Chapter 106

769 34 0
                                    

Sue's Pov

"Ha?! Bakit mo sinabi kina Mama?!" Malakas na tanong ko kay Hyun Woo

"They need to know at tumawag sakin si Mama tinatanong ka kaya sinabi ko" sagot nito sakin

"Kahit na. Nag aalala sigurado mga yon" halos maiyak na sabi ko at napaupo nalang sa kama

"Mabuti pa umalis na ako ng masundo sila sa airport" sabi pa niya

"Kakasabi mo lang sakin tapos ngayon susunduin mo na sila?" Hindi makapaniwalang sabi ko

"Nakalimutan ko kasing sabihin sayo kahapon" sagot nito sakin

"Ewan ko sayo" tanging nasabi ko at nahiga sa kama tsaka tinakpan ang mukha ng unan

"Papunta naman na sina Claire at Lorraine any minute nandito na mga yon, okay lang naman na iwanan na kita diba? Ayokong maghintay sina Mama sa airport" sabi pa nito

"Bahala ka" nagtatampong sagot ko sa kanya

"May gusto ka bang kainin?" Tanong pa niya sakin

"Okay lang ako, sige na umalis kana" sabi ko dito

"Okay alis nako" sabi nito. Umupo ako at tinignan siya

"Mag ingat ka" sabi ko pa. Ngumiti naman siya sakin

******

"Bakla alam mo naba yung balita na nahuli na yung boyfriend ni Chanel? Na aktuhan pa silang gumagamit ng bawal na gamot ng mahuli kaya patong patong sigurado ang kaso nila" balita sakin ni Claire

"Si Chanel naman at yung mga alagad niya na kick out na sa school. Director pala yung mommy ni Cent sa school at pamilya nila ang may ari ng Montreal University" sabi naman ni Lorraine

"Nagtatago na yung bruha! Nag deactivate na kaya siya ng mga social accounts niya" dagdag pa ni Claire

"Mabuti naman nahuli na yung leader na bumugbog kay Cent. Lahat ba nahuli? Ang dami nila hindi na sila naawa kay Cent" sabi ko sa kanila

"Balita ko pito lang nahuli eh. Madali nalang mahuhuli yung iba niyan kasi nahuli na yung leader nila" sagot ni Claire sakin

"Sabi ni Rocco mahigit 20 yung nakalaban nilang tatlo pero ang tinira talaga nila ay si Cent. Pinagpapalo daw si Cent ng baseball bat at ginamit niyang panangga yung kamay niya, kaya yung kamay niya talaga napuruhan" kwento ni Lorraine na nagpasikip ng dibdib ko. Isipin palang ang itsura ni Cent habang pinapalo siya ay hindi na ako makahinga.

"Mabuti nalang hindi natulad yung dalawa kay Cent. I mean, hindi sila napuruhan" sabi pa ni Claire

"Nakaka guilty nga eh, dahil sakin nasaktan din sila" sabi ko sa kanila

"Hindi mo kasalanan yon bruha! Tinulungan nila si Cent dahil kaibigan nila siya at kung nandon lang din kami hindi ka ma oospital dahil tutulungan ka rin namin" sabi naman ni Lorraine

"Tama! Kung nandon lang talaga ako manghihiram sila ng mukha sa aso, hindi sila marunong lumaban ng patas kaya nanggigigil lalo ako sa kanila. Tsaka huwag mo ngang sisihin sarili mo, hindi mo ginusto yung nangyari at biktima ka din" sabi pa ni Claire

"Buti nga wala kayo don kung hindi baka nasaktan din kayo" nakangiting sabi ko

"Hoy girl! Never pa akong natalo sa sabunutan! Baka nakakalimutan mong apo ako ni Andres Bonifacio" mayabang na sabi pa ni Claire

New Face (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant