Chapter 75

1K 30 0
                                    

Sue's Pov

Matapos akong paiyakin kanina ni Cent ay bumawi naman siya. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay nag open siya sakin. Nagpasya din kami na huwag nalang pumasok ngayong umaga at magpasyal muna.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Cent habang nakayakap sa kanya at nakasakay sa motor

"Ikaw saan mo gustong pumunta?" Tanong nito na binagalan pagmamaneho tapos huminto pa siya at tinignan ako

"Sa Korea" biro ko tsaka tumawa "gusto kong pumunta ng tagaytay kaso malayo yon masyado" sabi ko

"Miss mo na ang Korea? Sa bakasyon sige ipasyal mo'ko don. Sa ngayon tagaytay na muna tayo. Ang kaso kapag pumunta tayo ngayon ng tagaytay hindi na tayo makakapasok mamayang hapon" sabi nito na sineryoso pala sinabi ko

"Namimiss ko mga kaibigan ko na nandon tsaka pamilya ko syempre pero mas gusto kong pumunta ng tagaytay dahil hindi pa ako nakapunta don" tumatawang sabi ko

"Game! Punta tayo ngayon" sabi nito

"Uy huwag ngayon! May pasok kaya tayo. Tsaka mas masaya kung marami tayo, ayain ko kaya sina Lorraine at iba pa sa weekend? Sasama kaba?" Tanong ko sa kanya

"Ako pa pala yung hindi mo balak isama" sabi nito na parang nagtampo tsaka muling pinaandar ang motor niya.

"Abnormal ka talaga! Syempre isasama kita kung gusto mo" sabi ko pero hindi siya sumagot "tamporurot ka na naman. Aish! Bahala ka nga ang hirap mo pa namang suyuin" sabi ko pero hindi parin niya ako sinagot. Nanahimik nalang ako habang tinitignan yung dinadaanan namin.

Pumasok kami sa Bel-Air Village at manghang mangha ako sa mga nag gagandahang bahay na naroon. Huminto kami sa harap ng isang mala palasyong bahay at feeling ko tuloy nasa shooting ako ng isang teleserye kung saan mayaman yung bida.

"Halika" aya sakin ni Cent na basta lang iniwan ang motorsiklo niya

"Teka! Kaninong bahay to? Bat mo'ko dinala dito?" Nag aalalang tanong ko

"Senyorito mabuti umuwi ka" sabi ng isang matandang babae na nagbukas ng gate, halata sa mukha niya ang saya.

"Yaya Lena kumusta po?" Tanong ni Cent sa kanya tsaka niya ako hinila. "Girlfriend ko po, ang ganda niya diba?" Nakangiting sabi pa niya sa matanda

"Ang ganda nga bagay na bagay kayo. Pumasok na kayo at mainit" sabi nito

Pagpasok namin ay talaga namang namangha ako. Ang ganda ng landscape ng bahay nila at ang daming bulaklak. Na miss ko tuloy bahay namin sa Korea. Tumuloy kami at pinaupo ako ni Cent sa may sala nila. Agad naman akong inasiste ng dalawang naka unipormeng katulong at binigyan ng makakain.

"Nasaan si Mommy?" Tanong ni Cent dun sa isang katulong

"Nasabi na po ni Manang Lena na nandito kayo pababa na po sigurado si Madam" magalang na sagot nito

Alam kong may kaya sa buhay si Cent pero hindi ko naisip na ganito sila kayaman. Sino bang mag aakala na isang prinsipe pala itong abnoy na to.

"Hijo!" Masiglang sabi ng isang ginang. Sa mukha at pananamit nito ay mahahalata mo na ang pagiging donya niya. Magkamukha rin sila ni Cent kaya baka siya ang mommy nito. "How's you? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong pa niya kay Cent

"I'm doing great anyway I'm with someone" sabi ni Cent tsaka nakangiting tumingi  sakin. Napatingin naman sakin yung mommy ni Cent na may malawak na ngiti sa labi at sabay pa naglakad ang dalawa na lumapit sakin. "Sue she's my Mom, Mom meet Sue my girlfriend" pakilala nito samin.

"Ohh! You're so beautiful" sabi ng ginang na bumeso beso sakin. Alanganin naman akong ngumiti at tumingin kay Cent na ngiting ngiti. Sarap niyang batukan.

"Thank you po kayo din po" sagot ko sa kanya

"Pkease seat down" sabi ng mommy ni Cent

Nahihiyang umupo naman ako at tumabi sakin si Cent. Nag kwento ang mommy ni Cent at marami akong nalaman tungkol dito. Pangalawa pala sa apat na magkakapatid si Cent at isa lang ang kapatid niyang babae at yun ang bunso nila.

Agad kong nakagaanan ng loob ang mommy ni Cent dahil sa kabila ng pagiging malakas ng dating niya ay may pagka kwela din siya. At gaya ng naisip ko, iniisip ng mommy ni Cent na magnobyo nga kami ng anak niya. Sinabi din nito na ako palang raw ang inuwi at pinakilala ni Cent na gjrlfriend nia. Kahit anong tanggi ko na hindi kami magnobyo ay hindi ito naniniwala kaya hinayaan ko nalang.

************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now