Chapter 15

1.5K 39 0
                                    

Sue's Pov


"Anong nangyari diyan sa noo?" Alalang salubong sakin ni Mama


"Nauntog ako Ma kasalanan nung pader hindi umilag sakin" sagot ko tsaka pilit na tumawa


"Ikaw na bata ka hindi ka nag iingat! Halika nga dito linisin natin yan at ng malagyan ng gamot" halos hilahin niya ako paupo sa sofa. Kinuha ni Mama yung alcohol at betadine sa drawer tsaka umupo sa tabi ko. "Lagi ka kasing nakayuko kaya hindi mo nakikita dinaraanan mo" sermon sakin ni Mama na nilagyan ng alcohol ang bulak at pinahid sa gilid ng noo kong may sugat.


"Nasanay na ako" tipid na sagot ko. Huminto naman si Mama sa ginagawa at tinignan ako.


"Kinahihiya mo ba ang itsura mo? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na maganda ka para maniwala ka?" Naiiyak na tanong sakin ni Mama


"Ma matanda na ako, hindi na ako yung 10 years old na Sue na naniniwala na maganda ako dahil yon ang sabi mo." Sagot ko sa kanya


"Maganda ka. Anak maganda ka bakit hindi mo yon nakikita?" Umiiyak na sabi niya


"Sige nga Ma sabihin mo sakin kung anong magandang nakikita mo sakin. Kasi ako kahit anong gawin kong tingin sa salamin wala akong nakikitang ganda" lumuluhang sabi ko. Niyakap naman ako ni Mama at humagulgol


"Hindi lahat ng magaganda nakikita ng mata, bakit hindi mo subukan pumikit at tignan sa dilim kung anong klaseng tao ka. Ano ba ang maganda para sayo? Magandang mukha at katawan? Anak hindi lang pisikal na anyo ang batayan ng pagiging maganda" bakit kahit anong paliwanag ni Mama ay hindi ko parin maintindihan. Nag iyakan lang kaming mag ina at huminto lamang ng may marinig na katok buhat sa pinto.

Pagbukas ni Mama sa pinto ay agad kong nakita si Ji Seok. Todo porma ito at may dala pang isang maleta. Huwag niyang sabihin makikitira siya samin? Akala ko ba mayaman ang lokong to? Na scam yata niya nanay ko.


"Come in come in, why are you here?" Tanong ni Mama na nilawakan ang pagkakabukas ng pinto


"Something came up and I need to go back in Korea. I got a message from my secretary that the investor that I was talking to you yesterday arrive and he wants me to meet him tomorrow to sign the contract. Can you please pack your things? Sagot ni Ji Seok na hindi pa nagawang umupo


"Ha? Teka hindi ko pa nga nasasabi kay Sue na next month na alis namin papuntang Korea tapos ngayon na pala?" tarantang sabi ni Mama tsaka palang niya inayang umupo si Ji Seok.


"I already booked the flight for three and we are leaving in 5 hours" sagot ni Ji Seok kay Mama


"We're still not ready why you didn't call me? I haven't told my daughter about this yet. What to do?" Natataranta parin na sabi ni Mama


"Ano ba yon Ma?" Lumapit ako sa kanila at kunot noo na tinanong si Mama



"Anak pasensya na ha? Kailangan kasi nating umalis at sumama sa Tito mo papuntang Korea. Dapat kasi talaga next month pa kaya hindi ko pa nasasabi sayo pero kailangan na niya kasing bumalik dahil sa trabaho" sagot nito sakin


"Ma bakit biglaan naman? Pwede naman mauna na siya at sunod nalang tayo sa bansa niya" sagot ko


"Anak hindi ko na kayang malayo pa sa Tito mo. Nakabili na rin siya ng ticket natin kaya sana mapagbigyan mo si Mama" nakikiusap na sabi niya. Nakikita ko naman ang lungkot sa mata ni Mama sa posibilidad na tumanggi ako. Kakayanin ko ba na ako maging dahilan ng kalungkutan niya sakaling hindi ako pumayag?.



"Ano paba magagawa ko?" Sabi ko tsaka tumalikod na.



Natatandaan ko naman na pumayag ako ng sabihin ni Mama na sasama kami sa boyfriend niya sa Korea, pero dahilan ba yon para isikreto sakin na next month na pala alis namin?.




Nilabas ko sa closet ko ang isang traveling bag, may kalumaan na yon dahil panahon pa yon ni kopong kopong. Sa lahat ng mangingibang bansa ako lang yung hindi ready. Pati ba naman sa Korea magiging mukhang basahan ako? Wala na talaga akong pag asa.





"Nak pakibilisan lang pag eempake ha? Baka malate tayo sa flight natin" Dinig kong sabi ni Mama mula sa pinto ng kwarto ko





"Sweetheart, just packed some clothes and the essential things you need, I gonna buy you all the stuff you need in Korea" rinig ko namang sabi ni Ji Seok



"Okay" sagot ko



Nagpalit ako ng damit at wala ng ligo ligo pa, bilisan ko daw kasi diba?. Naabutan ko sina Mama at at Ji Seok sa sala at mukhang excited pa si Mama dahil ang lapad ng ngiti niya.



"Let's go?" Tanong ni Ji Seok sakin tsaka siya ngumiti




"Ma, paano nga pala itong bahay?" Tanong ko kay Mama habang nakatingin sa kabuuan ng bahay namin.




"Iniwan ko ang susi kay Minerva at pinakiusapan na tignan tignan niya ang bahay, nakausap ko na rin Uncle James mo at luluwas daw sila ng Manila kapag may pamasahe na sila ng pamilya niya. Sila muna tatao dito sa bahay natin." Sagot nito sakin




"Ahh.. okay." Tumatangong sagot ko tsaka tumingin kay Ji Seok at tipid na nginitian siya.



***************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now