Chapter 4

1.7K 55 3
                                    

Sue's Pov



Vacant namin at ihing ihi na ako. Naabutan ko pa sina Chanel at ibang kaklase ko sa banyo na nagkukwentuhan habang nagpapaganda sa harap ng salamin.



Nakita kong napatingin pa sakin si Chanel at umismid. Pero wala akong oras para intindihin pa sila dahil puputok na talaga pantog ko.



Nakahinga ako ng maluwang ng mailabas ko ang dapat mailabas. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hindi ko yon mabuksan.



"Uy! Patulong naman paki buksan ang pinto" hingi kong tulong sa labas



"Hahahaha! Bagay ka diyan isipin mo na kural mo yan" boses yon ni Chanel habang tumatawa sila ng mga kaibigan niya



"Bakit kasi may pagala galang baboy dito buti nalang nakulong natin" boses naman yon ni Irish tsaka sila muling tumawa



"Maawa na kayo palabasin niyo ako dito" pakiusap ko sa kanila habang kinakalabog ang pinto



"Manigas ka diyan!" Sigaw pa nila habang pilit akong nakikiusap at kinakalabog anv pinto.



Sinubukan kong umakyat sa bowl at tignan sila at kung sino pa yung mga taong naroon na pwedeng makatulong sakin pero bago pa ako tuluyang makatayo ay malamig na tubig ang sumalubong sakin.



"Maligo ka ang baho mo!" Sabi pa nila na hindi tumitigil sa pagtawa



Sa mga ganitong sitwasyon ano paba magagawa ko kung hindi ang umiyak.



Mga tatlong oras na akong naririto nakakulong sa banyo at nilalamig na talaga ako. Hindi parin matigil ang pagluha ko kahit pinipigilan ko naman yon.




Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo mukhang may magbabanyo kaya muli kinalabog ko ang pinto at humingi ng saklolo.


"Sinong walang magawa ang gumawa nito sayo" alalang tanong ni Aling Tess ang janitress ng school habang hawak ang Mop na ginamit nila Chanel para hindi ko mabuksan ang pinto "mga salbaheng bata" sabi pa ni Aling Tess



Niyakap ko ang janitress at umiyak sa balikat niya. Gumanti naman ito ng yakap sakin at pilit akong pinapakalma.



"Maraming salamat po" sabi ko habang umiiyak parin



"Walang anuman sige na't magpalit ka ng damit basang basa ka" puna nito sakin. Tumango lang ako at tsaka lumabas ng banyo.



Tulad ng inaasahan pinagtitinginan at tinatawanan ako ng mga estudyanteng nakakakita sakin. Ang iba pa nga ay pinipicturan ako at baka nga video pa. Hiyang hiya ako habang takip ng kamay ko ang dibdib ko, malinaw at bakat kasi ang basang  damit ko sa katawan.



Nang makarating sa may locker room ay may iilang tao rin ang naroon. Tulad ng iba pinagtawanan din nila ako. Imbes na basang sisiw daw ay basang baboy, ang iba pa nga ay basang dinosaur.



Pagbukas ko sa locker ko ay nanlumo ako ng hindi makita ang PE uniform ko. Oo nga pala inuwi ko noong isang araw para labhan. Pinasok ko nalang ang ulo ko sa loob ng locker ko at pinahinga don. Ano pabang kamalasan ang mangyayari sakin ngayon?



Nauntog pa ako ng ilabas ko ang ulo ko mula sa locker ng may kumalabit sakin. Nanlaki pa ang mga mata ko ng mapag sino kung sino yon.



"B-bakit?" Utal na tanong ko sa kanya



"Basang basa ka suot mo muna ang jacket ko" nakangiting sabi nito



Hindi ako makapaniwala na ang isang Harry Domingo na heartthrob ng campus namin at varsity player ay nasa harapan ko ngayon at kinakausap ako. Shems! Mamamatay naba ako? Mabilis akong yumuko at tinakpan ang mukha gamit ang mahabang buhok ko.


"Ayaw mo ba sa jacket ko? Gusto ko sana ipahiram sayo tshirt ko kaso baka hindi magkasya sayo kaya hetong jacket ko nalang inoffer ko" sabi pa niya


"O-okay l-lang ako" utal na sabi ko "n-nakakahiya sayo marurumihan ko jacket mo" sagot ko pa sa kanya habang nakayuko



"Please tanggapin mo na, isoli mo nalang kung kailan mo gusto" sabi pa niya na hinawi pa ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko tsaka niya ito inipit sa tenga ko.



Natulala ako sa gwapong mukha ni Harry habang nakatingin at nakangiti ito sa akin.  Iniwan nito ang jacket niya sa kamay ko at nagpaalam na sakin. Tinawag niya mga kaibigan niya na nasa hindi kalayuan lang at nag aya na itong umalis.



Para akong na engkanto habang yakap yakap ang jacket ni Harry. Akala ko kasi mayabang, suplado at masama ang ugali niya pero ngayon ay nagbago lahat ng yon. Para itong anghel na bumaba sa langit para maging prince charming ko.




***********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now