Chapter 77

1K 35 2
                                    

Sue's Pov

"Ang sarap naman ng amoy" kapwa kami napatingin ni Tita France kay Cent ng akbayan niya kaming pareho habang inaamoy ang ginigisa ni Tita

"Bilis mong makaligo ah" sabi ko naman sa kanya

"Nakita kasi ako ni Lucky at Lychee dinamba ako, nakipag laro na din ako kaya ang dungis ko kanina. Nahiya naman akong dumikit sayo na puro balahibo ng aso" sagot nito sakin

"May dogs pala kayo? Na miss ko tuloy si Betty namin" sabi ko

"Mas marami pang nakatirang aso dito kaysa sa tao, bili sila ng bili ng mga aso hindi naman nila inaalagaan" sabi ni Tita na sinabawan na yung niluluto

"Ang cute naman po kasi talaga nila" nakangiting sabi ko

"Cute sila kapag maliliit palang sila pero kapag lumaki na kunsumisyon sila. Pero kahit mas malaki pa sila sakin at malilikot sila parang anak ko narin sila. Buti pa nga sila nakikinig sakin hindi tulad ng mga totoong anak ko na ketitigas ng ulo" reklamo pa ni Tita

"Mahilig kaba sa mga aso?" Tanong ni Cent sakin

"Mmm" tumangong sagot ko "may aso din kami sa Korea na sobrang arte at spoiled" natawang sabi ko

"Gusto mong tignan mga aso namin?" Tanong ni Cent na titig na titig sakin

"Okay lang ba?" Tanong ko naman sa kanya

"Oo naman halika sasamahan kita" sabi nito na hinawakan pa kamay ko. Pilit naman akong ngumiti dahil nakatingin samin ang mommy niya. Nang makalabas na kami ng kusina hinila ko kamay kong hawak niya

"Kaya iniisip ng mommy mo na mag boyfriend tayo dahil sa kakahawak mo sa kamay ko eh" angil ko sa kanya

"Girlfriend naman talaga kita ah, anong masama kung isipin niya na boyfriend mo'ko?" Parang tangang sabi niya

"Iba ang girlfriend sa babaeng kaibigan kaya hindi mo pwedeng sabihin na girlfriend mo'ko" mariin na sabi ko

"Anong pinagkaiba? Bakit lalaki kaba? Ano ba sa tagalog ang girlfriend?" Pilit nito

"Malaki pagkakaiba. Ang girlfriend yun yung taong mahal mo, kini care mo, pino protektahan mo, sinasabihan ng i love you, kinikiss at niha hug mo in short jowa mo, syota, nobya. Samantalang yung babaeng kaibigan naman ay yung kaibigan lang. Naging babaeng kaibigan lang dahil sa gender na dinagdag mo pero kaibigan lang talaga yon" paliwanag ko sa kanya

"Mahal naman kita ah. Pinahahalagaan din kita. Pino protektahan din naman. Hindi ko pa nasabi yung I love you pero nakiss at nayakap na rin kita pero para makumpleto na sasabihin ko na" sabi nito na huminto sa harapan ko at tinignan ako "I love you Sue" para naman akong tangang natulala at bahagyang napanganga pa sa kanya. Joke lang ba to at napag tripan niya ako? Mariin akong pumikit at tinignan siya ng masama ng tignan ko. Agad din dumapo ang isang paa ko sa paa niya at sinipa siya.

"Seryoso kasi ako eh!" Inis na sabi ko

"Seryoso naman ako ah" sagot nito sakin

"Cent ah ayoko ng ganyang biro" sabi ko dito tsaka naglakad palayo sa kanya

"Sino bang nagbibiro? Seryoso nga kasi ako" pigil nito sa kamay ko na hinawakan pa niya ng mahigpit. Seryosong tinignan ko naman siya at nakikita ko sa mata niya ang pagka seryoso nito.

"Hahaha! Abnormal ka talaga akala mo mapapaniwala mo'ko sa mga jokes mo no? Sorry pero hindi bagay sayo mag jokes pero tatawa parin ako hahaha" sabi ko dito tsaka tinawanan siya

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon