Chapter 86

926 30 0
                                    

Sue's Pov

Kasama naming kumakain sina Cent at Joaquin ngayong tanghalian. Tawa ako ng tawa habang ginagaya ni Joaquin ang ginagawa ni Cent. Nang subuan ako ng pork steak ni Cent ay sinubuan din niya si Claire na game na game naman na magkunwaring ako. Maging si Cent ay hindi rin mapigilan ang mapatawa kaya mas lalo pa nilang ginalingan.

"Babe ubusin mo ang rice mo" sabi ni Cent habang kumakain kami

"Masyadong marami dapat half o isang cup lang binili mo" sagot ko sa kanya

"Babe ubusin mo ang rice mo" napatingin ulit kami kay Joaquin na gayang gaya si Cent

"Babe paubos na eh order mo pa akong extra rice" sagot naman ni Claire sa kanya na natatawa

"Basta ikaw babe nanginginig pa" sabi naman ni Joaquin sa kanya at nilagay yung extra rice niya sa plato ni Claire

"Uy grabe to nag jo joke lang ako" sabi naman ni Claire na binalik sa platito yung kanin

"Hindi sige kainin mo na yan huwag kang tumulad sa mga kaibigan mo na binibilang pa yata mga butil ng kanin na kinakain nila" sabi naman ni Joaquin

"Baklang to! Nagtitipid lang kami kaya hindi kami ume extra rice no!" Sambit ni Lorraine

"Oo nga! Ang mahal mahal kaya kanin nila dito balak ko ngang magbaon nalang ng kanin at magbenta ng 15 isang cup" sabi naman ni Myca

"Okay na negosyo yan sakto may taniman ng palay sina Bryan" nakangiting sabi ni Joaquin

"Oo nga pala bakit hindi ko gaanong nakikita si Bryan ngayon?" Tanong ko kay Myca

"Busy daw siya eh" walang ganang sagot niya at nilaro ang mga kubyertos niya

"Paanong naging busy nakikita ko lagi siya kasama si Harry sa may parking lot" sabi naman ni Joaquin. Napatingin pa siya kay Cent na umiling tsaka siya bahagyang tumango at nanahimik.

"Ewan ko basta sabi niya busy daw siya" malungkot na sagot ni Myca

"Mga lalaking yan sa una lang talaga magaling. Kaya hindi na ako magtataka kung bukas o sa makalawa busy na rin itong si Cent" sabi naman ni Claire

"Kahit maging busy ako first priority ko parin ang girlfriend ko" walang emosyon na sagot ni Cent pero napangiti ako

"Itong bruhang to kilig na kilig naman sa walang kwentang sagot ng jowa niya" sabi naman ni Lorraine

"Hindi ako kinikilig ah" tanggi ko tsaka sumimangot

"Ay sus! Hindi daw pero kung makangiti sa sagot kanina ni  Cent abot tenga" nagkandahaba ang nguso ko sa sinabi ni Lorraine na hinila naman ni Cent

"Huwag kang mag pout hahalikan kita" agad kong sinara ang bibig ko at napaurong pa ng bahagya

"Juiceko kinikilabutan ako!" Malakas na sabi ni Lorraine na niyakap pa ang sarili habang tumatawa

"Respeto naman sa mga inosenteng katulad ko" sabi naman ni Claire

"Nakakaiyak kayo sa inggit namimiss ko tuloy si Bryan" sabi naman ni Myca

"Ganyan dapat mga banat" tumatawang sabi naman ni Joaquin

"Gago" narinig kong sabi naman ni Cent na nakangiti tsaka mahinang binatukan si Joaquin

"Cent may itatanong ako" napatingin kaming lahat kay Claire "tinanong kasi namin kanina si Sue kung nag kiss na kayo pero hindi siya sumagot. Alam namin na nag kiss na kayo kahit hindi niya sinagot yon. Ang gusto ko lang malaman kung ano yung feeling?" Nanlaki mga mata ko at nalaglag ang panga sa tanong ni Claire kay Cent habang ngiting ngiti siya

"Yah!" Malakas na bulyaw ko kay Claire na ikinatawa nilang lahat

"Namumula na naman si Sue" tumatawang sabi naman ni Myca

"Hindi ko alam kung nangangamatis siya o nag aalburotong bulkan sa pula" sabi naman ni Lorraine kaya tinakpan ko na mukha ko sa hiya

"Ang cute cute ni Sue" sabi naman ni Claire na hindi mapigil ang pagtawa

"Pero Kuya ano daw ba yung feeling? Paki sagot nga" dinig kong tanong naman ni Joaquin

"Yah!" Malakas na sabi ko ulit pero kay Joaquin na. Tawanan naman ang lahat at maging si Cent ay tumatawa din.

"Grabe ang cute talaga ni Sue lalo kapag namumula" sabi ulit ni Claire

"Nakakainis kayo bahala kayo diyan!" Sabi ko sabay walk out

"Ako na bahala sa kanya" dinig ko pang sabi ni Cent sa mga kaibigan ko

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang makarating sa isang bench na nakasilong sa ilalim ng puno. Umupo ako doon at hindi na ako nagulat ng tabihan ako ni Cent, alam ko naman kasing nakasunod siya sakin. Hinawakan niya ang palad ko tsaka pinagsiklop mga daliri namin tapos nakangiting tumingin sakin. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik at hinilig pa ang ulo sa balikat niya.

**********

New Face (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora