Chapter 22

1.4K 44 3
                                    

Sue's Pov



Lunch time na at inihanda na ni unni ang pagkain ko. Tulad kagabi iba ang lunch nila sa lunch ko. Farmers market salad ang nasa harapan ko at kanila naman ay bibimbap.



Hindi ako sanay na konti lang kinakain o nakakain ko pero ngayon wala akong ganang mag reklamo sa tiyan ko. Hindi pa rin ako kinakausap ni unni, ni tignan nga hindi niya ako matapunan at patuloy lang siyang nakikipag kwentuhan sa mga kasama namin sa hapag kainan.



Nag excuse ako para makabalik na sa kwarto ko at magpahinga. Habang naglalakad ay nakita ko si Lt. Oh na may kausap sa phone niya. Iiwas sana ako kaso sinenyasan niya ako na huwag muna akong umalis, mukhang may sasabihin siya.




Humarap sakin si Lt. Oh, hindi ko talaga maintindihan sinasabi niya dahil sa accent na gamit niya kaya sinabi ko na kung pwede bagalan niya pananalita o kaya mag english nalang siya.



Hindi maipinta mukha ni Lt. Oh at mukhang minasama niya sinabi ko. Tinawag niya ang isang private at kinausap niya ito at yung private naman ay sinabi sakin kung ano sinabi niya.




Mag ready daw ako dahil aakyat daw kami ng bundok. Tinanong ko siya kung yun lang sinabi niya pero nagkamot lang ito ng ulo at alanganin nginitian ako. Basta i handa ko nalang daw mga gamit ko.




Nakatingin lang ako kay Private Song habang naglalakad paalis, may pakiramdam kasi ako na may iba pang sinabi si Lt.Oh sa kanya na di niya sinabi sakin. Minura kaya niya ako? Nagkibit balikat nalang ako at tumuloy na sa kwarto ko.




Naligo at nagbihis ako ng akma sa pupuntahan namin. Paglabas ko ay naabutan ko sa labas sina unni kasama ang iba na masayang nag kukwentuhan. Tinawag pa ako ng iba para samahan din sila at nahihiyang umupo naman ako sa tabi ni unni.




"Did they tell you that we're going on hike?" Tanong ni unni sakin


"Ne" (yes) tumatangong sagot ko


"Have you packed your things?" Tanong ulit niya



"Mmm" tumatango ulit na sagot ko. Ano ba naman i papacked ko kundi tubig diba? Kahit gusto kong magdala ng pagkain eh wala naman akong madadala.




Nang makumpleto na lahat ay naghanda na kami para sa mountain hiking namin. Walang tigil na paglalakad ginawa namin, nanginginig na mga tuhod ko at tila bibigay na dahil sa pagod. Wala ba silang balak mag pahinga?. Ayokong magsalita dahil baka sabihin nila nagrereklamo na naman ako. Ayoko rin magsalita dahil baka maubusan ako lalo ng lakas.



Dalawang oras na walang patid kami sa paglalakad hanggang sa wakas naisipan nila na magpahinga muna dahil ang susunod na kilometro daw na aakyatin namin ay mabato. Akala ko yung pahinga na sinabi nila ay at least 30 minutes pero nadismaya lang ako dahil 5 minutes lang pala. Bilisan daw namin para makita namin paglubog ng araw.



Pagod na pagod na ako at hindi ko na talaga kaya, balak kong sabihin sa kanila na mauna na sila at susunod nalang ako pero ng tignan ko ang paligid ko ay namangha ako. Makapigil hiningang view ang nakikita ko at hindi na napansin ang pagod ko. May kalakasan ang hangin kaya hindi ako bumibitaw sa handrail pero pinagpatuloy ko lang paglalakad.



Bawat hakbang ko pataas ay sobrang worth it talaga. Nag picture taking pa nga kami at hindi mababakas sa mukha namin ang hirap at pagod na dinanas namin.



Pasalampak akong umupo habang nakatingin sa makapigil hiningang view. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang ninanamnam ang hangin. Nagulat nalang ako ng lagyan ako ng mask ni unni.




"A beautiful exhilarating climb" sambit niya na tumabi sakin




"The view is stunning and is worth the sweat going up" nakangiting sabi ko naman




"Rough hike but very worth it. The trail is series of wooden steps, rocks and steels but it is worthed and paid off with this beautiful breathtaking view" sabi pa niya



"Yeah right" sagot ko sa kanya




"Kopi tusillaeyo?" (Would you like some coffee) tanong niya sakin



"Ne, komapsumnida" (yes, thank you) sagot ko tsaka siya tumayo at umalis



Nang magbalik si unni may dala siyang isang balot ng cookies at dalawang kape.



"Cha, tuseyo. Masi kwaenchanulji morugenneyo" (here you go. I hope it tastes okay.) Bigay niya sakin sa black coffee at oatmeal cookies. Pwede daw ako kumain ng cookies ngayon kaya tulungan ko daw sarili kong ubusin yon. Nagtawanan lang kami na parang walang nangyari kanina.



Sinamantala ko na rin ang pagkakataon na mag sorry ako sa kanya at nag sorry din siya sakin. Ngayon ay mas masaya at mas mabuti na pakiramdam ko dahil tapos na ang tampuhan namin ni unni.

************


A/N

Annyeong chingus! Hindi ako nakapag update kahapon dahil umalis ang nagmamagandang si Ate Bebe niyo kaya mianhe.. pero bumawi naman ako ngayon kahit sabaw at pilit lang piniga sa utak ko mga scene. Sana ma enjoy niyo pa rin pagbabasa. Kamsahamnida!.

Ps. Maraming typos, error at kung ano ano pang chuchu diyan i eedit ko nalang kapag may oras ako. Salamat ulit.

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now