Chapter 57

1K 31 0
                                    


Sue's Pov


Hindi ko alam paano ko itatago mukha ko habang papasok kami ni Cent sa parking lot ng school namin. Nang huminto ang motor niya ay agad akong bumaba at nag paalam agad sa kanya. Wala na akong pake kung ano sasabihin niya about sakin basta kailangan kong makalayo ngayon sa kanya.



Nakahinga ako ng maluwang ng makarating sa department ko. Mabilis akong naglakad papasok hanggang sa makarating sa saradong pinto ng classroom namin. Sana lang wala pa si Mrs. Javier ang taray pa naman niya.



Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto, tumambad naman sakin mga kaklase ko na nagdadaldalan partikular na ang tatlong kaibigan ko. Pumasok agad ako na may ngiti sa labi at lumapit sa tatlo.



"Bruha ka akala namin aabsent ka" salubong ni Lorraine sakin



"Madaling araw na kasi ako nakatulog kaya late na ako nagising" paliwanag ko



"Okay naba yung research paper mo?" Tanong naman sakin ni Claire



"Mmm" tumatangong sagot ko "print ko nalang mamaya" sabi ko pa



"Eh yung kay Cent kaya? Palagay mo nagawa niya?" May pag aalalang tanong ni Myca



"Kaya nga ako napuyat dahil tinapos namin, tinulungan ko si Cent tapusin yung kanya para naman hindi madamay yung grades natin" paliwanag ko agad sa kanila



"Thanks Lord! Sobrang nag wo worry kaya ako na baka hindi niya ginawa yung part niya" sabi pa ni Myca na pinaglapat pa ang dalawang palad na tila nagdarasal



Bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Javier na diretyong pumunta sa teachers table. Nag attendance muna kami hanggang sa magsimula na siyang mag discuss ng bagong lesson namin.



***********
CANTEEN



"Harry!" Napatingin ako kay Claire at sa tinitignan niya ng tawagin nito si Harry kasama ang mga ka teammates niya. Napadako din mata ko kay Cent na blankong bakatingin sakin



"Magla lunch na kayo?" Tanong naman ni Myca ng makalapit sina Harry samin



"Oo eh, okay lang sumali sa inyo?" Sagot ni Harry kay Lorraine tsaka ngumiti sakin. Kiming ngumiti naman ako sa kanya at uminom ng konting tubig



"Oo halika dito ka ikaw na tumabi kay Sue" sabi pa ni Claire na biglang tumayo at umupo sa tabi ni Myca. Agad naman nakaupo si Harry sa kaninang kinauupuan ni Claire



"Sa kabilang mesa nalang kami pre" sabi naman nung isang ka teammate niya at inaya yung iba pang kasama nila



"Uy Cent dito ka nalang din" sabi pa ni Claire na tinuro pa yung bakanteng upuan sa tabi niya.



Bale naka upo ako sa dulo katabi si Harry tapos katabi naman niya yung dakawang kasama nila. Naka upo naman si Lorraine sa tapat ko tapos si Myca katabi si Claire at bakanteng upuan na kalaunan ay inupuan ni Cent.



"Diet ka yata?" Nakangiting tanong sakin ni Harry



"Medyo" kiming ngiti kong sagot



"Ayos yan para hindi ka tumaba tulad ng iba" sabi pa niya "bili lang kami ng pagkain" sabi pa nito tsaka inaya mga kasama niya.



Tumingin naman ako kay Cent na tahimik lang at sumunod sa mga kasama. Pagbalik nila ay may kanya kanya silang hawak na food tray.



"Kain na tayo" aya agad ni Harry matapos nitong umupo sa tabi ko. Medyo naglaway ako sa kare kareng ulam niya lalo na sa bagoong pero hindi nalang ako nagsalita tsaka kinain spaghetti na binili ko.



"Heto kainin mo" sabi ni Cent na huminto sa tabi ko at binaba ang isang cup rice, kare kare at adobong pusit. Kinuha nito ang spaghetti ko at pumunta sa tabi ni Claire at umupo.



Napatingin kaming lahat sa ginawa niya pero wala ako o kaming makita ng kung anong emosyon sa mukha niya. Sinimulan nitong kainin yung spaghetti ko, ewan ko sa kanya bat ang hilig nitong kumain sa tira tira.



"Uy ikaw na kumain nito" tawag pansin ko kay Cent na tumingin naman sakin



"Sayo talaga yan ang payat mo eh mukha ka tuloy toothpick" sagot niya sakin



"Ang sexy nga niya captain eh" sabat naman ni Harry




"Sexy ba yan? Parang buto't balat" mahinang sabi ni Cent pero narinig naman namin




"oo na hindi na ako sexy pero hindi ko mauubos to" may inis sa boses na sabi ko tsaka tinignan ng masama si Cent na walang pakeng kinakain yung spaghetti ko




"Yung tira mo sakin" sabi nito




"Para kang aso ang hilig mo sa tira tira" sabi ko na inirapan pa siya




"Hindi mo ba alam na crazy dog bansag sa kanya?" Tumatawang sabi ni Harry




"Talaga? Kaya naman pala" tumatangong sabi ko




"Close pala kayo ni Captain" tumingin ako kay Harry na sumubo ng pagkain niya




"Classmate kami eh" sagot ko




"Napuyat nga yan kagabi dahil tinulungan niya si Cent sa research paper namin" sabi naman ni Lorraine




"What?" Kunot noong tanong ni Harry tsaka tumingin sakin




"Magkapit bahay kami" tipid na sagot ko tsaka kumain "nga pala na print mo naba yung paper mo? Huwag kang malelate mamaya kundi mawawalang saysay yung puyat natin" sabi ko habang nakatingin kay Cent




"Daldal mo kumain kana nga lang" sagot nito sakin




Kung malapit lang si Cent sigurado natamaan na siya sakin. Sinunod ko naman sinabi niya at kumain nalang. Naubos ko yung rice pero hindi ko naubos yung ulam, kinuha parin ni Cent tira ko at walang arteng kinain yon. Asong aso talaga siya.

*********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now