Chapter 101

755 30 0
                                    

Sue's Pov

Pagkatapos naming mag usap ni Hyun Woo ay nagpasya na itong umalis sa poder ko. Sa Hotel nalang daw muna siya tutuloy hanggang sa araw ng pag alis niya ng bansa.

"Geogjeongma, gwaenchah eulgeoya" (huwag kang mag alala, magiging ayos lang ako) sagot niya sakin na may tipid na ngiti sa labi "alagaan mong mabuti si Sue huwag mo siyang sasaktan" bilin naman niya kay Cent.

Nag offer pa kami ni Cent na ihahatid siya sa Hotel na tutuluyan niya pero tumanggi siya. Tatawagan nalang daw niya kami sakaling nagka problema siya. Ayaw din niyang magpahatid samin kahit hanggang makasakay siya ng taxi kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Cent sa unit niya habang sobrang guilty naman ako at umiiyak.

"Hayaan mo muna siya" sabi ni Cent sakin at inalalayan akong makaupo sa sofa niya

"Anong sasabihin ko kina Mama kapag nalaman nila na umalis si Hyun Woo sa unit ko at nag check in nalang siya sa hotel? Eottohke" sambit ko

"Sabihin mo ang totoo. Sabihin mo kung anong nangyare" sabi naman ni Cent na tila napakadali lang sabihin yon. Tumango nalang ako.

"Balik na ako sa unit ko,naghihintay yung dalawa sakin" pagpapaalam ko kay Cent.

"Hatid na kita" sabi nito. Ngumiti nalang ako at tumango

"Kumusta pala lakad niyo nina Joaquin kanina?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Ayos naman" tipid na sagot niya. Siya na nagbukas ng unit ko at pinauna na akong pumasok. "Mag pahinga kana maaga pa pasok natin bukas" sabi nito tsaka sumulyap kina Gidget na kumakawag ang mga buntot na lumapit samin.

"Mmm sige. Goodnight" sagot ko sa kanya

"Sleep well" sabi naman niya tsaka niya ako hinalikan sa noo

"Matulog kana at huwag mag puyat" bilin ko pa sa kanya

"Opo bossing" habol na sagot niya bago siya ulit lumabas at sinarado ang pinto

Naghilamos muna ako at nagpalit na pantulog bago nahiga sa kama ko. Dahil yata nakatulog ako kanina kaya hindi ako dalawin ng antok, kung ano ano na naman tuloy naiisip ko.

*******

"Good morning!" Nagulat ako ng makita ko si Cent na inihahanda ang mesa "kain na habang mainit pa ang pagkain" sabi nito

"Good morning, pero anong ginagawa mo dito? Nagluto ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko

"Maaga akong nagising kaya naisipan kong ipagluto kita ng almusal" sagot niya sakin

"Hindi ka naman marunong magluto diba?" Natatawang sabi ko tsaka lumapit sa mesa. Mukhang okay naman, hindi naman sunog yung itlog at hotdog.

"Kaya ko naman gawin ang simpleng pag prito, huwag lang yung may ginigisa gisa patay tayo" sagot nito

"Buti hindi ka nalang nag jogging? Nag abala kapa"  Tanong ko pa sa kanya

"Nag jog naman ako ng mga 30 minutes tapos tumigil na at naisipan kong ipagluto ka nalang ng breakfast" sagot nito sakin

"Mmm.. sandali maliligo lang ako" sabi ko

"Kumain ka muna habang mainit pa ang pagkain" sabi naman niya

"Okay toothbrush lang ako saglit" sabi ko tsaka siya nginitian at pumunta ng banyo

*************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now