Chapter 34

1.3K 39 6
                                    


Sue's Pov


"Hindi ba pwedeng dito ka nalang?" Tanong ni Hyun Woo na sinadya pa talaga ako dito sa bahay



"Pwede naman kaso ang problema gusto ko bumalik sa bansang pinagmulan ko" sagot ko sa kanya




"Eonje dasi olgeoya?" (Kailan ka babalik?) Tanong pa niya




"Hindi ko alam siguro kapag bakasyon?" Sagot ko sa kanya





"Hindi pwede yon" sagot niya sakin na ikinakunot ng noo ko tsaka tumawa




"Daig mo pa si Appa makatanggi ah" sagot ko sa kanya habang tumatawa




"Kailan ba alis mo?" Tanong nito habang sinisipa sipa ang bermuda grass





"Sinabi ko na sayo kagabi diba? Next next month pa tsaka huwag mo ngang pagdiskitahan ang damo namin baka makalbo" sabi ko tsaka hinawakan ang legs niya upang pigilan pag sipa nito




"Naneun neowa hamkke galgeoya" (sasama ako sayo) sabi niya na ikinalaglag ng panga ko



"Jeongsin nagasseo?!" (Are you crazy?!) Sabi ko dito dahil mukhang wala siya sa tamang pag iisip



"Wae? masama ba?" Sagot pa niya sakin




"Hindi masama pero nababaliw kana! Ang ayos mo dito tapos pahihirapin mo sarili mo don. Je jong siniya?!" (Are you in your right mind?)



"Wae wae wae?! Gusto ko din pumunta sa Philippines, ikaw nga punta dito bansa ko" sagot nito sakin




"Aissh!" Sabi ko tsaka sinipa siya



Hindi sa ayaw kong pumunta siya sa Pilipinas ang ayoko lang ay yung pupunta siya don dahil uuwi ako sa pinas. Tsaka ano gagawin niya sa pinas? Mamamasyal? Okay, Edi pumunta siya at magbakasyon sana lang bigyan siya ng vacation leave ng kumpanyang pinapasukan niya. Ayoko naman gawin big deal at maging sanhi ng away naming dalawa to, ang hirap pa naman niyang suyuin. Pero sa pagkakataon na to maninindigan ako na ako ang tama at siya ang mali.



"Mianhe" (sorry) dinig kong boses ni Hyun Woo na sumunod pala sakin.



"Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo gawin mo gusto mo" sagot ko sa kanya hanggang makarating ako sa may sala kung saan nanonood sina Mama at Ahjumma




"Kayong dalawa lagi nalang kayong nag aaway, ano na naman ba yang pinag aawayan niyo ha?" Tanong ni Mama saming dalawa




"Hindi kami nag aaway Ma, may saltik lang talaga siya" hindi matagong inis na sambit ko



"Eotteohge doen geoyeyo?" (Anong nangyari?) Tanong naman ni Ahjumma kay Hyun Woo



"Tinatanong ka sumagot ka" sabi ko na tumingin pa kay Hyun Woo dahil hindi nito pinansin ang matanda




"Mianhae, neowa gat i gado sipda" sabi nito na nag sorry at gusto lang daw niya makasama ako




"Yah! Jugeullae?!" (Gusto mong mamatay?!) Malakas na sabi ko




"Ano ba? Napano ba kayo?" Naguguluhan na tanong ni Mama "umupo nga muna kayo" sabi pa nito




"Siya kasi Ma gustong sumama sakin sa Pilipinas eh anong gagawin niya don?" Reklamo ko na pinaikot pa eyeballs ko




"To protect you! Kahit nasa sarili mo ikaw bansa marami parin mga loko loko" sagot nito samin



"Loko loko? Ang cute" hindi mapigil na sabi ko tsaka kami tumawa ni Mama. Ang cute naman kasi talaga niyang magtagalog.

**************


New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now