Chapter 76

1K 36 9
                                    

Sue's Pov

Kasalukuyan kong tinutulungan si Tita France sa pagluluto ng paborito daw na ulam ni Cent na tinola. May mga chef din na nanonood samin kaya hindi ako makakilos ng mabuti at nahihiya. Pakiramdam ko kasi ginagrado nila ang bawat kilos ko.

"Madalang lang talaga ako magluto kaya masasabi kong espesyal talaga ang araw na ito. Alam mo ba na apat na buwan ng hindi umuuwi yang si Cent dito sa bahay? Yung last na umuwi siya hindi pa siya natulog dito hindi ko nga alam kung anong meron sa condo niya at hindi niya maiwan iwan iyon" kwento ng mommy ni Cent

"Bakit daw po ba hindi siya umuuwi?" Tanong ko habang hinihiwa ang nabalatan ko ng papaya.

"Ilang beses na namin tinanong ng Daddy niya yan pero laging sagot niya lang ay mas malapit sa school niya ang condo niya. Binibigyan naman siya ng Dad niya ng bagong kotse para dito nalang umuwi kaso ayaw parin niya. Mas gusto parin niyang ginagamit yung motor niya dahil mas konbinyante daw gamitin" sagot nito sakin

"Bakit hindi nalang po kayo ang dumalaw sa condo niya?" Nakatingin tanong ko sa kanya tsaka humaba ang mga labi "Nakaka worry nga po pag momotor niya dahil sa mga balitang aksidente ng mga motorsiklo ngayon" sabi ko pa

"Yan din ang pinag aalala ko pagsabihan mo nga siya na gamitin nalang yung kotse niya dito kaysa yung motor niya. Satwing nakakanood ako ng mga balita ng aksidente sa mga motorsiklo na yan siya lagi naiisip ko. Ang hirap pa naman sa kanya hindi sinasagot mga tawag ko kaya lalo akong nag aalala. Gusto ko man siyang dalawin sa condo niya ayaw naman niyang magpadalaw, lagi niyang sinasabi wala daw akong aabutan don. Tinatanong ko naman password ng pintuan niya ayaw naman sabihin. Maloloka ako sa batang yan" mahabang sabi pa ni Tita France

"Hayaan niyo po pagsasabihan ko siya. Kung gusto niyo po siyang dalawin sa condo niya at sinabi niya na wala siya pumunta parin po kayo, hindi naman yun umaalis sa lungga niya. Sakali naman wala po talaga siya pwede naman po kayong maghintay sa condo unit ko, magkapit bahay lang po kami" nakangiting sabi ko

"Talaga? Ohh! Sa condominium pala kayo nagka developan?" Kinikilig na sabi ni Tita na ikinakibit ko ng ngiti. Ayaw kasi din niyang maniwala na wala talaga kaming relasyon ng anak niya. "Saan ba kayong unang nagkita ng anak ko? Love at first sight ba?" Ngiting ngiting tanong pa nito

"Unang nagkita po kami sa harap ng Mall tinulungan po niya akong magbuhat ng mga pinamili ko non, nananamantala po kasi yung taxi driver sana na sasakyan ko buti nalang tinulungan niya ako. Tapos po nalaman ko na sa Galaxy Tower din siya nakatira kaya hinatid na niya ako. Sunod pong nakita ko siya ay sa school na, classmate ko po siya sa ethics" sagot ko

"Destiny talaga kayo ang saya naman" sabi nito na niyakap pa ako "Kilala naba siya ng parents mo? Anong sabi nila? Gusto ba nila ang anak ko para sayo?" Sunod sunod ng tanong nito

"Ehh.. hindi pa po siya kilala nasa Korea po kasi family ko" mahinang sabi ko

"Ohh" tumatangong sabi niya "sinong kasama mo ngayon dito sa Pilipinas?" Tanong pa ulit niya

"Wala po ako lang mag isa, pero sa bakasyon po dadalawin ko sila don" nakangiting sabi ko

"Mabuti nalang pala at magkapit bahay at magkaklase kayo ni Cent may titingin sayo. Okay ka lang bang mag isa dito?" Nag aalalang tanong niya

"Ayos lang po ako lagi naman po kaming nagkakausap ng parents ko at safe naman po sa g.tower kaya hindi sila masyadong nag aalala sakin" nakangiting sagot ko

"Kapag may problema at kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi sakin ha? Ituring mo narin akong mommy mo tutal magiging anak din naman kita soon" sabi nito na hinawakan pa magkabilang balikat ko.

"Salamat po" sabi ko tsaka kami nagyakapan

Nagsimula ng igisa ni Tita France ang manok habang masayang nagkukwento ito. Napaka kwela at madaldal nito, maging ang mga sikreto ni Cent noong bata pa ito, mga kinakatakutan at crush niya ay sinabi nito. Tawa naman ako ng tawa dahil sa kwento ni Tita.

***********

New Face (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن