Chapter 115

1.3K 155 26
                                    

Sue's Pov

Alas nuebe na ng umaga ng dumating si Appa para sunduin kami sa hospital. Na settle na ni Mama ang bill namin kaya naman mabilis na kaming nakalabas.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami nina Hyun Woo, Ji Soo, Seo Hyeon, Ji Yoo at Min Seo. Hindi na daw sila pumunta sa hospital dahil nalaman nila na uuwi na rin ako ngayong araw. May kanya kanyang bitbit pa ang mga ito at sobrang natuwa ako dahil sa mga sitsirya at soju na dala nila.

"Naneun nega yeomduedugoissneun geoseul joh ahanda" (gusto ko ang nasa isip niyo) sabay kindat sa kanila

Dahil lunes ngayon at may pasok pa kami nagsi alisan na mga kaibigan ko. Babalik daw sila mamayang 6pm at mag m-movie marathon kami tulad ng dati. Kahit anong pilit ni Mama sakin na huwag ng pumasok sa school ay pumasok parin ako. Baka mabaliw ako sa kakaisip at isugod nilang muli sa hospital kung hindi ako papasok. Buti pa sa school magiging abala ang utak ko at panandalian kong makakalimutan yung sakit na dala dala ko.

******

Alas singko y medya ng makarating ako sa bahay, nadatnan ko na si Ji Soo doon kasama si Ahjuma habang nanonood sila ng tv.

"Sue ie" pa cute na tawag sakin ni Ji Soo at minuwestra ang kamay niya na pinapaupo ako sa tabi niya. Nakangiting lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Kumuha rin ako ng isang potato chips at buong sinubo yon sa bibig ko.

"Myeochsie wassni?" (Anong oras ka dumating?) Tanong ko kay Ji Soo

"30 bun jeon e?" (30 minutes ago?)  Patanong pang sagot niya sakin. Tumango tango lang ako.

"Nan osman gal a ib eulgeoya" (saglit lang magpapalit lang ako) sabi ko sabay tayo

"Gagi" (go) sagot nito na hindi man lang tumingin sakin

Umakyat ako sa kwarto ko at hiniga ang pagal kong katawan sa kama bago muling kumilos para maligo. Isang maluwang na tshirt at panjama ang nilabas ko sa closet ko. Nakita ko rin doon ang nakasampay na pulang jacket ni Cent at kinuha yon.

Pagbaba ko sa sala ay nagulat ako ng makitang nandon na rin sina Min Seo, Ji Soo at Seo Hyeon. Kumaway agad sila sakin ng makita ako, lumapad naman ang ngiti ko at nagmadaling lumapit sa kanila.

Nagsimula na kaming manood ng kaibigan ko at ang napili pa nila ay Werewolf Boy.  Halos hindi namin nagalaw ang pagkain at inumin namin dahil seryoso lahat kami sa panonood. Nang matapos ang movie ay nagpasya nalang kaming uminom sa may garden namin. Bitbit ang mga pagkain at soju ay lumabas kami ng bahay. Binuksan ko rin ang ilaw sa may garden at sa swimming pool.

Nakaka sampung bote na kami ng soju at medyo lasing na ako, bagsak na nga si Ji Yoo pero ang iba naming kasama ay parang hindi ata tinatablan ng alak. Nag prisinta akong pumasok sa bahay para kumuha pa ng soju sa kusina.

Hindi ko alam kung nag dedeliryo naba talaga ako o sobrang lasing ko lang? Tumatahol at kumakawag ang buntot ng dalawang aso na nasa paanan ko. Imposibleng si Betty sila dahil kulay puti siya at Brindle ang kulay ng dalawa.

"Mga baby ko?" Namutawi sa labi ko tsaka umupo at binuhat sila. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaluha. "Sobrang miss ko na kayo" sabi ko tsaka niyakap sila habang umiiyak.

"Babe" lasing na nga siguro ako dahil kung ano ano na ang nakikita at naririnig ko. Ganito ba talaga kapag brokenhearted ang isang tao?

Binitiwan ko ang mga aso at tinignan sila habang tumatakbo. Huminto sila sa isang pares ng sapatos mga higit kumulang sampung hakbang lang ang layo sakin. Inangat ko ang mukha ko at mas lalong mapaluha ng makita ko ang imahe ni Cent sa harapan ko.

New Face (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt