Chapter 53

1.1K 41 6
                                    

Sue's Pov


Pagbalik ko sa unit ko wala na si Cent. Nainip siguro siya kaya umalis. Mas mabuti na rin na wala siya makakapag isip ako kung ano bang dapat kong gawin.


Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Kahit anong isip gawin ko hindi ko parin alam kung ano bang isasagot ko kay Harry. Isa pa, hindi niya alam na yung Sue na pinagpustahan nila dati at Sue ngayon na gusto niya ay iisa. What if malaman niya? Sasabihin ko ba? Kung sasabihin ko naman kailan? Hindi pa ako handa. Natatakot ako sa pwedeng sabihin niya at ng ibang tao pero alam ko rin na kailangan ko parin sabihin.


Paano nga ba ako maniniwala kay Harry na hindi niya ako niloloko ngayon at totoong gusto niya ako? Kapag ba nalaman niya na ako yung Sue na pinagpustahan nila noon matatanggap parin niya ako?. Ano kaya magiging reaksyon niya? Okay lang kaya sa kanya o magagalit siya?


Lahat naman ng tao deserve ang second chance diba? Kung sakali sigurong masiguro ko na nagbago na talaga siya baka maisipan kong bigyan siya ng second chance. Pinatawad ko naman na siya at matagal na, pero satwing nakikita ko kasi siya naaalala ko parin ang sakit. Siguro kailangan ko lang ng sorry niya na never niyang ginawa o sinabi para mawala lahat ang sakit na dinulot niya sakin.



Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit pilit kong pinakikisamahan si Harry. Pilit din sinasabi ng utak ko na mag move on na ako dahil tapos na yon tapos sasabihin pa niya na wala naman ginagawang masama si Harry kaya huwag ko siyang iwasan. Kinakain din ako ng kunsensya ko sa kadahilanang paulit ulit kong naiisip panloloko niya sakin samantalang niloloko ko rin siya ngayon.



Matagal na akong naka move on kay Harry salamat sa mga kaibigan kong may aning aning. Naging katulad din ako ng ibang estudyante na nagkakaroon ng crush pero hanggang crush lang talaga. Marami rin nanligaw sakin pero ni isa wala akong sinagot, masyado akong tutok sa pag aaral nung nasa High School ako at sinarado ko talaga ang puso ko. Pinadlock ko pa nga.



Bumuntong hininga muna ako bago pumikit. Tsaka ko na iisipin gagawin ko, sa ngayon gusto ko munang ipahinga ang utak ko kakaisip. Unti unti naman akong niyakap ng antok.


*******

Alas singko ng umaga ng lumabas ako at pumunta sa park para mag jogging. Kahapon ko lang napansin ang park na to at masasabi kong ayos siya para sa mga katulad ko na nag eexercise. May mga cctv at mga taga galaxy tower lang pwede pumunta at makapasok kaya masasabi ko na safe siya.



May mga tao na din karamihan ay mga katulad ko na nag jojog. Napangiti ako ng makita ang isang lalaki na tumatakbo kasama ang apat na malalaking aso niya. Namiss ko tuloy si Betty. Si Betty na walang ibang gawin kundi kumain, matulog at mag lambing. Ang arte ng aso naming yon ayaw niyang umapak sa lupa ng walang suot na sapatos, ke arte arte takot naman maligo.


"Hi Miss good morning" sabi ng isang lalaki na biglang sumabay sakin sa pagtakbo


"Hello po good morning" magalang na sagot ko


"Ngayon lang kita nakita dito bagong lipat ka lang ba? Ako nga pala si Sam residente din ng g.tower" sabi nito na huminto sa harap ko at inoffer kamay niya for shakehands


"Opo bago lang po" magalang na sabi ko "Sue nga po pala" tsaka ako nakipag shakehands sa kanya


"Huwag ka ng mag po sakin bata pa ako" sabi nito tsaka tumawa.


"Sorry" sabi ko tsaka nagsimula na ulit kaming tumakbo


"Ayos lang, anyway gusto mong mag coffee after natin mag jog?" Tanong nito sakin na bumaliktad pa sa pagtakbo para makita ako


New Face (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin