Chapter 97

748 26 1
                                    

Sue's Pov

"Grabe siya ang kapal ng mukha. May gana pa siya talagang ipakita mukha niya dito" dinig kong sabi ng babaeng naka pink sa mga kaibigan niya habang nandito kami sa canteen at kumakain

"Ano kaba bes nagpa retoke yan at tinanggal yung makapal na taba niya sa mukha kaya hindi makapal mukha niya" sabi naman ni girl 2. Tumingin ako kay Cent na mukhang naiinis na kaya hinawakan ko ang kamay niya at umiling.

"Biruin niyo ang pangit niya dati pero pinag aagawan siya ng dalawang hotties ngayon. Dapat gawin niyang motto yung pangit noon maglaway kayo ngayon" sabi naman nung girl 3

"Ah yun! Lumabas din na naiingit sila!" Malakas na sabi ni Lorraine na nakaupo sa tapat ni Cent. Nagkatinginan kaming dalawa at umiling na nakiusap ako na huwag. Ayoko kasing magsimula ng gulo.

"Truth!" Sang ayon naman ni Claire na sa tapat ko naman nakaupo "biruin mo Harry Domingo at Cent Alfonso lang naman nagkakandarapa sa kaibigan natin sinong hindi maiinggit diba?" Sabi pa nito kaya sinipa ko naman ang paa niya

"Mga bakla kailangan din nilang magpa retoke para may pumansin din sa kanila. Kunwari lang mga yan na nangungutya pero gustong gusto din ng mga yan magparetoke. Mga plastik! Huwag lang silang lalapit kay Sue dahil magmumukha lang silang utusan niya. Mga inggiterang feeling magaganda!" Sabi naman ni Myca

"Ssshhh., huwag kayong makipag away" mahinahon na saway ko sa kanila

"Bakla hindi kami nakikipag away nag uusap lang kaming tatlo dito" mabilis na sagot naman ni Claire sakin

"Ewan ko ba sa dalawang yan napaka inggitera palibhasa ang papangit. Pangit na nga mukha nila pangit pa ugali" sagot naman ni Lorraine sakin

"Inggitera spotted" sabi naman ni Myca

Tumahimik naman yung tatlong babae sa may di kalayuan at ganon din mga kaibigan ko. Mapayapa naman naming nairaos ang lunch naming lahat.

"Well well well, sino mag aakala na ikaw pala si Shreak" kahit limang taon na nakakalipas hinding hindi ko makakalimutan ang itsura at boses ni Chanel.

"Kumusta? Long time no see" bati ko sa kanya

"Heto maganda parin kahit hindi nagpapa retoke" nakangising sagot nito sakin habang pinapaikot ikot ang ilang hibla ng buhok niya sa isang daliri.

"Maganda ka sana kaso may lipstick ngipin mo nakaka turned off" napatingin ako kay Cent na blanko lang ang mukha niya. Tumawa naman yung tatlong baliw na kaibigan ko habang tinakpan naman ni Chanel ang lipstick niya.

"Sumobra sa sponsor ng red lipstick kaya pati ngipin nilalagyan" sabi naman ni Myca sa pagitan ng pagtawa

"Sige na babe mauna kana baka malate kapa, malapit nalang naman kami" taboy ko kay Cent. Tumingin naman siya sa relo niya at nagpakawala ng malalim na hininga

"May quiz nga pala kami" sabi nito tsaka tumingin sa mga kaibigan ko "ipagkakatiwala ko muna ang misis ko sa inyo, huwag niyo siyang iiwan" pakiusap nito sa tatlo

"Ay sus! Sige na hubby niya baka malate kapa ang layo pa naman ng building niyo" taboy din ni Claire sa kanya

"Text mo'ko kapag may nangyari" sabi pa nito sakin tsaka hinalikan ang ulo bago siya umalis

"Ang sweet! Kaya ang daming naiinggit sayo eh" sabi naman ni Myca

"Talaga lang ah" naka crossarms na komento naman nung babaeng nasa likod ni Chanel

"Sweetie nabubulagan lang si Captain ngayon pasasaan ba at makikita niya rin totoong mukha ng shreak na to, baka mag suicide pa nga siya kapag naisip na pinatulan niya tong plastic monster na'to" sagot ni Chanel sa kasama niya

"Sige Chanel mauna na kami may klase pa kasi kami" paalam ko dito. Inaya ko naman ang tatlo na umalis na para rin makaiwas sa gulo

"Bastos karin no!?" Hila ni Chanel sa kamay ko "kinakausap pa kita kaya huwag mokong tatalikuran na halimaw ka!" Malakas na sabi ni Chanel. Naglingunan naman mga taong naglalakad samin at pinag pipyestahan na tuloy kami

"Huwag mo ngang mahawak hawakan ang kaibigan ko!" Hila naman ni Lorraine sa kamay ko na hawak ni Chanel. Nanlilisik naman ang mga mata ni Chanel na tumingin kay Lorraine. "Alam mo miss kawawa ka. Ang ganda sana ng mukha mo kaso nagkulang ka sa kalinga. Hindi ka love ng mama mo yan tuloy kaawa awa ka" sabi pa ni Lorraine. Dadapo sana ang kamay ni Chanel kay Lorraine pero to the rescue naman ang kamay ni Claire

"Sige subukan mong kantihin mga kaibigan ko at ihahampas kita sa sarili mong anino" palaban na sabi ni Claire.

"Nakakatakot ka pala no?" Sarkastikong sabi ni Chanel at inagaw ang kamay niyang hawak ni Claire. "Kung ikaw kaya hampasin ko sa anino?" Matapang na sabi pa nito habang kapwa matalim ang tingin nila sa isa't isa.

"Yun eh kung mahahawakan mo kahit dulo ng buhok niya" sabi naman ni Myca na lumapit sa kanila. Tinulak niya ng mahina papunta sakin si Claire at siya ang humarap kay Chanel.

"Nakakatawa naman katapangan niyo as if naman may magagawa kayo sakaling saktan ko kayo. Baka bumahag ang buntot niyo at magsumbong pa sa parents niyo dahil pinitik ko kayo" nakangisi at natatawang sabi ni Chanel

"Sino kaya ang magsusumbong sa magulang sakaling dinaplisan ko ng kuko ko yang pinagmamalaki mong mukha?" Sabi naman ni Lorraine habang tinitignan ang mahahabang kuko at hinihhipan ang mga ito.

"Please tama na ayoko ng gulo" sabi ko sa kanila

"Wala naman akong pake sa mga kaibigan mo eh pero believe ako sa teamwork niyo nahasa mo talaga sila ah" sagot ni Chanel sakin

"Hindi teamwork tawag namin dito kundi pagkakaibigan. Palibhasa walang pake yang mga julalay mo na nasa likod mo sayo, patunay na wala kang kwenta. Wala kang kaibigan na masasandalan sa panahong ganito" sabi pa ni Lorraine

"Please tama na" pigil ko at pumagitna sa kanila.

"Pangaralan mo yang mga alipores mo dahil sa susunod na magkita ulit tayo sisiguraduhin kong manghihiram kayo ng mukha sa aso!" Galit na sabi ni Chanel bago ito tumalikod at umalis kasama ang mga kaibigan niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalayo sila at tsaka humarap sa tatlong kaibigan ko. Walang salitang namutawi sa mga labi namin at nagkatinginan kaming apat. Parepareho kaming ngumiti at nagyakapan sa huli. Kahit walang magsalita samin ay nagkakaintindihan naman kami kahit sa tinginan lang.

*********

New Face (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt