Chapter 47

1.1K 33 1
                                    

Sue's Pov



Pagkatapos naming kumain ni Cent ay inaya ko siyang pumunta ng supermarket. Hindi kasi kaya ng konsensya ko na kumakain ako ng maayos dito sa unit ko samantalang si Cent ginugutom ang sarili dahil wala siyang makain.



"Yung push cart po kunin mo" utos ko kay Cent habang tinuturo kung nasaan mga push cart.



Una naming pinuntahan yung condiments section. Siniguro kong wala akong makakalimutan kaya lahat ng nadadaanan ko na alam kong importante ay nilalagay ko sa cart namin.



"May gusto kang bilhin?" Tanong ko sa kanya habang hawak ko ang isang brand ng shampoo.



"Yan ba gamit mo?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako.



Napapikit ako ng lumapit si Cent sakin at ilapit ang mukha niya. Inamoy nito ang buhok ko tsaka muli siyang lumayo.




"Mabango. Yan nalang din gagamitin ko" sabi niya tsaka nito kinuha ang shampoo na nasa kamay ko at nilagay sa cart.


Para naman akong namatanda at hindi makagalaw sa kinakatayuan ko. Kung hindi lang niya tinawag ang pangalan ko ay hindi pa ako kikilos.




"T-tara sa meat section" nabulol pang aya ko sa kanya habang tulak tulak nito ang cart



"Teka, hindi ako marunong magluto" pigil nito sa kamay ko habang nilalagay sa plastic ang pork loin na kinumuha ko



"Anong kakainin mo kung hindi ka magluluto? Bayaan mo tuturuan kita" sabi ko tsaka tinuloy ang pagkuha ng mga karne. Kumuha rin ako ng mga gulay at prutas, tinapay, gatas at syempre bigas.



Nang nasa cashier na kami ay nagulat ako ng may makita akong mga can beers doon. Hinawakan ko ang isang lata ng beer at tinignan ng masama si Cent.



"Ano to?" Taas kilay na tanong ko



"Beer?" Kunot noong sagot niya sakin




"Alam kong beer to pero hindi ko to nilagay sa cart" sabi ko sa kanya




"Kung hindi mo nilagay ibig sabihin ako nag lagay" sagot niya sakin. Pigil ang inis na kinagat ang ibabang labi ko



"Hindi natin bibilhin mga to" sabi ko. Tatanggalin ko na sana mga beers sa cart namin at ilagay sa may bakanteng basket ng hawakan niya ang magkabilang braso ko at iharap ako sa babaeng nakangiti samin



"Ang ingay mo ako naman magbabayad" sabi nito tsaka niya inunang ibigay sa cashier yung mga can beers niya. Wala na akong magawa kundi bayaan nalang siya, bahala siya sa buhay niya.



Pagkatapos naming mabayaran pinamili namin ay lumabas na kami ng supermarket. Kokonti nalang din ang mga tao sa mall halatang malapit na din silang magsara. Tumingin ako kay Cent na diretyo lang tingin sa dinadaanan niya habang tinutulak yung push cart. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad at napasimangot.

"Akala mo naman sinong gwapo tss" mahinang sabi ko "Hintayin mo kaya ako no? Pinagmamalaki mo ba mahabang legs mo sakin?" Sabi ko dito tsaka sumabay sa kanya sa paglalakad.

**********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now