Chapter 62

1.1K 30 5
                                    

Sue's Pov


"Ang arte mo huwag kang malikot" sabi ko kay Cent habang ginagamot mga sugat niya sa mukha at mga pasa


"Hindi ako nag iinarte masakit talaga" sagot nito na pinigilan pa ang kamay ko sa paglagay ng gamot sa kilay niya


"Kaninang nag aala Fernando Poe Jr. ka at Robin Padilla sa bugbugan hindi masakit no? Pero ngayon sa maliit na ointment na pinapahid sa sugat mo masakit? Iba karin eh." Sabi ko tsaka tinaboy ang kamay niya para malagyan ng gamot mukha niya



"Magkaiba naman kasi yung sakit" bumubulong pang sagot niya sakin




"Malaki talaga pagkakaiba! Kung kanina action star ka ngayon dramatic actor ka! Arte mo" sabi ko pa.



Tumahimik nalang si Cent at hindi na nagreklamo. Alam naman kasi niyang tama ako at mali siya.



"Sino nga pala yung mga dumating kanina? Bakit Kuya tawag sayo at Kuya din tawag mo sa kanila?" Interesadong tanong ko matapos kong lagyan ng gamot sugat niya




"Mga kaibigan ko. Kuya lang tawagan naming lahat walang matanda walang bata samin, puro kuya lang" sagot nito na binuksan ang tv at sumandal ng upo sa mahabang sofa



"Bakit mukhang gangster? Kasali kaba sa frat? Sino naman yung bossing na tinawag ni Harry? Mukhang adik" tanong ko pa




"Hindi sila gangster kapatiran lang kami, kapag may problema ang isang kuya tutulungan siya ng mga kuya. Yung bossing ni Harry ang gangster at tama ka adik yon kaya kapag nakita mo ulit sila umiwas at magtago kana" pananakot pa niya sakin




"Edi gangster nga kayo, tinutulungan niyo mga kaibigan niyo makipag away. Tsaka bakit ako iiwas at magtatago sa kanila wala naman akong ginagawang masama" sabi ko pa dito. Tinignan naman ako ni Cent na naka kunot noo




"Hindi nga kami gangster at hindi rin kami nakikipag away. Nakikipag away lang kami kapag alam namin na nasa tama kami. Tinutulungan namin ang bawat isa sa ano mang paraan pero hindi ibig sabihin non kukunsintihin namin kung ang isang kuya ang may mali. Sakaling isang kuya ang mali tutulungan namin siya tanggapin ang kamaliang ginawa niya at papayuhan, ganon ang samahan namin. Yung grupo ni Harry ang gangster, talamak din sila sa pag gamit ng bawal na gamot. Yung bossing na tinatawag nila labas masok nalang yon sa kulungan, may pulis protektor siya kaya malakas loob niyang gumawa ng mali" paliwanag nito



"Ano ba napapala niyo sa pagsali sa mga ganyan?" Naka ngusong tanong ko. Hindi ko kasi matanggap kung bakit kailangan pa nilang sumali sa mga grupo para maipakita na strong sila.



"Hindi naman talaga ako nag boluntaryo na sumali sa kanila. Napasali lang ako pero hindi naman ako nagsisisi na naging kaibigan sila dahil mabubuting tao sila" sagot nito sakin



"Oo nalang ako umiwas ka nalang sa gulo at huwag mo ng ulitin ulit ginawa mo kanina. Lakas ng loob mong mang hamon ngayong alam mo naman pala na gangster mga makakalaban mo" sabi ko dito tsaka tumayo


"Kahit gangster sila kilala din naman ang mga kuya kaya di rin nila kami basta ginagalaw" bulong na sabi niya pero dinig ko naman



"Ewan ko sayo! Ano gusto mong kainin ng makapag luto na ako" tanong ko sa kanya



"Kahit ano basta masarap" sagot nito sakin



"Kailan ba kita pinakain ng hindi masarap?" Naglalakad papuntang kusinang sabi ko.



Kinalkal ko ang ref ni Cent pero wala akong makitang fresh meat. Meron siyang karne na nag yeyelo at may isang bangus na naging yelo na. Napahawak ako sa batok ko na tila tumaas ang presyon dahil sa nakita.



"Cent uwi na muna ako dun nalang ako magluluto, baka malason ako kapag kinain ko mga pagkain mo dito. Linisin mo ref mo habang wala ako itapon mo na ang mga dapat itapon" utos ko ng makabalik ako sa sala



"Sa bahay mo nalang ako kakain" sabi pa niya na tila at home na home talaga sa unit ko. Natahimik naman ako at napa isip. Mas okay nga siguro kung nandon siya ng mabantayan ko siya.


"Sige mabuti pa nga. Linisin mo muna yang refrigerator mo bago ka pumunta sa unit ko" sabi ko pa bago tuluyang lumabas ng unit niya.

****************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now