Chapter 36

1.3K 35 1
                                    

Sue's Pov



Dahil walang laman kundi tubig ang refrigerator ko sa condo naisipan kong mamili ng makakain ko dito sa may mall. Malapit lang naman ang mall sa condominium na tinutuluyan ko mga 5 minutes walk lang siguro.



Hindi na ako nagulat ng makita na maraming Korean food products ng ibinebenta din dito sa pinas. May mga condiments ako na gusto na gawang Korea kaya binili ko na, nasanay na rin kasi dila ko sa lasa ng pagkain sa Korea.



Halos mapuno ang push cart ko sa dami ng pinamili ko, pagkain lang naman bibilhin ko at ilang stock pero hindi ko naisip na ganito karami pala yon. Babawasan ko sana kaso bigla akong nahiya sa mga nagtatrabaho don, ang ayos kasi nilang nilagay tapos ginulo ko lang tapos ibabalik ko pa. Beribad diba?.



Nang mabayaran ko mga pinamili ko ay sasakyan naman ang problema ko. Ang lapit lapit lang naman pero dehins ko mabubuhat mga pinamili ko. Nag abang ako ng taxi pero walang humihinto, kung pwede ko lang iuwi ang push cart sa condo at ibalik nalang ulit ay ginawa ko na.



Sa wakas may humintong taxi sa tabi ko. May bumaba na isang babae kaya naman sinabi ko kay Manong na pakitulungan nalang ako sa mga binili ko. Imbes na isakay niya pinamili ko tinanong pa niya ako kung saan daw ba ako magpapahatid. Sumagot naman ako na dun lang sa may condominium with ngiti pa sa labi pero umiling lang siya. Masyado daw malapit wala daw siyang kikitain kaya pinapasara na niya ang pinto ng taxi niya.



"Kuya sige na po hindi ko lang kayang buhatin mga to" pilit ko sa driver




"Hindi nga pwede malapit masyado tapos delikado pa pag mag u u-turn ako don" sagot nito sakin




"Babayaran kita ng 200 pesos ihatid mo lang ako kahit sa harap lang" pakiusap ko.



Hindi siya sumagot at tila nag iisip.



"Sige kuya 300" sabi ko pa



"400 ihahatid kita hanggang sa basement" sabi ng driver



Nagulat ako ng may lalaking biglang kumuha ng picture kay Manong driver sa taxi niya at pati plate number ng taxi. Sinarado din niya ang pinto na binuksan ko para makausap si Manong tsaka niya ako tinignan.




Para akong giginawin sa tingin ng lalaking nasa harapan ako. Wala man lang akong makitang emotion sa mukha nito.




"Tarantado ka ah!" Sabi nung driver na bumaba sa taxi niya at dinuro ang lalaking nasa tabi ko.




Muling nag click yung cellphone camera ng lalaki. Nakita ko pa yung picture na nakaduro yung driver sa kanya.




"Daig mo pa ang pulis kung mangotong, hindi kaba nahihiya niyan?" Cool na tanong ng lalaki na hindi man lang mababakasan ng pagka irita ang boses at mukha niya.





Nagsilapitan naman mga tao samin at umusyoso, ang iba nag video pa. Tumingin sa paligid ang driver at mabilis na pumasok ito sa taxi niya tsaka nagmadaling umalis. Napasimangot naman ako sa isiping mag aabang na naman ako ng panibagong taxi, willing naman ako magbayad ng 400 pesos kahit alam kong hindi makatarungan dahil sobrang lapit lang naman talaga.




"Sa Galaxy Towers ka diba?" Tanong ng lalaki sakin na kinalaki ng mga mata ko. Paano niya nalaman? Stalker ko ba siya? Pero kahapon palang ako nakabalik ng pinas.




"Y-yeah, paano mo nalaman?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Yeah lang kasi talaga dapat isasagot ko pero curious ako paano niya nalaman, talaga bang stalker ko siya?.



"I saw you yesterday at nakasabay pa sa elevator, nakatira din ako sa tower" sagot niya na diretyong nakatingin sa mga mata ko



"Ahh" tumatangong sabi ko nalang




"Tulungan na kita" sabi pa nito na kinuha ang apat na plastik bags sa cart ko



"Ohh thanks" mabilis na sagot ko tsaka ko sinuksok yung push cart sa lagayan nila "akin na yung dalawang plastik para hindi ka mahirapan" sabi ko. Nakakahiya kasi dahil mabigat mga yon




"Okay lang ako na kaya ko naman" malamig na sagot niya sakin. Tinignan ko siya habang naglalakad kami, mukha ngang hindi siya nahihirapan. Diretyo lang din ang tingin nito, may stiff neck siguro.





Nakarating kami sa condominium at hinatid niya ako hanggang sa may tapat ng unit ko. Pinapapasok ko siya pero tumanggi siya may pupuntahan pa daw kasi siya. Paulit ulit akong nagpasalamat sa kanya at sinabing next time na makita ko siya i titreat ko siya ng kape. Sa unang pagkakataon nakita kong kumurba pataas ang mga sulok ng labi niya. Para tuloy akong nabato balani at hindi maalis ang tingin sa mapupulang labi niya. Nagbalik lang ako sa huwisyo ng muling magsalita ito para mag paalam. Hiyang hiya naman ako sa sarili ko na mabilis pinasok mga binili at sinarado ang pinto.

***********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now