Chapter 63

1K 33 1
                                    

Sue's Pov

Pagkatapos kaming kumain ni Cent ay nakinood pa siya sa unit ko. Hinayaan ko nalang at least mapapanatag ako dahil nakikita ko siya. Napatingin ako sa kanya ng biglang tumunog ang message alert tone niya. Pasimpleng lumapit ako at tumabi sa kanya para malaman kung sino ka text niya.


Dahil mabilis siyang mag type hindi ko nakita kung sino ka text niya at ano nireply niya. Parang wala lang din naman sa kanya dahil may gana pa siyang kumain ng nachos habang naka padekwatrong nakaupo.


Muling tumunog ang phone niya kaya humaba na naman leeg ko, hindi ko nabasa yung message ng kung sino man ka chat niya pero nabasa ko naman reply niya na I got it. Hindi ako mapakali at hindi maka focus sa movie na pinapanood namin dahil iniisip ko kung sino yung nagtext sa kanya.


"Mag aalas nuebe na pala uwi na ako doon nalang ako manonood" biglang paalam niya na ikinakunot ng noo ko habang nakatitig sa mga mata niya.


"Dito kana manood para maka menos ka sa kuryente" sabi ko sabay hila sa kanya paupo

"Hindi dun nalang sa bahay ko gusto ko kasing mahiga" pagdadahilan niya


"Edi mahiga ka dito. Sige mahiga ka. Gusto mo kumot? Ikukuha kita" sabi ko na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at inayos pa mga throw pillow para may unan siya


"Hindi hindi maupo kana uupo nalang ako" sabi niya na dumekwatro ulit at tinuon ang mga mata sa pinapanood


"Dito nalang ako" tuloy ko sa single na upuan "baka maisipan mong mahiga eh, ikukuha na din kita ng kumot" sabi ko pa


"Huwag na baka makatulog ako dito" natatawang sabi niya at nginitian pa ako.


Kahit ilang beses ko ng nakitang tumawa si Cent at ngumiti hindi pa rin ako maka get over sa pagtawa at pagngiti niya. Ewan ko ba satwing nakikita ko siyang nakangiti otomatik ng natutulala ako sa kanya.


"Eh ano ngayon kung makatulog ka dito? First time mo matulog dito?" Sambit ko tsaka inirapan siya at naglakad papasok sa kwarto ko para kumuha ng kumot.



"Salamat, nag abala ka pa" sabi nito ng iabot ko sa kanya yung bulaklakin kong kumot



"Wala yon sige na manood kana" sagot ko sa kanya

Limang minuto lang ang lumipas ay nagpapaalam ulit siya. May kukunin daw siya dun sa unit niya. Tinanong ko naman siya kung ano kukunin niya, sabi niya yung charger daw niya. Hindi ko na siya pinauwi at pinahiram ko nalang siya ng charger ko. Ang dami pa niyang paligoy ligoy, kesyo maarte daw phone niya hindi tumatanggap ng hindi ka match na charger. Ginawa ko binigay ko sa kanya yung apat na original charger ko ewan ko lang kung may masabi pa siya.


"Sino ba yang katext mo at kanina pa tunog ng tunog phone mo?" Mataray na tanong ko na tumabi pa sa kanya para makita kung sino ka text niya. Tinangka ko pa ngang agawin phone niya pero mabilis niyang naiwas.


"Wala to" sagot niya sakin habang tinatago sa likod niya phone niya


"Tinatanong ko kung sino. Wala naman pala pero kung unasta ka parang may milagro kang ginagawa diyan" sabi ko


"Wala nga lang to nagtext lang yung kaibigan ko" sagot niya sakin tsaka ulit tumunog phone niya. Tumayo pa siya para lang mabasa at makapag reply sa katext niya.


"Babae yan no?" Panghuhuli ko sa kanya


"Kaibigan ko nga" sagot niya sakin


New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now