Chapter 89

891 30 0
                                    


Sue's Pov

"Mukhang going strong ang CentSue couple ah?" Sabi ni Claire na kasama pa sina Lorraine at Myca ng ihatid ako ni Cent sa tapat ng classroom namin

"May forever saming dalawa" sagot naman ni Cent sa kanila

"Ewww" sabay sabay na sabi nila samantalang pilit ko namang pinipigil ang pagtawa

"Hindi ko naisip na masasabi mo yan" sabi naman ni Lorraine

"True" sang ayon naman ni Myca

"Sure ka ikaw talaga si Cent? Baka may sumanib lang sayo ah" sabi naman ni Claire

"Iba talaga nagagawa ng love" sabi pa ni Myca na ngiting ngiti samin

"Hawak lang mabuti walang bibitaw" sabi naman ni Lorraine. Napatingin naman ako sa kamay namin ni Cent na hanggang ngayon ay magkahawak parin

"Sige na papasok na kami punta kana sa classroom niyo baka malate kapa" taboy ko kay Cent.

"Sabay tayong mag snacks mamaya" sabi naman niya

"Mmm sige" sagot ko sa kanya.

"Okay" nakangiting sagot niya at pinisil pa pisngi ko bago siya tuluyang tumalikod at umalis. Lumingon pa nga siya at kumaway naman ako, tumango pa nga siya at minuwestra ang kamay niya na tila pinapapasok na kami. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon palang kami pumasok.

********

"Cent may sasabihin ako" seryosong sabi ko

"Alam ko na sasabihin mo" nakangiting sabi naman niya

"Alam mo na?!" Gulat na tanong ko tsaka tinago ang hawak ko sa likod

"Yeah, sasabihin mo mahal na mahal mo'ko" sabi nito sabay kindat sakin na ikinanganga ko

"Sana okay ka lang no?" Awang awang sabi ko sa kanya. Pinisil naman niya pisngi ko tsaka tumawa

"Mas okay pa ako sa okay lalo na kapag kasama ka" sabi nito sakin tsaka payakap na inakbayan ako

"May sasabihin nga kasi ako" sabi ko tsaka humiwalay sa kanya

"Alam ko na nga sasabihin mo" kulit parin nito

"Maliban sa mahal na mahal kita" sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya kaya tinignan ko siya ng masama "ayoko yang nasa isip mo" dagdag ko pa

"Ano ba nasa isip ko?" Tanong naman nito sakin

"Ihh kasi! Seryoso kasi ako!" Naiinis na sabi ko

"Sige sige, maliban sa mahal na mahal mo'ko at gwapong gwapo ka sakin ano pa gusto mong sabihin?" Tanong nito sakin

"Sana talaga okay ka lang. Pero ang gusto ko kasing sabihin ay ito" sabi ko tsaka pinakita yung panyo niya. Kinuha naman niya to.

"Panyo ko to" tanging sagot niya na kinuot pa ang noo niya

"Oo nga panyo mo yan. Hindi mo ba naaalala yan?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya.

"Binigay mo sakin yan 5 years ago" sabi ko

"Paano nangyari yon ngayon lang tayo nagkakilala" sabi nito

"Ngayon lang tayo nagkakilala pero 5 years ago nagkita na tayo. Hindi ko alam na ikaw yon nung magkita ulit tayo kasi likod mo lang naman nakita ko non. Nasiguro ko lang na ikaw yon nung makita ko mga handkerchiefs mo tapos may CMA initials pa na mommy mo kamo nagtahi" sabi ko sa kanya

"Talaga? Pero wala akong natatandaan na binigyan ng panyo ko" hindi makapaniwalang sabi niya

"Isipin mo munang mabuti" sabi ko pero umiling siya. Sumimangot nalang ako.

"Sabagay ang pangit pangit ko non sino magkaka gustong matandaan ang itsura ko" malungkot na sabi ko

"Ikwento mo nalang istorya ng panyong to baka sakali matandaan ko" sabi nito

Tumingin ako sa kanya.

"Five years ago schoolmate ko si Harry sa SJNHS. Sikat na sikat siya sa school namin nung panahon na yon siya yung school heartthrob namin non ang prinsipe ng SJNHS. Yung panahon na yon walang may kilala sakin kung meron man yun yung mga taong kilala lang ako kapag may kailangan sila, kapag wala silang mapag tripan, kapag wala silang mapag buntunan ng galit. Dumating sa buhay ko si Harry at naging knight in shinning armour ko siya. Siya yung laging nagtatanggol sakin at nagparamdam ng kilig. Gustong gusto ko si Harry non dahil sa kabutihan pinakita niya sakin kahit na ang pangit pangit ko. Tapos isang araw practice game nila kalaban nila yung ibang school tapos ininbitahan niya akong manood. Yun na yung pinaka nakakakaba at pinaka masayang araw ko non hanggang sa matapos ang laban nila tapos panalo pa. Nag aalisan na mga tao non ng bigla siyang lumuhod sa gitna ng court tapos tinawag ang pangalan ko habang hawak niya yung mike. Sobrang kaba at sobrang saya ng sabihin niya sa lahat na may gusto siya sakin hanggang sa tanungin niya ako kung pwede daw ba niya akong maging girlfriend. Syempre gusto ko siya at marami rin nag uudyok na mag yes ako kaya nag yes nga ako. Hanggang sa malaman ko na joke lang pala lahat na pinagtripan lang ako at pinag pustahan nila. Umalis ako sa school at napadpad sa park kung saan binuhos ko lahat ng mga luha ko kaso hindi talaga maubos. Dumilim na pero nandon parin ako hanggang sa biglang may nagbigay ng panyo sakin. Hindi ko alam na ikaw yon dahil likod mo lang nakita ko" mahabang kwento ko. Nakatingin lang si Cent sakin habang naka siklop ang mga kamao.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ikaw pala yon" sabi nito "nakita ko ang lahat, natatandaan ko na. Kami yung taga kabilang school na nakalaban nila Harry" sabi nito

"Nakakahiya nakita mo na pala ang pangit na mukha ko non, masisisi mo ba ako kung nagawa kong magparetoke?" Tanong ko sa kanya

"Hindi naman nasusukat ang kagandahan dahil lang sa panlabas na itsura ng tao. Maganda ka nga pangit naman ugali mo ibig sabihin pangit kapa rin. Okay lang naman magparetoke basta gusto mo, masaya ka at wala kang inaagrabyadong tao. Pasensiya na dati kung wala akong nagawa, babawi ako ngayon sayo" sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. Hinalikan din niya ang noo ko tsaka kami nagyakap pagkatapos.

Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayong nasabi ko na lahat kay Cent. Natutuwa naman ako dahil sa kabila ng nalaman niya hindi niya ako hinusgahan at higit sa lahat tinanggap niya ako ng buong buo. Ano paba ang hihilingin ko sa buhay kung si Cent lang ay sobra sobra ng binigay ni God sakin.

*****************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now