Chapter 109

777 33 0
                                    

Sue's Pov

Akala ko tapos na. Akala ko okay na. Akala ko happy ending na. Puro akala lang pala talaga ako dahil heto na naman ako umiiyak.

Kitang kita sa CCTV ng hospital isang oras pagkatapos kong lumabas sa kwarto ni Cent ay may tatlong lalaking pumasok sa kwarto niya. Nakilala ko agad yung isa dahil siya yung tinawag na bossing dati ni Harry sa Hills. Lumabas ang isang lalaki at tumambay sa harapan ng pinto ng kwarto na balisa. Halos tatlungpung minuto rin ginugol nung dalawa sa loob ng kwarto ni Cent bago sila lumabas.

Kasalukuyang nasa ICU na naman ulit ngayon si Cent at comatose ang lagay. Nagtamo ng sampung saksak at muntik ng maubusan ng dugo, may bakas ng palatandaan din na lumaban ito pero dahil hindi pa siya lubusang magaling kaya wala rin siyang nagawa.

Nagbigay na rin ako ng impormasyon sa mga pulis at sinabi ko ang nalalaman ko tungkol sa lalaking nakilala ko na pumasok sa hospital room ni Cent. Kasalukuyang naimbitahan din si Harry sa mga oras na yon kaya nagkita ulit kami. Dahil gusto kong makausap si Harry ay pinauna ko ng umuwi sa condo ang parents ko pero naiwan kasama ko si Hyun Woo.

"Harry!" Pasigaw na tawag ko sa kanya. Huminto naman siya sa paglalakad at tumingin sakin. Nang magbangga ang paningin naming dalawa ay siya na ang kusang lumapit sakin.

"Kumusta kana?" Tanong nito pagkalapit na pagkalapit niya.

"Ayos lang, ikaw kumusta kana? Ano tinanong ng mga pulis sayo? Sinabi mo ba kung saan nagtatago yung boss niyo?" Sunod sunod na tanong ko na ikinangiti niya

"Bago ko sagutin yan gusto ko munang mag sorry sayo Sue. Dahil sa udyok ng barkada at sabihin na natin sa batang pagiisip ko nakagawa ako ng bagay na hindi tama at ngayon ay pinag sisisihan ko. Sue, sorry. Patawarin mo sana ako sa mga nagawa kong kamalian sayo noon, sobrang nagsisisi na ako at kinakarma na ako ngayon. Hindi ko alam na yung babaeng pinaglaruan ko noon ay mamahalin ko ngayon. Hindi ko alam kung gumaganti kaba sakin o talagang karma ko na'to" ramdam ko naman ang pagiging sinsero ni Harry pero hindi siya ngayon ang concern ko.

"Kung sincere ka sa paghingi mo ng tawad sakin sabihin mo kung saan matatagpuan ngayon yung boss niyo. Alam mo ba ginawa niya kay Cent? Hinding hindi ko siya mapapatawad oras na may mangyaring masama sa boyfriend ko" sagot ko sa kanya na hindi napigilan ang pagpatak ng mga luha

"Si Captain na naman? Alam mo namang mahal kita diba? Maging sensitive ka naman sana kasi nasasaktan din ako. Alam mo bang pinipilit kong kalimutan ka pero kahit anong gawin ko pumapasok ka sa isip ko. Naglasing na ako lahat lahat para kalimutan ka pero mas lumala pa ang mga nangyari" sabi nito sakin

"Harry I'm sorry pero hindi ko kayang tumbasan pagmamahal mo sakin. Mahal na mahal ko si Cent at wala na akong ibang mamahalin pa kung hindi siya" sagot ko sa kanya

"Habang mahal mo siya at masaya kayong dalawa, hinding hindi kayo matatahimik. Malaki ang kasalanan niyong dalawa sa pamilya nina bossing Mike. Yung kapatid ni bossing Mike na nahuli na ay kaibigan ni Sam Asuncion na may gusto sayo at galit kay Cent. Si Sam ang isa sa mga pumopondo sa gang namin. Marami nayayabangan kay Captain at marami ring naiinis sayo dahil sa pagiging malandi mo raw, kaya pinagplanuhan nila na i trap si captain. Yung gabing sinunog ang big bike ni captain ay naroon ako at lasing. Nag laban sina captain at boss mike na naging dahilan ng pagkaka hospital ni boss na ikinagalit ng kapatid niya. Kinabukasan nung umaga ay wala akong alam na pinagplanuhan pala ni boss Allan na kapatid ni boss Mike at ng iba pa na lumpuhin daw si Captain at sirain ang mukha mo. Nalaman ko nalang yon dahil sa kwento ng ibang gang member sakin. Kaninang tanghali pumunta si Boss Mike sa Hills, kinausap niya si Lucas at Jaime pero hindi ko alam kung ano pinag usapan nila. Hindi ko alam na tatapusin na nila si captain. Pumunta din si Chanel sa Hills kasama mga kaibigan niya at nagbitiw ng salita na igaganti niya si Boss Allan, hindi rin daw siya titigil hanggat hindi nasisira ang mukha mo at hanggang magkasama kayo ni Captain. Wala daw siyang pakialam kung mapatay ka niya o si Cent dahil handa daw siyang makulong basta makaganti lamang" mahabang kwento ni Harry sakin

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako kay Harry habang tumutulo mga luha ko.

"Sue hindi lang si Captain ang habol nila, pati ikaw. Ako nalang ang mahalin mo Sue. Ibibigay ko lahat ng gusto mo lahat ng kailangan mo. Lalayo tayo dito magiging masaya tayo" sabi pa ni Harry

"Kahit iwanan ko si Cent hinding hindi ako sasama sayo. Si Cent lang ang nag iisang lalaki para sakin. Nakikiusap ako sayo Harry na makipag tulungan ka sana sa mga pulis para mahuli na ang boss mo. Please lang" umiiyak na sagot ko sa kanya tsaka tumalikod. Humawak ako sa braso ni Hyun Woo dahil nanghina ang buong katawan ko sa nalaman. Tahimik lang din si Hyun Woo na nanonood at nakikinig lang kanina.

Pinara agad ni Hyun Woo ang taxi na dumaan at nagpahatid na kami sa galaxy tower. Nanghihina ang buong katawan ko, ni magsalita ay hindi ko magawa. Patuloy lang din pag agos ng mga luha ko sa mata habang sinisisi ang sarili dahil sa mga nangyari. Ako naman kasi talaga ang puno't dulo sa mga nangyayari ngayon.

***************





New Face (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя