Chapter 52

1.1K 33 2
                                    

Sue's Pov


"Masyado ka yatang nag eenjoy sa unit ko? Baka gusto mo ng umuwi?" Sabi ko kay Cent habang nanonood kami ng tv. Kanina pa kasi siyang umaga dito at ngayon ay gabi na.


"Ayaw mo bang nandito ako? Mas tipid sa kuryente kapag nandito ako pareho lang din naman panonoorin natin" makapal na mukhang sagot niya sakin



"Hindi sa ayaw ko, gusto ko lang ipaalala sayo na may sariling bahay ka. Baka kasi maisip mong makitulog narin dito para makatipid ka ng kuryente at makatulong pa kay Mother Earth" sarkastikong sabi ko



"Good idea. Saan ba ako pwede matulog dito?" Tanong pa niya sakin tsaka nagpakawala ng gwapong ngiti sa labi tsaka humarap sakin



"Alam mo Cent hindi ka normal magpatingin ka bukas sa doktor ha?" Sarkastiko paring sabi ko


"Hindi ko na kailangan magpatingin pa sa mga espesyalista dahil alam ko na sakit ko" sabi nito na yumuko at bumuntong hininga. Nag alala naman ako dahil mukhang may pinagdadaanan nga ito. Siguro nga may malubha siyang sakit



"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Tinabihan ko pa siya sa sofa at tinapik ang likod niya, baka sakali gumaan pakiramdam niya




Inangat nito ang mukha at seryosong tumingin sakin "Hindi na talaga kasi normal kagwapuhan ko at wala daw gamot dito kaya tanggapin ko nalang" sabi nito kaya yung kamay kong tumapik sa likod niya kanina ay nasa tagiliran na niya at kinurot ko ng malakas.



"Mababaliw na talaga ako sayo!" Inis na sabi ko habang pinapalo sa kanya ang throw pillow na hawak ko. Tawa naman siya ng tawa sa kalokohan niya.



Nang mapagod ako sa pag hampas sa kanya ay binagsak ko ang katawan ko sa sofa katabi niya. Habol hiningang nakapikit ako pero nakangiti. Hindi ko alam na ang seryosong si Cent ay marunong palang tumawa.



Natapos ang pag iisip ko ng tumunog ang phone ko. Kinuha yon ni Cent at binigay sakin. Umayos naman ako ng upo at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Harry.



"Oh napatawag ka?" Bungad na tanong ko kay Harry



"Anong ginagawa mo? May time kabang lumabas?" Tanong nito sakin


"Wala naman nanonood lang ng tv. Ahm, medyo late na kasi ano bang meron?" Sagot ko sa kanya



"Nandito kasi ako sa lobby ng condominium na tinutuluyan mo, napadaan ako sa bake shop at may nakitang strawberry cake tapos naalala kita. Okay lang ba bumaba ka saglit para kunin to o ako nalang maghatid sa unit mo?" Tanong nito




Nanlaki mga mata ko at napatingin kay Cent na seryosong nakatingin lang sakin.



"N-ngayon naba?" Nautal na tanong ko habang nakatingin parin kay Cent "okay hintayin mo nalang ako diyan pababa na ako" mabilis na sabi ko tsaka pinatay ang phone ko



"Lalabas ka?" Tanong ni Cent sakin




"Nasa lobby si Harry binilhan daw niya ako ng cake, kukunin ko lang" paliwanag ko sa kanya



"Ano ba relasyon niyo ni Harry?" Tanong nito



"Mamaya na tayo mag usap okay? Baka umakyat yon dito. Hintayin mo nalang ako saglit lang naman ako" nagmamadaling sabi ko tsaka umalis



Pagkarating ko sa lobby ay agad kong nakita si Harry. Ngumiti siya sakin at kumaway pa.



"Bakit nag abala kapa?" Tanong ko sa kanya matapos nitong iabot sakin yung cake




"Maliit na bagay lang naman yan tsaka hindi magiging abala basta ikaw" sagot nito sakin na nakangiti.



"Thanks pero sa susunod huwag mo na akong bilhan ng ganito nakakahiya sayo" sabi ko dito



"Wala ka naman dapat ikahiya eh, ginagawa ko to kasi gusto ko. Hindi naman lihim sayo na may gusto ako sayo diba?" Sabi nito na ikinagulat ko



"Ha?" Tanging nasabi ko



"Sue gusto kita gustong gusto kita sana payagan mo akong manligaw sayo" sabi nito na hinawakan pa isang kamay ko


"Harry I'm sorry pero hindi pa ako ready magpaligaw o mag boyfriend" sabi ko dito tsaka binalik sa kamay niya yung cake



"Hindi naman ako nagmamadali eh. Sue hihintayin kita, maghihintay ako gusto ko lang malaman mo nararamdaman ko. Gusto ko lang bigyan mo'ko ng pagkakataon na ipakita sayo na seryoso talaga ako sayo" halos mag makaawang sabi nito



Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapag salita. Ano bang gagawin ko? Ano bang dapat sabihin ko?



"Harry I'm sorry.. ayokong masira pagkakaibigan natin" sabi ko sa kanya



"Sue please pag isipan mo munang mabuti, maghihintay ako kahit kailan, kahit matagal" pakiusap nito. Muli niyang nilagay sa kamay ko yung cake at nagpaalam na.



Nakatayo lang ako habang hawak yung cake na binigay sakin ni Harry. Hindi ko inaasahan na magtatapat at sasabihin niya sakin yon. Mukhang seryoso naman siya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ibigay ang tiwala ko sa kanya.


****************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now