Chapter 3

1.8K 50 0
                                    

Sue's Pov


Panibagong araw, panibagong disaster na naman ba sa buhay ko? Minsan naiisip kong magpakamatay nalang pero satwing naiisip ko yon ay kinikilabutan ako. Kahit gaano kahirap at kasaklap pa ang buhay ko may taong nagmamahal parin sakin at yun ay si Mama.



"Ma alis na ako" paalam ko kay Mama habang may laman na peanut butter sandwich ang bibig ko at sinusuot ang sapatos ko.



"Teka sabay na tayo" sabi ni Mama na kuntodo bihis at naka make up pa



"Saan ang lakad mo Ma? Ang aga pa ah hindi kaba magtitinda?" Nakakunot na tanong ko sa kanya habang minamasdan kabuuan niya





"Naalala mo si Ji seok na ka skype ko? Nagkikita kami ngayon" ngiting ngiting sagot ni Mama at nag spray pa ng pabango




"Diba nasa Korea yon? Saan kayo magkikita? Baka mapahamak ka diyan" alalang sabi ko dito





Si Ji Seok ay isang businessman na koreano. Last year pa nung magsimula silang mag video call ni Mama at nalaman ko na nanliligaw siya kay Mama. Nakita at nakausap ko na rin siya pero sandali lang dahil ayokong nakikita ng ibang tao ang mukha ko lalo na ng matagalan. Sabagay, sino ba tatagal makakita sa pagmumukha kong kasumpa sumpa nga daw sabi nila.




Okay lang naman sakin magpaligaw, magnobyo at mag asawa ulit si Mama. Matagal na din naman mula ng wala si Papa at kahit na kaming dalawa nalang ay alam kong nahihirapan parin siyang buhayin ako idagdag pa na minsan ay nanghihingi ng tulong pinansyal sina Lola.





"Sa Airport nak mamayang 9 ang lapag niya eksayted na nga ako makita siya sa personal" kinikilig na sabi pa niya





"Isama mo si Aling Minerva baka kung anong gawin sayo ng koreanong yan" utos ko sa kanya





"Hindi pwede tsaka sa tagal namin magka chat ni Ji Seok may tiwala ako sa kanya, hindi ko naman pababayaan sarili ko at hayaan siya kung may balak siyang masama sakin" sabi pa nito





"Ma, nilamon kana ng pagmamahal sa kanya paano mo magagawang ipagtanggol sarili mo kung lulong kana sa oppa mo na yan" sabi ko pa dito





"Pagbigyan mo na si Mama minsan lang naman ako nakaramdam ng ganito at alam ko at ramdam ko na mabuting tao si Ji Seok" paglalambing niya sakin.




Kapit braso kaming naglakad ni Mama sa daan. Ano pa nga bang magagawa ko kundi suportahin siya sa kaligayahan niya. Kung sakaling lokohin siya ng lalaking yon nandito parin naman ako na tunay na nagmamahal sa kanya.



*************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now