Chapter 6

1.6K 50 2
                                    

Sue's Pov



Baliw na nga siguro ako. Imbes kasi na magmukmok at umiyak ulit ako ay tuwang tuwa pa ako ako.




Biruin niyo ang pangit na tulad ko napansin ng isang Harry Domingo. Ayokong mag isip at umasa na mapapansin niya ulit ako sapat na sakin ngayon yung ginawa niya kanina.




Sinampay ko ang jacket ni Harry sa loob ng kwarto ko matapos ko itong labhan. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa jacket at binabalik balikan ang nangyari kanina.





Hindi naman talaga ako fan ni Harry at sa totoo lang wala akong interes sa mga lalaki kahit sa mga celebrities. Pakiramdam ko kasi wala naman din lalaking magkaka interes sa pangit na tulad ko kaya bakit ko din sila gugustuhin diba?. Sinabi ko na nga sa sarili ko na tatanda akong dalaga pero dahil sa ginawa ni Harry kanina naligalig bigla ang puso ko.






Oo na aaminin ko kinilig at kinikilig ako pero kahit sino naman siguro kikiligin kapag ganon diba?. Ayoko din munang isipin ang sasabihin ng iba, gusto ko munang ienjoy ang pakiramdam na to na ngayon ko lang naranasan simula ng isilang ako dito sa mundong ibabaw.





"Sue anak?" Natigil ang pagpapantasya ko ng marinig ko si Mama. Buti naman hindi siya ginabi.





"Ma" sagot ko tsaka binuksan ang pinto ng kwarto ko at nabungaran si Mama na may kasamang matangkad na lalaki.






"Anak si Ji Seok nga pala" may kalandian na pakilala ni Mama sakin sa boyfriend niya





"Annyeong" sabi ko tsaka nag bow





"Anneyeong Sueishi, jal jinae shutsuyo?" Sabi nito. Napatanga lang ako sa kanya dahil annyeong lang naintindihan ko sa sinabi niya. Atsaka yung sueieshi daw? Pangalan na nga lang maganda sakin ginawa pa niyang sushi.




"I'm sorry but I can't understand and speak hangul" nahihiyang sabi ko. Bat ba kasi ako nag annyeong hayan tuloy napagkamalan tuloy yata niya ako na marunong mag korean.




"I understand it's okay" sagot nito sakin. Tumingin ako kay Mama na ngiting ngiti at inaya niyang umupo ang boyfriend niya.






"Ma sa kwarto nalang muna ako" paalam ko kay Mama na abala sa pag asikaso sa koreano.





Bago ako tuluyang pumasok sa maliit na kwarto ko ay sumulyap pa ako sa bisita ni Mama. Mukha naman siyang matino at amoy imported siya. Nag kibit balikat nalang ako at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.





Sa tagal namin magkasama ni Mama ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Ngayon naiintindihan ko na kung anong nararamdaman niya dahil tulad niya umiibig na din yata ako kay Harry.



**************

New Face (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin