Chapter 38

1.3K 41 4
                                    

Sue's Pov


"Sue sabay kana samin mag lunch" aya sakin ni Lorraine. Tumingin naman ako sa dalawa pa niyang kasama na naka ngiti sakin



"Sige" nahihiyang sagot ko tsaka nila ako pinag gitnaan.


Naalala ko sa kanila ang mga kaibigan ko. Maingay din sila at hindi nauubusan ng kwento. Lumabas kami ng department building namin at pumunta sa isang kainan na naroon.



"Pure korean kaba o half?" Tanong sakin ni Myca habang paupo kami sa napili naming mesa



"Pure pinoy ako na may pusong korean" natatawang sagot ko



"Basta ako half korean half dyosa" sabi naman ni Claire na ibinaba na ang bag sa upuan



"Pero bet ko yan ah pure pinoy pero ang heart korean. Sino ba naman ang aayaw sa mga oppa ko" parang narinig kong nagsalita si Ji Soo sa kanya. Na miss ko tuloy sila.



"Hoy mga bruha tumayo na kayo diyan ng maka order na tayo" utos samin ni Claire na hinintay talaga kami



Sabay sabay kaming tumayo at pumila sa bilihan ng pagkain.  Magkakaiba ang inorder naming pagkain, bacon fried rice at braised pork ang inorder ko sila naman ay chopseuy, kare kare at sinigang na bangus ang ulam na binili.



Habang kumakain ay tanong sila ng tanong sakin. Kung ilang taon na daw ba ako nakatira sa Korea at kung madali lang daw ba matuto magsalita ng hangul. Tinanong din nila kung may boyfriend na ako at ang pinaka matagal naming topic ay ang boy group sa Korea na BTS.



Tawa kami ng tawa habang kumakain. Kasi naman nagpapaturo sila mag korean sakin at kapag sinabi ko naman mga tinatanong nila kapag inuulit na nila ay mali mali yung mga words na nababanggit nila.



Certified Army daw sila at KDrama adik. Isa daw sila sa mga lumalaban ng patayan sa mga comments ng mga bashers ng BTS. Bakit daw hindi nalang mag spread ng love kaysa sa hate? Bakit daw hindi nalang sarili nila pagtuunan ng pansin kaysa magalit sa mundo at manghusga ng tao.




Tapos na kaming kumain at magpahinga kaya nagpasya na kaming umalis at magbalik sa department namin. Mamaya daw break time igagala nila ako sa buong university, ngayon na daw sana kaso mainit.



Dahil siguro bago lang ako kaya medyo agaw pansin ako. Yumuko nalang ako dahil hindi ako sanay sa atensyon na binibigay nila sakin.



"Hi!" Napatingin ako sa pamilyar na boses na narinig ko. Nanlaki mga mata ko at nanginig ang buong katawan ko ng mapag sino kung sino ang taong kaharap ko ngayon.



"Hello" sabay sabay na sabi naman ng mga kasama ko na tila kilig na kilig pa sa lalaking kaharap. Sino nga ba naman hindi kikiligin sa kanya? Isa din kaya ako noon sa mga babaeng nabaliw sa kanya.




"Ako nga pala si Harry. Anong course niyo?" Dinig ko pang sabi nito. Samantalang ako ay nanatiling tahimik at nakayuko. Malaki rin pasasalamat ko kay Myca at Lorraine na nakakapit sa braso ko na naging lakas ko para hindi bumigay ang mga tuhod ko.



"Ako pala si Myca, sila naman mga friends ko si Claire, Lorraine at Sue" pakilala ni Myca samin.




"Kilala ka kaya namin, ka team mo yung kaklase namin sa Ethics na si Cent Alfonso" sabi naman ni Claire sa kanya



"Ohh si Captain. Classmate pala niya kayo? Sa ganda niyong yan bakit ngayon ko lang kayo nakita? May diperensya na siguro mga mata ko" tumatawang sabi pa ni Harry



"Talaga naman kapag basketball player bolero" may kilig na sabi naman ni Lorraine na hinampas pa sa braso si Harry. Bakit hindi niya sa mukha o sa ulo o kaya dun sa junjun hinampas? Sana lang din nilakas lakasan niya paghampas.


"Ikaw si Sue diba?" Nang marinig ko pangalan ko ay tumingin ako sa kanya



"Waeyo?" Medyo gulat na tanong ko kung bakit.



"Pagpasensyahan mo na korean kasi siya at naninibago pa dahil ilang araw palang siya mula ng magbalik dito" sabat ni Lorraine na pinaliwanag ang lagay ko. Aish! Bakit kasi kinausap pa niya ako, nawawala tuloy ako sa sarili ko.



"Kaya pala" tumatangong sabi ni Harry. Nakipaglaban naman ako ng titigan sa kanya, walang gaanong nagbago sa mukha nito at napansin ko na mas tumangkad siya at nagka muscle.



Halos mapunit ang pagkakangiti sakin ni Harry habang hindi niya ako hinihiwalayan ng tingin. Malakas ang loob na gumanti naman ako ng ngiti sa kanya at nakipag titigan pa sa kanya. Nagsimula na kaming itukso sa isa't isa na gustong gusto naman niya. Kung malaman niya na si Sue Flores at Sue Choi ay iisa maka ngiti pa kaya siya?.

************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now