Chapter 33

1.3K 33 0
                                    

Sue's Pov



Tulala akong nakatingin sa malayo habang nakaupo sa bench sa may soccer field. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, takot ba? Tuwa? Ewan.



Umuwi ako sa bahay dala ang agam agam kung sasabihin ba kay Mama ang sinabi ng adviser ko at ng dean namin sakin. Naabutan ko si Mama na nasa sala at sinusuklay ang aso naming si Betty na isang showtype shih tzu.



"Nandito kana pala" sabi ni Mama ng makita ako



"Mmm" tumangong sagot ko at lumapit sa kanila "Hello Betty na miss mo si Ate hmm?" Kinuha ko ang aso kay Mama at binuhat siya. "Ang bango naman ng baby namin naligo ka?" Usap ko pa din sa aso tsaka umupo sa tabi ni Mama




"Kumusta eskwela?" Tanong sakin ni Mama na ikinatahimik ko. "May problema ba?" May pag aalalang tanong nito sakin




"Wala" mabilis na sagot ko na may kasama pa ng pag iling. "Ma" lakas loob na tawag ko



"Mmm?" Tanong naman niya sakin




"Babalik ako ng Pilipinas" mabilis na sabi ko na ikinagulat niya.




"Anong gagawin mo don? Magbabakasyon ka? Sino kasama mo? iwan mo'ko dito?" Sunod sunod na tanong niya sakin




Inexplain ko kay Mama ang tungkol sa pagiging exchange student ko. Pag isipan ko daw muna dahil mag isa lang ako doon. Sinabi ko na titira nalang ako sa dating bahay namin pero binigay na daw niya yon kina uncle at masikip na kami sigurado don dahil limang tao na nakatira sa dating bahay namin.




Lumipas mga oras ay si appa naman ang dumating. Inopen ni Mama yung topic namin about sa pagbabalik ko sa pinas. Noong una ay hindi agad ang sagot niya, kung gusto ko daw mag aral sa ibang bansa ay sa Amerika daw ako mag aral.




Dahil napag isipan ko na at desidido na ako na mag eexchange student ako nilambing lambing ko si appa. Pag usapan nalang daw namin sa ibang araw at kumain na muna ako.




Pagkatapos naming mag hapunan ay nagpaalam ako na aakyat na sa kwarto ko. Sakto naman pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay narinig kong tumunog ang phone ko. Binasa ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Hyun Woo yon. Napangiti ako at sinagot ang tawag niya.

**********

New Face (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant