Chapter 42

1.2K 36 0
                                    

Sue's Pov

Hindi ako mapalagay sa upuan ko. Kanina pa nagsimula ang Ethics namin pero hanggang ngayon ay wala parin si Cent. Nakita ko naman siya kanina sa cafe kaya sigurado akong pumasok siya.



"Paano yan wala si Cent paano niya malalaman yung part na gagawin niya sa research?" Nag aalalang tanong ni Myca



"Sorry girls hindi ko kasi alam na iresponsable siya kaya inaya ko siyang satin nalang sumali" nahihiyang sabi ko



"Ano kaba hindi mo kasalanan yon ang mabuti pa tayo nalang din gumawa sa ire research niya" sabi naman ni Lorraine



"Mabuti pa nga tayo nalang gumawa nakasalalay mga grades natin dito" sabi pa ni Myca



"Sang ayon naman ako sa gusto niyo kaso alam niyo naman na may tinututor pa ako bago umuwi diba? Sa tingin ko hindi ako makakatulong sa pag reserch pa sa part ni Cent sorry girls" nahihiyang sabi ni Claire



"Ayos lang no need to say sorry we understand" sabi ni Lorraine



"Bakit hindi nalang natin puntahan si Cent sa gym? Doon naman yon naglalagi diba? Para malaman natin kung sasali paba siya sa group natin" suggestion ni Myca



"Good Idea! Mabuti pa nga puntahan nalang natin siya" sang ayon ni Lorraine



Bago matapos ang klase namin sa Ethics ay nagpasya kaming puntahan si Cent sa gymnasium. May mga nag b-basketball doon pero hindi makita ng mga mata ko si Cent.


"Pare si Sue" rinig kong sabi ng kung sino



"Sue!" Sigaw ni Harry habang nasa gitna ng court. Nanginig naman mga tuhod ko at nanlambot ng makita si Harry at sinisigaw ang pangalan ko. Ganito yon eh. Ganitong ganito yung eksena dati ng tanungin niya ako kung pwede ba akong maging girlfriend niya



"Ohemji nandito si Harry" may kilig sa boses na sabi ni Claire



"Ihhh! Palapit siya satin. My God Sue ang haba ng buhok mo bruha ka" sabi naman ni Lorraine na kinurot pa ako sa tagiliran



Nakalapit si Harry samin at nagtanong kung bakit kami nandito. Ang mga bruhang kasama ko naman ay sinabing gusto daw namin kasi siyang panoorin maglaro. Hindi naman mawala wala ang ngiti niya habang ako naman ay kinakabahan at pilit na ngumingiti.


"Pare mamaya na ang landi practice muna!" Sigaw ng isang ka team nila. Nagsimula na naman ang kinakatakutan kong bulungan at tuksuan.



"Pagpasensyahan mo na hindi na naman siya nakainom ng gamot niya" pabirong sabi ni Harry sakin



"O-okay lang wala yon wag mong intindihin" sabi ko tsaka nginitian siya



"Kita nalang tayo mamaya? Kailangan na namin kasing mag practice" paalam nito



"Sige lang go" sabi ko na kulang nalang itaboy siya. Kung pwede nga lang huwag na siyang magpakita sakin kahit kailan ikatutuwa ko pa.




Nang makabalik si Harry sa teammates niya ay doon ko nakita si Cent. Nakatingin siya sakin habang umiinom ng tubig. Ang balak naming sabihin sa kanya ay nakalimutan na ng mga kasama ko. Ayoko naman banggitin sa kanila dahil palagay ko'y nawala ang boses ko.

************

New Face (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora