Chapter 27

1.4K 42 5
                                    

Sue's Pov


Saeng il chu ha ham ni da
Saeng il chuk ha ham ni da
Sarang ha neun Sue shi
Saeng il chuk ha ham ni da


Maluha luha ako ng i blow ko yung candle matapos kong pumikit at humiling. Ngayon ay eighteen birthday ko at kasama ko sina Appa, Mama, Unni Eun Ha, Mr. Nam at Ahjuma sa pag celebrate ng birthday ko. Simpleng salo salo lang naman ang wish ko na tinupad nila. Wala naman kasi akong mga ibang masasabing kaibigan ko na pwede kong makasama ngayong araw.



Nakakalungkot isipin na umabot ako sa edad na disi otso ay wala akong maituturing na tunay na kaibigan maliban sa mga kasama ko ngayon. Pero okay lang at least may mga kaibigan ako. Si Unni Eun Ha na fitness instructor ko noon ay may asawa at buntis na din ngayon. Hindi nakasama asawa niya ngayon na naging ka close ko na din dahil nasa ibang bansa ito dahil sa project na inutos ni appa. Napangiti ako ng maalala ko ang hirap na naranasan ko sa pag d-diet, nakuha ko ng sumuko pero hindi ako sinukuan ni unni at pinalakas nito ang tiwala ko sa sarili na kakayanin ko.




Si Mr.Nam naman ay ang palabirong driver namin, napaka masayahin niya at kahit mahirap lang sila ay napaka positibo pa rin niya. Kapag kasama ko siya hindi pwedeng hindi ako tumawa kahit corny jokes niya.




Si Ahjumma naman ay walang sawang nagtuturo sakin sa pagluluto. Sa kanya din ako tumatakbo kapag may gusto akong malaman ng kahit anong bagay. Meron nga pala siyang pamangkin, si Hyun Woo. Si Hyun Woo ay nag aaral sa Hanyang University at nag sstay siya sa dorm nila don. Hindi ko alam kung masasabi ko bang magkaibigan kami dahil lagi niya akong niloloko. Madalas tumatawag siya sakin kapag hindi siya busy para asarin ako, pero hindi natatapos ang gabi na wala siyang text na goodnight sakun. Ahh! Kaya nga pala wala siya ngayon dahil hindi siya invited.




Si Mama ang naging punong abala sa birthday party ko ngayon. Ang tanging contribution ko lang naman ay ang pagtulong ko sa kanya sa pamimili sa supermarket na inihanda niya ngayon. Busy din kasi ako sa school dahil sobrang dami pinapa research samin ng mga profs ko.



Speaking of school, masasabi kong mas normal na ako ngayon bilang isang estudyante. May mga kaklase parin akong mapang asar pero hindi tulad noong nasa pinas ako na lahat yata ng tao sa school ay galit sakin. Nagkaroon ako ng lakas ng loob mag mag enrol sa school na pinapasukan ko ngayon noong pumayat ako. Mula sa 220 lbs ay naging 107 lbs nalang ako, ngayon ay kuntento na ako sa katawan ko pero patuloy parin ako sa pag g-gym at pag yoga.




Si Appa naman ay super supportive sakin. Lahat ng kailangan at gusto ko binibigay niya at kahit kailan hindi ko naramdaman na ikinahiya niya ako. Minsan kapag kasama ko siya tapos may nakakita sa kanya na kakilala niya pinapakilala niya ako bilang anak niya. Anak naman niya talaga ako dahil legal na inadopt niya ako. Kahit hindi laman at dugo niya dumadaloy sa katawan ko alam namin pareho na mag ama kami. Matagal din bago ko siya natawag na appa dahil naniniwala ako na si Papa lang ang pwede kong maging tatay at tawagin na papa. Birthday ni appa noon ng sabihin niya samin na wala na daw siyang mahihiling pa maliban lang sa isa, at yun ay ang tawagin ko siyang appa.





"Saengil chukahae" nagulat ako ng may biglang sumulpot na dalawang kamay sa harapan ko. Tumingin ako sa taong nasa likod ko at napangiti ako ng makita ko si Hyun Woo.



"Gomaho" sagot ko at kinuha ang gift niya


Binuksan ko ang gift niya sa harap niya at natuwa naman ako dahil isang penguin keychain yon. Kahit may pagka saltik siya alam niya mga bagay na gusto ko. Hindi ko rin alam kung bakit na aadik ako sa mga penguin. Siguro dahil kasing katawan ko mga penguin dati? Natawa nalang ako sa naisip at muling nag thank you kay Hyun Woo na nag gate crash lang sa bakuran namin. Malakas kasi pang amoy niya pagdating sa pagkain, naamoy siguro niya yung korean beef na iniihaw ni Ahjumma.



Masaya kaming kumain at pinagsaluhan ang munti kong handa. Kailangan kong i enjoy ang foods ngayon dahil sigurado matagal ulit bago ako makakakain ng marami. Bukas ay panibagong yugto na naman ng buhay ko ang haharapin ko, sana lang sa pagkakataon ngayon makuntento na ako.

*************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now