Chapter 67

1K 34 4
                                    


Sue's Pov


Dahil sa tulong ng mga kaibigan ko napadali ang paglilinis ko ng bahay. Mas mapapa  bilis pa sana kung hindi kami nag haharutan.


Dahil tapos na kami sa paglilinis ay sitting pretty na ang mga prinsesa habang nanonood ng tv. Nakasalang naman sa washing machine mga damit ko kaya libre na din ako.


Kasalukuyan akong nasa kusina ngayon at nagluluto ng mushroom chicken stew. Nakapagluto na si Lorraine kanina ng fried pork chop kaya dinagdagan ko nalang.


Ilang saglit lang ay naluto ko na ang pagkain namin at ngayon ay inaayos ko nalang ang mesa. Sumulyap ako sa sala at napangiti ng makita silang seryoso sa panonood ng Korean Movie na Ms.Granny. Para tuloy nakikita ko si Mama sa kanila dati na sobrang tutok sa panonood ng mga K-drama at K-movie. Bumibili pa nga siya non ng pirated cd's dahil ayaw niyang nabibitin sa panonood sa mga sinusubaybayan niyang tagalog dubbed na k-drama series.



"Pause niyo muna yan ng makakain na tayo" tawag ko sa kanila



"Wait lang kumakanta pa siya" sagot ni Claire sakin




"Mamaya na yan" lapit ko sa kanila tsaka kinuha yung remote tsaka pinatay yon. "Masamang pinapaghintay ang pagkain. Panoorin niyo nalang mamaya" sabi ko tsaka hinila si Myca na humiga pa sa sofa



"Ihhh! Kasi naman eh!" Reklamo niya na naka simangot pero sumunod din naman sakin

Pagkaupo naming apat at sasandok nalang ng pagkain ng may nag door bell.


"May inaasahan kabang bisita?" Tanong ni Myca sakin


"Wala, tsaka almost 10 na" sagot ko sa kanya


"Sino kaya yan?" Tanong naman ni Lorraine sakin ng mag door bell ulit yung nasa labas


"Sandali lang titignan ko" sabi ko tsaka tumayo. Sumilip muna ako sa peephole para malaman kung sino nasa labas. Napa buntong hininga naman ako ng makilala yung tao sa labas. Sino pabang aasahan kong bibisita sakin dito kundi siya lang.


"Pasok ka" sabi ko ng pagbuksan siya ng pinto



"Uy Cent ikaw pala! Halika!" Aya ng tatlong kaibigan ko



"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Cent sa tatlo



"Tinulungan namin maglinis si Sue. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Myca



"Ahh eh hihingi sana ako ng kanin kay Sue kung may sobra siya, nakalimutan ko kasing bumili kanina ng bigas" sagot nito na tila nahiya pa at nagkamot ng kilay



"Bakit hindi ka nalang sumabay samin?" Aya pa ni Claire sa kanya



"Huwag na nakakahiya, nagluto din ako ng ulam ko sa bahay wala lang talagang kanin" sagot niya



"Late na ah, ngayon ka palang rin kakain?" Tanong naman ni Lorraine



"Kauuwi lang eh" sagot naman niya



"Wala naman kayong practice ha? Saan ka galing?" Tanong ni Myca na naka kunot noo


"Ah kasi may pinuntahan ako" sagot ni Cent tsaka tumingin sakin na parang humihingi ng tulong



"Sige na maupo kana diyan dito ka nalang kumain" sabi ko



"Hindi na okay lang nagluto talaga ako sa bahay" tanggi parin niya



"Umupo kana diyan at ako na kukuha sa niluto mo" sabi ko tsaka tinalikuran siya



"Hindi huwag na" pigil pa nito sakin habang naka hawak sa balikat ko



"Please lang pagod ako kaya huwag ka ng makulit" mahinang sabi ko pero sinigurado kong narinig niya



"Okay" sagot niya sakin at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko



"Alam niya password ng bahay mo?" Dinig ko pang tanong ni Claire kay Cent bago ko naisara ang pinto ng unit ko.



Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ulit ang pintuan ko at magkunwaring itatanong ang password niya o tutuloy na sa unit niya. Naghintay pa ako ng ilang segundo sa harap ng pintuan ko dahil baka lunabas si Cent at magkunwaring tutulungan ako.



Inisip ko nalang na nakagawa siya ng palusot dahil hindi siya lumabas kaya naman dumiretyo na ako sa unit niya at binuksan yon.



Tumuloy agad ako sa kusina at hinanap yung pjnagmamakaki niyang niluto niya daw. Wala naman akong makitang pagkain don kundi yung nakatakip na ginisang corned beef. Wala naman sa loob ko na plinay yung tablet niya na nasa mesa at nakita sa youtube video yung how to cook corned beef demo na pinapanood niya. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa at tinikman yung niluto niya. Edible naman siya, pwede na.


****************

New Face (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें