Chapter 11

1.5K 53 10
                                    

Sue's Pov




Natapos ang game sa score na 83-76 panalo ang team nila Harry. Nagsimula ng magsialisan ang mga tao sa gymnasium pero tumigil ang mga ito ng marinig nila ang boses ni Harry sa mikropono na nagpabalik sa mga pwesto nila.




"Gusto kong samantalahin ang oras na'to para magpasalamat sa pag suporta niyo sakin at sa mga teammates ko" sabi nito na nag bow pa habang nakatayo sa gitna ng court.



Nakita ko naman ang pagturo niya sakin habang hawak parin ang mic habang diretyong nakatingin sakin.



"SUE!" sigaw nito na ikinagulat ko. Nagtinginan naman ang lahat sakin. "Sue!" Malakas parin na sabi niya na ngiting ngiti sakin.



Lupa lamunin mo'ko piping hiling ko na hiyang hiya sa mga tao. Ano bang ginagawa niya bakit kailangan niyang isigaw at banggitin ang pangalan ko.




"Sue sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sayo to. Sa totoo lang matagal na kitang tinitignan kahit sa malayo. Gusto ko sanang kausapin ka pero hindi ko alam kung papaano" sabi nito. Rinig ko rin ang pagbuntong hininga siya mikropono na tila pinapalakas niya ang loob niya para magpatuloy.



Nagsimula na naman ang bulungan sa paligid ko pero heto ako walang pake sa mga sinasabi nila at tanging nakikita at naririnig ko lang ay si Harry na ngayon ay lumuhod sa gitna ng ring.





"Sue, hindi ako sweet, hindi matalino at hindi rin ako marunong manligaw at tanging maipapangako ko lang ay ang wagas na puso kong tunay na nagmamahal sayo. Kaya sana bigyan mo'ko ng chance na patunayan at ipakita sayo kung gaano ka kahalaga sakin" automatic na dumapo ang mga palad ko sa bibig ko.





Hindi ko naisip at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na may gusto at gugustuhin ako ni Harry. May mga butil na luha ang pumatak mula sa mga mata ko. Luha ng saya at kilig dahil kahit pala ang isang tulad ko ay pwedeng mahalin ng isang Harry Domingo.





"Sue, can you be my girlfriend?" Naghiyawan ulit ang mga tao at may sumisigaw pa ng say yes! Ang iba naman ay umoo na daw ako at wag mag inarte dahil hindi ako maganda.





Lumapit sakin ang dalawang teammates ni Harry at inalalayan akong bumaba at dinala sa gitna ng court kung saan naroon si Harry na hanggang ngayon ay nakaluhod.





"Sue?" Tawag tanong pa sakin ni Harry.





"Maawa ka sa kaibigan ko mangingitim na tuhod niyan kaya sumagot kana" sabi nung isang lalaki na nagdala sakin dito sa gitna tsaka niya ako binigyan ng mic.






"How could I ever say no to a guy like you? So Yes I will be your girlfriend" masayang sabi ko tsaka kinagat ang pang ibabang labi.







"Wooohhhh! Congrats dude you're the man!" Hiyaw ng mga teammates niya





"Congrats!" Sigaw naman ng mga tao sa gymnasium.




Lumuluha ako sa tuwa ng lapitan ako ni Harry habang hawak parin ang mic nito.





"Hindi ka naman seryoso tama?" Napatigil ako at natulala kay Harry habang nakangisi ito sakin




"Tangna! Sayang ang limang libo ko! Akala ko may kahihiyan sa balat itong baboy na to at ihindi kay Harry" naiinis na sabi ng isang ka team niya




"Manlibre ka niyan dre!" Sabi pa ng isang ka team niya






"P-pinag pustahan niyo lang ako?" Garalgal ang boses na tanong ko kay Harry




"Don't tell me iniisip mo na papatulan kita? Hindi pa ako nababaliw para patulan kita Shreak!" Sabi nito tsaka tumawa. Tumingin naman ako sa paligid ko at lahat ng tao na naroon ay tumatawa




"Bakit Shreak? Dapat Fiona kasi babae yan!" Sigaw ng kung sino galing kung saan




"Babae ba yan?" Tumatawang sabi pa ni Harry.




Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa gymnasium af nakalabas sa school. Inabutan na rin ako ng dilim sa park sa kakaiyak at walang lakas para tumayo at maglakad pauwi.





Isang panyo ang inabot sakin ng kung sino. Tumingin ako sa malamig na mata niyang nakatingin sakin at pilit na inilagay ang panyo niya sa isang kamay ko tsaka siya naglakad paalis.





Nakatingin lang ako sa likod ng lalaking paalis. Medyo pamilyar ang mukha niya. Pilit kong inisip kung saan siya nakita ngunit hindi ko talaga maalala. Sana lang hindi ko na rin maalala si Harry at ang pantitrip nila sakin. Muli na naman akong umiyak ng maalala ko sila.



*********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now