng gamit ng iba pero bumilis ang puso ko sa nakita. Mga ibat ibang kulay na panyo na may nakalagay na letters CMA, napaupo ako habang hinahawakan ang mga burdang letra. Parehong pareho ng panyo ko.

"Sorry hindi kita nakilala" sambit ko habang nakatingin sa mahimbing ng natutulog na si Cent. "Ikaw pala yon" sabi ko pa tsaka lumapit sa kama niya. Pinunasan ko mukha niya at napaungol naman siya.

"Sue" sabi naman niya na minulat ng konti mga mata

"Mmm?" Tanong ko na napangiti pa. Bakit ba kasi ang gwapo niya kahit lasing siya.

"Asar ka" sabi nito tsaka pumikit ulit "nakakaasar ka" ulit pa niya

"Ano ba kasing ginawa ko bakit naaasar ka sakin?" Tanong ko sa kanya at nagbabaka sakali na sabihin nga niya

"Tinanong kita pero hindi mo'ko pinansin mas pinansin mo pa yung yung.. ano kasi yon?" Tanong pa nito sakin tsaka siya biglang umupo sa kama niya habang nakayuko "aish!" Bwisit na sabi pa nito habang nakapikit

"Abnormal ka talaga. Mahiga ka nga!" Utos ko sa kanya pero inalalayan ko parin siya hanggang makahiga ulit siya. Kinumutan ko rin siya pero tinatanggal niya, siguro naiinitan siya. "Ano bang gagawin ko sayong tao ka" sabi ko tsaka ko tinaas ang mangas ng polo shirt niya at pinunasan siya.

Mukha naman mahimbing na siyang nakatulog kaya niligpit ko na yung palangana at sinampay yung towel niya. Bumalik ako sa kwarto niya para i check ulit sana siya bago ako umalis kaso ay mukhang nananaginip siya ng masama. Tinapik tapik ko mukha ni Cent para magising siya peto umuungol lang ito. Hindi naman nagtagal ay huminto siya sa pag ungol pero mahigpit na hawak naman nito ang kamay ko.

Tatanggalin ko sana pagkakahawak niya sa kamay ko kaso nag aalala ako na baka magising siya. Pinatong ko nalang ang ulo ko sa kama niya at hinawakan din ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hihintayin ko nalang humimbing siya sa pagtulog bago ako umalis.

***************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now