Chapter 59

1K 33 0
                                    

Naliligo sa sariling pawis si Harry dahil sa ginawang pagtakbo. Hinahanap niya kasi ngayon si Sue dahil sa usap usapan na kumakalat na pag basted nito kay Harry. Kumatok siya sa pintuan ng classroom nila Sue at binuksan yon. Naabutan nito ang isang guro na nagsusulat sa white board tsaka nag excuse at nagsabi na makiki seat in ito.



Natuwa naman si Mrs. De Leon sa pagiging interesado ng isang estudyante sa klase niya kaya pinayagan niya ito at pinaupo. Tumingin naman si Cent sa bandang likod kung saan nakaupo si Sue at umupo siya sa tabi nito.



"Okay ka lang?" Tanong ng ni Cent kay Sue na ngumiti sa kanya ng umupo siya



"Mmm. Oo naman" sagot ni Sue sa kanya



"Totoo ba yung nabalitaan ko?" Tanong pa ni Cent



"Ang alin?'maang maangan na sagot ni Sue



"Yung pagbasted mo daw kay Harry" mahinang sabi ni Cent habang nakatingin sa gurong nasa harapan



"Kaya ka pala nandito dahil gusto mong maka tsismis? Oo totoo nabalitaan mo" sagot ni Sue habang sinusulat ang nasa white board



"Ano bang nangyari?" Tanong ulit ni Cent



"Kalalaki mong tao napaka tsismoso mo" mahinang sabi ni Sue habang nakatingin kay Cent na pawis na pawis at seryosong nakatingin sa kanya. "Bakit hindi mo nalang itanong kay Harry diba close kayo nun?" Sabi pa niya dito na inirapan pa siya



"Hindi kami close pinakikisamahan ko lang siya dahil sa basketball. May ginawa ba siya sayo? Binastos kaba niya?" Tanong pa ni Cent



"Palagay mo ba kung may ginawa yon sakin buhay pa siya ngayon? Tss." Sagot naman ni Sue



Tumahimik silang dalawa ng magsimulang mag discuss si Mrs. De Leon. Naka tuon ang buong atensyon ni Sue tungkol sa tinuturo ng kanyang guro habang si Cent naman ay nakatuon ang atensyon sa dalaga.



"Bakit ka pala naki seat in samin tapos naba klase mo?" Tanong ni Myca kay Cent habang naglalakad silang lima palabas ng classroom nila.



"Tapos na hanggang 4pm lang kami every wednesday" sagot naman ni Cent hanggang sa makalabas na sila



Nakangiti si Harry habang may hawak na pumpon ng mga rosas at nakangiti kay Sue. Biglang naman umiba ng daan ang dalaga ng mqkita si Harry. Tahimik na sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan niya pati na rin si Cent para makaiwas kay Harry.



"Sue!" Tawag ni Harry ngunit imbes na huminto sa paglalakad ay nilakihan pa nito ang mga hakbang. Lakad takbo naman ginawa ni Harry para lang maabutan ang dalaga.



"Hayaan mo muna siya pre" pigil ni Cent kay Harry na hinawakan pa ang kamay nito



"Huwag ka ngang mangealam!" Pasigaw na sabi ni Harry kay Cent tsaka niya marahas na binawi ang kamay nito.



"Kumalka ka nga, hindi ako nangengealam pre. Kung gusto mong makausap si Sue bigyan mo siya ng oras makapag isip" kalmadong sabi ni Cent



"Hindi ba pangengealam ginagawa mo ngayon? Alam kong hinihintay mo pagkakataon na'to para maka porma ka kay Sue" nakangising sabi ni Harry at tila nag pipigil ng galit



"Anong pagkakataon ba sinasabi mo? Sino ba satin nagbigay ng pagkakataon kanino? Sa dami ng pagkakataon mo para pagkatiwalaan ka ni Sue ano ginawa mo?" Sabi ni Cent kay Harry na biglang inandayan siya ng suntok.




"Cent!" Sigaw ni Sue at patakbong lumapit dito "Nababaliw ka naba?!" Sigaw na sabi ni Sue kay Harry tsaka nito hinawakan ang pisngi ni Cent na tinamaan ng suntok




"Oh My God Harry! Anong problema mo?!" Malakas naman na sabi ni Lorraine at nilapitan din si Cent




Nagsilapitan din kay Cent sina Claire at Myca at galit na tumingin kay Harry.




"Bakla lang? Nagtatago sa mga palda ng mga babae? Hahaha" tumatawang sabi ni Harry na sinabayan pa ng ilan




"Ano nakakatawa? Dahil sa ginawa mo pinatunayan mo lang na wala kang kwenta" sabi pa ni Sue kay Harry



"Mas wala kang kwenta! Kunwaring santa bait baitan pero makati din naman, magpapakamot ka nalang sa bakla pa!" Tumatawang sagot naman ni Harry kay Sue



"Gago!" Sigaw ni Cent at mabilis na sinuntok sa panga si Harry.



Pagkatumba ni Harry ay pumangibabaw si Cent at binigyan pa siya ng magkakasunod na suntok. Mabilis naman silang pinaghiwalay ng mga estudyanteng nanonood pati si Sue ay naki awat.



"Huwag kang magpapakita ulit sakin dahil sa susunod na makita kita paglalamayan kana!" Turo ni Harry kay Cent habang hinihila siya ng ilang kasama niya



"Puro ka dada mamaya 6pm sa Hill ilabas mo yabang mo" sabi naman ni Cent habang inaayos ang ang suot na shirt.



"Siguraduhin mong dadating ka ulol!" Sigaw pa ni Harry bago ito tuluyan nakalayo




"Okay ka lang? Anong 6pm sa Hill? Makikibag bugbugan ka don?" Tanong ni Sue kay Cent



"Ayos lang ako tara na uwi na tayo" aya ni Cent kay Sue "okay lang ako" sabi pa niya kina Myca, Lorraine at Claire na nag aalala din sa kanya.




"Mabuti pa nga umuwi na tayo" sabi ni Sue



Nang makarating sila sa parking lot ay nagka hiwahiwalay na sila. Ayaw sana sumakay sa motor ni Cent si Sue kaso nag aalala siya na baka hindi siya umuwi.


***********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now