Chapter 43

1.2K 31 0
                                    

Sue's Pov


Hindi ko mapaliwanag kung anong klaseng tingin ang binigay sakin kanina ni Cent. Dati naman ay tingin na walang pake lang siya pero kanina pakiramdam ko talaga may iba.



Dahil alam ng mga kaibigan ko na same building lang kami nakatira ni Cent ako nalang daw magtanong sa kanya baka sakali na magkita kami. Binigay din nila sakin number niya at sinabi nilang ako nalang daw kumausap. Kanina pa kasi namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot phone niya. Binigay nga pala ng coach nila ang number niya samin ng malaman nitong para sa project namin sa Ethics.




Tulad kanina naka abang na naman si Harry sa tapat ng pintuan namin. Napasalubong ang kilay ko ng makita siya pero ngumiti din kalaunan.



"Tapos na klase mo?" Tanong ko sa kanya



"Yep! Nauna lang kami ng fifteen minutes" sagot nito sakin



"Eh bakit ka nandito? Ang layo kaya ng engineering department dito samin" sabi ko



"Tumakbo ako. Nagbaka sakali ako na maabutan ka sa paglabas mo ng maihatid kita" sagot nito sakin



"Ehh? Bakit mo naman ako ihahatid? Kaya ko naman at may mga kasabay ako. Hindi mo na kailangan magpaka pagod sa pagtakbo para lang mapuntahan mo" sabi ko dito. Sana naman ma gets niya na hindi ko siya kailangan



"Kahit mapagod ako sa kakatakbo isang tawag mo lang darating ako makita at makasama lang kita" sagot nito sakin.



"Corny mo ah" napailing na sabi ko tsaka ngumiti



"Corny man at least napangiti kita" mayabang na sabi niya




"Nakuu! Tama na nga yan pang iinggit niyo samin wala naman talagang forever" sabat ni Myca na dumaan sa gitna namin ni Harry habang naglalakad na ikinatawa naman namin.



Dahil malapit lang naman ang girls dorm ay hinatid na namin sina Myca at Lorraine, so ang natira ay ako si Claire at Harry. Hinatid din namin sa sakayan ng jeepney si Claire at inaya naman ako ni Harry na magpunta ng mall at kumain.



Tumanggi ako kay Harry pero sa huli ay napapayag din niya ako, kinulit kulit niya kasi ako at hindi hinayaan na makasakay ng taxi. Pagka para niya ng taxi ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Gentleman na naman peg niya, sana lang hindi kp alam totoong ugali niya. Sana lang talaga nagbago na siya.




Pagdating naman namin sa mall ay tinanong niya ako kung gusto ko daw ba manood ng movie. Todo tanggi naman ako at sinabing may research pa akong gagawin. Hindi man kami nakanood ng sine ay nahila naman niya ako sa Tom's World. Nagpapalit agad siya ng napakaraming tokens at inaya pa akong sumayaw sa machine na may pangalang Just Dance.


Hindi ako tumanggi ng ayain niya akong sumayaw dahil expert yata ako pagdating sa pagsasayaw. Pft yabang ko. Noong high school kami ng mga kaibigan ko ay laman kami ng mga arcade at pagsasayaw sa Just Dance ang pinaka paborito naming gawin. Nakakamiss tuloy.



Todo indak ako sa tugtog habang kapares si Harry. Marami rin ang nanonood sa amin at nagsasabi na ang galing daw namin. Nang matapos ang tugtog ay nagpalakpakan ang mga tao. May isang pares din na pumalit samin na sila namang pinanood namin. Kapwa kami nakangiti ni Harry at alam ko sa pagkakataon na'to sinsero ang mga ngiti niya. Napasulyap naman ako sa may kanan ko at nakasalubong ko ng tingin si Cent. Ilang segundo din kaming nagkatitigan pero siya ang unang umiwas ng tingin at umalis.


*********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now