Chapter 61

1K 40 0
                                    

Sue's Pov



Tahimik na nag uunahan pumatak mga luha ko habang sinusuntok ni Harry si Cent. Natalo si Cent ng limang puntos kaya limang puntos din ang suntok na matatanggap niya kay Harry.



Gusto ko man lapitan at tulungan si Cent ay hindi ko magawa dahil pinipigilan ako ng babaeng naka akbay sakin ngayon at sinabi pa niya na huwag akong mangialam. Ngiting ngiti si Harry habang nakatingin sakin na tila pinagyayabang ang pagka panalo niya.




"Cent okay ka lang ba? Tama na yan umuwi nalang tayo" naiiyak na sabi ko ng matapos itong suntukin ni Harry




"Hindi pa pwede pero huwag kang mag alala ihahatid kita pauwi" sagot nito sakin



"Uwi na tayo please? Gusto ko ng umuwi" hindi ko na napigilan ang pag iyak



"Huwag kang umiyak pinapangako ko makakauwi ka ng walang galos" ngumiti pang sabi niya at ginulo ang buhok ko



"Kuya mukhang bugbog sarado kana ah, bakit hindi ka tumawag?" Sabi ng bagong dating tsaka lumapit samin ni Cent



"Kailangan talaga magpabugbog muna ang bida kuya" nakangiting sagot naman ni Cent na nakipag fist bump pa



"Kung hindi pa tumawag si Anne hindi namin malalaman na nandito ka't lumalaban" sabi naman nung isang chinito na umakbay kay Cent



"Hindi talaga ako tumawag kuya wala lang naman to" sagot ni Cent dun sa chinito



"Teka parang may mali dito" sabi naman ng isang lalaki na kasama ng mga kaibigan ata ni Cent. "Huwag niyo naman pagkaisahan kaibigan namin dahil nag iisa lang siya" sabi pa nito tsaka hinawakan ang isang taco at pumormang maglalaro ng billard.



"Matapang kasi marami sila" sabi pa ng isang kaibigan ni Cent



"Patas ang laro namin dito. Isa pa siya nang hamon sa bata ko" sagot naman nung boss nila Harry



"Paanong patas?! Nung si Cent nanalo hindi niyo naman hinawakan si Harry ah! Bakit ng si Harry na nanalo tatlo pa humawak sa kanya?! Ganyan ba ang patas na paglalaro?!" Hindi mapigilang sabat ko




"Sue okay lang ako huwag ka ng makisali" sabi naman ni Cent sakin




"Kung ikaw okay ako hindi. Kung hindi dahil sakin hindi naman kayo magkakasakitan ni Harry eh. Mas maganda siguro kung lilipat nalang ako ng school" sagot ko pa sa kanya





"Wala kasing gustong humawak kay Harry kaya nangyari yon" tumatawang sabi nung boss nila Harry



"Edi sana hindi niyo na rin lang hinawakan si Cent! Bwisit na palusot yan!" Inis na malakas na sabi ko




"Kuya gusto ko yang girlfriend mo matapang, baka may ate o nakakabatang kapatid pa siya ipakilala mo naman sakin" sabi naman ng isa pang lalaki




"Hahaha! Kuya anong nangyari sa mukha mo?" Tumatawang sabi naman nung bagong dating din at may kasama pa siyang 7 lalaki



"Abugbog ako Berna" sagot ni Cent na pinigil ang pagtawa



"Asan berna para abugbog ko din" sabi naman ng isa na tumatawa na may dala pang baseball bat



"Ano na? Laban paba? Sayang ang oras" sabi nung boss ni Harry



"Kuya paki bantayan lang bossing ko tatapusin ko lang laro namin" sabi ni Cent sa lalaking katabi



"Ako bahala sa bossing mo kuya" rinig ko namang sagot nito kay Cent



Nagsimula ulit ang laban. Kung kanina ako lang nag chi cheer kay Cent ngayon ay marami na kami. Isang beses lang nakahawak ng taco si Harry at tinapos agad yon ni Cent. Hinawakan ng dalawang kasama ni Cent si Harry na masamang nakatingin sa kanya tsaka nagsimulang sumuntok si Cent.



Pangalawang suntok palang nagagawa ni Cent ng makita ko yung dugo galing sa bibig ni Harry. Sinikmurahan ni Cent si Harry at sumunod ang isang suntok ulit sa mukha.



"Tama na" mahinang sabi ko. Mukha naman narinig ako ni Cent dahil huminto siya at tumingin sakin "Tama na" umiiyak na ulit ko



"Sue" tawag naman sa pangalan ko ni Harry.



"Please tama na po" pakiusap ko sa dalawang lalaki na humahawak kay Harry. Binitawan naman nila ito kaya ako na umalalay sa kanya. "Ang gago mo kasi eh" sisi ko pa sa kanya habang umiiyak



"Hindi ko lang matanggap na pinagpalit mo'ko sa kanya" sagot nito sakin



"Noong una palang sinabi ko na sayo na hanggang magkaibigan lang tayo diba? I'm sorry ng dahil sakin nag away pa kayo ni Cent pero sumobra ka din naman kasi. Hindi ko alam na aabot kayo sa ganito na halos magpatayan na kaya please tumigil na kayong dalawa" umiiyak na sabi ko



"Titigil lang ako kung lalayuan mo siya" sagot niya sakin na ikinatingin ko sa kanya diretyo sa mga mata niya



"Sue umuwi na tayo" sabi ni Cent na lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko para alalayin



"Ako ang maghahatid sa kanya!" Bawi ni Harry sa kamay ko "nakita mo naman na ako ang panalo sa kanya diba? Ako yung nilapitan hindi ikaw" mayabang na sabi pa niya



"Wala ka ng pag asa. Hindi kana magbabago" sabi ko na marahas tinanggal kamay niyang nakahawak sakin "Nilapitan kita hindi dahil pinili kita, nilapitan kita dahil naaawa ako sayo. Nilapitan kita para hindi kana masaktan pa ni Cent. Nilapitan kita dahil ayokong maging katulad mo si Cent" sabi ko dito tsaka tinalikuran siya at hinila si Cent



"Sige na Kuya iuwi mo na syota mo kami na bahala dito" sabi ng isang kaibigan ni Cent.



Nakababa na kami at nakalabas na din sa Hill square ng huminto ako sa paglalakad at sinuntok sa dibdib si Cent. Mukhang hindi siya nasaktan kaya sinuntok ko ulit siya habang umiiyak ng paulit ulit hanggang pigilan niya kamay ko at yakapin ako.



"I'm sorry" tanging sabi niya habang hinahagod nito ang likod ko




"Tinakot mo'ko" humihikbing sabi ko habang nakasubsob sa dibdib niya




"Sa lahat ng takot ikaw ang may lakas ng loob na pumunta dito. Alam mo bang delikado dito? Huwag na huwag kana ulit aapak sa lugar na'to" sabi pa nito sakin




"Hindi naman ako pupunta dito kung nakinig ka sakin na huwag umalis ng bahay eh!" Sabi ko sabay tulak sa kanya




"Sorry na, huwag ka ng umiyak" nakangiting sabi nito na lumapit sakin at ginulo ang buhok ko. "Tara na uwi na tayo" yakag nito sakin papunta sa motorsiklo niyang naka park sa di kalayuan




Hindi na ako kumontra ng iabot niya sakin ang isang helmet at pasakayin ako. Gusto ko ng makaalis sa lugar na yon na kung pwede lang ay paliparin ni Cent ang motor niya ng makauwi na kami. Mahigpit akong yumakap sa baywang ni Cent habang ang ulo ko'y naka pahinga sa likod niya. Inalis ni Cent lahat ng takot ko, pakiramdam ko tuloy ay walang mangyayaring masama sakin hanggat kasama ko siya.

**************

New Face (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum