Chapter 26

1.4K 37 0
                                    

Sue's Pov



Sa wakas natapos na rin ang sampung araw na puro foods lang ni eonnie ang kinakain ko. Habang nag jojog kami ni unni sa park ay iniisip ko kung ano ba ang kakainin ko mamaya pagdating namin sa bahay.




"Don't give me that look" sabi ni unni sakin habang nakangiti akong nakatingin sa kanya at iniisip ang almusal namin




"What?" Natatawang sabi ko tsaka binilisan ang pagtakbo.




Pagdating namin sa bahay ay diretyo kusina ako, nakasunod naman si unni sakin na tila inoobserbahan ako. Napag usapan naman namin kagabi habang kumakain na last na suffer ko na yon na luto niya. Umoo naman siya at sunabi niya sakin na hindi niya nalilimutan.




Pagkakita ko sa mga pagkain sa mesa ay agad akong umupo at inaya pa si unni. Umupo naman siya paharap sakin at nagsimula na siyang kumuha ng pancake at bacon niya. Sumunod naman ako at kumuha rin ng pancake, nakaka isang subo palang ako pero hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana. Sinunod ko naman yung rolled omelette pero tulad din sa pancake halos hindi ko malunok iyon. Tumingin naman ako kay unni na natatawa habang kumakain. Sumimangot lang ako at pilit inubos ang mga kinuha kong pagkain.





Pagkatapos naming mag breakfast diretyo timbangan naman kami. Ang dating 200 lbs ko ay nadagdagan ng isang guhit. Hindi ako makapaniwala dahil imbes na mabawasan dahil everyday naman talaga nababawasan timbang ko ay nadagdagan pa ito. Tumingin ako kay unni at sinabing ulitin ko at baka mali lang yung timbangan. Pero kahit anong gawin ko ay yun at yun parin ang lumalabas.





Imbes na no gym kami ngayong araw daw ay kailangan ko mag spend ng two hours sa gym mamaya. Huwag daw akong magtaka kung nadagdag timbang ko kasi dahil daw yon sa kinain ko. Isang pancake at rolled omelette lang naman yon bakit isang guhit agad nadagdag?.




Dumating ang lunch time at super excited ako dahil amoy na amoy ko ang niluluto ni Mama na adobo. Nang kakain na kami ay isang kutsarang kanin at karampot na adobo lang sinubo ko, nag aalala kasi ako na baka madagdagan na naman timbang ko.




"Oh tapos kana?" Tanong sakin ni Mama




"Hindi Ma kukunin ko lang pagkain ko sa ref" sagot ko tsaka naglakad papuntang kusina at gumawa ng vegetable salad.




Pagbalik ko sa mesa ay sarap na sarap sila sa adobo at ako naman ay healthy living ang peg at purgang purga na sa gulay. Tinanong pa ako ni Mama kung bakit hindi ako mag kanin pero tinitignan ko palang ang kanin ay nasusuka na ako. Hindi ako nag iinarte o kung ano paman para kasing nag iba na talaga panlasa ko.

***********

New Face (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu