Chapter 105

741 26 0
                                    

Sue's Pov

Halos takbuhin ko ang pinto para buksan ng marinig kong may kumatok doon. Bago pa ako makatayo ay bumukas na yon at nakangiting mukha ni Tita France ang nakita ko.

"Tita" tanging nasambit ko habang umiiyak

"Kumusta kana?" Tanong nito sakin na umupo sa mono block chair

"Tita I'm sorry dahil sakin nagka ganon si Cent" umiiyak na sabi ko

"Ssshhh.. its not your fault hija don't blame yourself" sabi nito tsaka niya ako niyakap

"Sorry po talaga" tanging nasabi ko sa pagitan ng pag iyak

"Okay lang, okay lang" sagot nito sakin

"Kumusta po si Cent?" Tanong ko na puno ng pag aalala

"Under observation pa siya pero kapag gumising siya ililipat na siya sa regular room. Sabi naman ng doctor baka mamaya lang magising na siya, hopefully bukas mailipat na siya" sagot nito sakin

"Kung hindi dahil sakin hindi yon mangyayari sa kanya" sisi ko parin sa sarili ko

"No sweetheart huwag mong isipin yan kung mayroon mang may kasalanan nito ay yung mga bumugbog sa inyo. Don't worry inaasikaso na ng Tito Rafael mo ang kaso niyo. Hindi natin ipagwawalang bahala ito" sabi ni Tita France na ikinatango ko

Dahil kakatapos lamang daw ang oras ng bisita sa ICU kaya ako muna daw ang aalagaan ni Tita. Dalawang oras na rin ang nakalipas buhat ng nandito siya ng may kumatok ulit sa pinto. Binuksan yon ni Tita at tatlong pulis ang pumasok sa kwarto ko. Tinanong nila kung anong natatandaan ko sa nangyari samin at kwinento ko lahat ang natatandaan ko. Nauna na daw nilang natanong sina Joaquin at Rocco na hindi ko alam na naka confine din dito sa hospital. Sobrang na guilty tuloy ako dahil hindi ko man lang sila naisip.

Alas sais na ng bumalik si Hyun Woo na may dalang mga gamit ko at pagkain. Pibakilala ko siya kay Tita France at inaya na rin naming siyang saluhan kami sa hapunan.

"Pasensiya na nalate ako ang tamlay kasi ni Gidget kaya dinala ko siya sa vet kanina bago pumunta dito" sabi ni Hyun Woo habang inaayos ang sushi na binili niya

"Kumusta naman siya? Ano sabi ng vet?" Nag aalalang tanong ko kay Hyun Woo

"Okay naman daw siya kaya pinauwi din kami. Binili ko nalang yung nireseta nung doctor niya na dextrose powder at vitamins. Umalis ako sa unit mo ng makita kong nakikipag away na siya kay Percy" sagot niya sakin

"Thank you oppa" nakangiting sabi ko

"Wala yon napamahal na rin sila sakin" sagot naman niya sakin

"Mukhang close na close kayo" nakangiting sabi ni Tita France

"Opo. Nagbabakasyon lang po siya dito sa Pilipinas at uuwi na next week sa Korea, roommate din po siya ni Cent kasi dun siya kay Cent natutulog" nakangiting sagot ko

"Ang likot po matulog ng anak niyo akala yata ako si Sue yakap ng yakap tsaka naka hubad pag natutulog" tumatawang sabi naman ni Hyun Woo

"Ewan ko ba sa batang yon ang hilig matulog ng walang damit pang itaas. Pinagsabihan ko na nga na baka magkaroon siya ng lamig pero hindi nakikinig sakin" reklamo naman ni Tita

"Kumain na po muna tayo" sabi ni Hyun Woo ng matapos ayusin ng mga binili niyang pagkain

Walang arte naman na sinabayan kami ni Tita France na kumain. Akala ko mabibitin pa yung pagkain namin buti nalang sumakto lang at may konting tira pa nga.

**************

New Face (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ