Chapter 58

1.1K 34 0
                                    

Sue's Pov


"Kilala mo si Darryl diba?" Sabi sakin ni Harry habang hinahatid niya ako papunta sa classroom ko. Two weeks na rin simula nung hinahatid sundo niya ako. Two weeks na rin akong nagtitiis sa presensya at kayabangan niya.



"Oo yung si number twenty three" tukoy ko sa ka teammate niya



"Yeah siya nga, alam mo bang may girlfriend yon na taga kabilang school? Hanep! Kung hindi ko lang nakita sa dalawang mata ko hindi ko talaga maiisip na ganon yung gf niya" natatawang sabi nito



"Huh? Bakit? Napano ba gf niya?" Tanong ko naman sa kanya



"Ang pangit ng gf niya as in pangit talaga. Kaya pala hindi niya pinapakilala samin kasi ang pangit pala" sabi nito na hindi na napigilan ang pagtawa



"Eh ano ngayon kung pangit? Hindi ba pwedeng mahalin ang isang panget?" Mariin na tanong ko



"Pwede naman pero hindi kasi talaga sila bagay. Gwapo naman si Darryl at maraming nagkakagustong chics sa kanya sana pumili naman siya ng maganda" sagot nito sakin.



"Mata ba ginagamit kapag nagmamahal? Saludo ako sa kaibigan mo dahil puso ang ginamit niya hindi ang mata" sabi ko dito tsaka huminto sa tapat ng pinto ng classroom namin.



"Syempre puso pero hindi ba siya nandiri ng nakita niya gf niya? Tapos ngayon kinakahiya niya gf niya at tinatago samin? Masasabi ba nating totoong pagmamahal yon? Naisip ko nga baka nakipag pustahan lang siya" sagot nito sakin na sobrang lawak ang ngiti



"Kapag ba pangit kailangan ng pandirihan? Siguro kaya niya ayaw ipakilala sa inyo dahil alam niya ugali niyo. Ayaw niyang masaktan yung gf niya sa pwedeng sabihin niyo sa kanya. Ikaw ba ay may pinagpustahan na babae? Ano feeling? Masarap ba makasakit?" Hindi mapigilang sabi ko




"Hindi naman sa ganon, kahit ikaw naman makakakita dun sa babae masasabi mo na tama ako dahil sobrang pangit niya. Tsaka huwag niyang sabihin seryoso siya don sa babaeng yon dahil hindi katanggap tanggap maraming magagalit at kukutya sa kanya. Hindi ako nananakit ng babae at hindi rin ako nakikipag pustahan" sagot niya sakin na diretyong nakatingin sa mga mata ko na siya namang ikina bwisit ko. Sarkastiko ko siyang nginitian at tinignan ng masama



"Huwag mokong itulad sayo dahil magkaiba tayo. Hindi ako yung tipo ng tao na tumitingin lang sa panlabas na anyo. Harry sorry pero please lang tigilan mo na panliligaw mo sakin dahil wala kang mapapala sakin" diretyong sabi ko tsaka binuksan ang pinto ng classroom namin at pumasok.



Nakaupo na ako sa silya ko ng mapatingin ako sa bumukas na pinto. Pumasok si Harry at walang sabi na lumuhod siya sa gitna ng floor namin.



"Sue kung may nasabi man ako na hindi mo nagustuhan patawarin moko. Hindi ko alam na dahil lang sa ganitong kaliit na bagay ay ida down moko. Alam mo naman at ng lahat na seryoso ako sayo bakit dahil lang sa ibang tao magiging ganito tayo? Pwede naman nating pag usapan at ayusin ang hindi natin pagkakaintindihan diba? Bakit mo'ko irereject sa mababaw na dahilan?" Sabi nito habang naka luhod.



Imbes na maawa ay nangagalaiti ako ngayon sa galit. Mali ako sa paniniwalang nagbago na siya, isa pa ang galing niyang magsinungaling. Paano niya nakakayang tumingin sa mata ko at papaniwalain sa kasinungalingan niya.



Maraming nagsabi sa mga kaklase ko na mag usap daw kami, sayang daw kami, pag usapan daw namin kung ano man pinag awayan namin. Puro tanong naman sakin mga kaibigan ko kung anong nangyari.



"Ganyan kaba manghingi ng sorry? Ang dating kasi sakin ako yung mali. Bakit alam mo pa sakin? Nanliligaw ka lang naman. I'm sorry pero wala na tayong dapat pag usapan kaya tumayo kana diyan dahil nagmumukha ka lang tanga" sambit ko



"Sue mahal kita kulang paba mga pinakita ko sayo?" Tanong nito sakin



"Harry sapat na pinakita mo para i reject kita, kitang kita ko kung paano ka mag judge ng tao dahil sa itsura nila. Alam na alam ko na din ang ugali mong mahilig mang lait ng kapwa. Kaya please lang tigilan mo na ako dahil hindi ako ang nararapat sayo. Marami namang babae diyan nahuhumaling sayo diba? Sila nalang huwag ako. At least sila tanggap nila kung anong klaseng tao ka dahil ako hindi ko kayang pakisamahan ang isang tulad mo" sagot ko sa kanya tsaka kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom.



"Ikaw nanghuhusga sakin. Marami ngang babae pero ikaw lang gusto ko. Bakit ginagawa mong big deal ang napakaliit na bagay?" Tanong nito na nagpahinto sakin sa paglalakad at nasusuklam na humarap sa kanya




"Hindi kita hinuhusgaan sadyang pinakita mo lang yung tunay mong kulay. Kung sayo maliit na bagay lang sakin hindi. Sino kaba para laitin ang kapwa mo? Dahil ba may maganda kang itsura lalaitin mo na itsura ng iba dahil hindi sila maganda? Hindi ba sila pwedeng magmahal at sumaya dahil pangit sila?. Lahat ng tao may puso na pwedeng masaktan dahil lang sa simpleng salita ng kapwa nila. Sana bago ka magbigay ng komento tungkol sa itsura nila nagiisip ka, sana naisip mo na kaysa makasakit ka dahil sa real talk na sasabihin mo sana tumahimik ka nalang" mariin na sabi ko tsaka ako nilapitan ng mga kaibigan ko at sinabing kumalma ako.




"Bakit ba galit na galit ka? Okay sige aalis na muna ako para makapag pahinga ka. Babalik ako mamaya susunduin kita mag usap tayo ha? Sorry na huwag ka ng magalit" Malumanay na sabi ni Harry na naglalakad palapit sakin




"Harry please lubayan mo'ko please lang tsaka na tayo mag usap" sabi ko at tuluyan ng umalis kasama sina Lorraine, Claire at Myca.

***************

New Face (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt