Chapter 79

998 34 0
                                    


Sue's Pov

"Gising kana?" Tanong sakin ni Cent pagkamulat ng mga mata ko. Tinignan ko muna ang paligid ko bago sumagot sa kanya.

"Mmm" tangong sagot ko tsaka tinignan yung nurse na sexyng sexy na halos lumuwa na ang dibdib. Wala sa loob na pinaikot ko eyeballs ko "tara na alis na tayo" aya ko

"Sandali tatanungin ko lang yung nurse baka may kailangan kang inumin" sabi niya

"Hindi na kailangan okay na ako" sabi ko tsaka tinupi yung kumot na ginamit ko. Kaso makulit talaga si Cent at lumapit pa talaga dun sa nurse na nakayuko na may sinusulat. Lalo tuloy nalantad maputing dibdib niya.

Hindi ko na hinintay na matapos mag usap ang dalawa at lumabas na ako ng clinic. Agad namang sumunod sakin si Cent pero hindi ko siya pinansin.

"Hey" tawag niya sakin at sinabayan ako sa paglalakad "okay ka naba talaga? Wala bang masakit sayo?" Tanong niya sakin

"Sumasakit ulo ko sayo kaya huwag mo akong kausapin" sagot ko sa kanya tsaka tinignan ang relos sa bisig ko. Nasa kalagitnaan palang ang oras ng pharmacology namin kaya dumiretyo ako sa cafe.

"Sabi ng nurse kailangan mo daw uminom ng multivitamins" sabi nito pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa may counter at umorder ng milk tea at chocolate cake. Umorder din siya ng cappucino niya at inabot ang card niya sa barista sinali na pati binili ko.

"May pera din ako kaya kong bayaran pagkain ko" sabi ko dito at dinukot ang wallet sa bag ko at naglabas ng isang limang daang piso. "Keep the change" mataray na sabi ko habang pilit na sinuksok sa bulsa niya yung pera.

"Ano bang problema Sue? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong nito sakin

"Ikaw Cent anong problema mo bakit mo ginagawa lahat ng ito? Ganon ba ako ka cheap sa paningin mo?" Inis na sabi ko tsaka kinuha yung fruit tea at cake at naglakad papunta sa may bakanteng mesa at umupo.

"Hindi kita maintindihan ano bang sinasabi mo?" Gulong gulong sabi nito matapos akong sundan sa mesa ko at umupo sa tapat ko

"Please huwag mo muna akong kausapin lubayan mo muna ako" nakapikit na sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito basta ang alam ko lang naiinis ako sa kanya.

"Sige yun lang pala eh" sagot nito sakin tsaka siya tumayo. Tinignan ko naman siya at nagbangga paningin naming dalawa. "Doon lang ako sa kabilang mesa, kumain kana hindi kita iistorbohin" sabi niya tsaka siya lumipat sa may bandang dulo bitbit ang kape niya.

Halos hindi ko naman malunok ang kinakain ko at pasimpleng sumusulyap kay Cent. Satwing titingin naman ako sa banda niya lagi niyang nahuhuli mga mata ko, kunwari naman balewala lang sakin.

Hindi ko pa nakakalahati yung cake ko ng tumayo ako. Maaga pa para maghintay ako sa tapat ng classroom namin kaya naisipan kong pumunta nalang sa may food park. Naglakad lakad lang ako hanggang sa nagpasyang sumilong sa isang bench na naroon. Bumuntong hininga nalang ako at minasdan mga estudyanteng nag memeryenda kasama mga kaibigan nila.

Isang ice cream na nasa cone naman ang inabot sakin ng isang tindero. Babayaran ko sana kaso bayad na daw sabi niya sakin. Tumingin naman ako sa paligid at nakita si Cent sa di kalayuan. Nakaupo din siya at kumakain ng dirty ice cream. Kagat labing kinain ko yung ice cream pero hindi ko namalayan na kasabay ng pagtulo ng tunaw na ice cream sa kamay ko ay siya ding pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan bakit umiiyak ako. Alam ko lang naiinis ako. Naiinis ba ako kay Cent o naiinis ako sa sarili ko? Pero bakit ako naiinis? Sa anong dahilan?

Isang kamay ang humawak sa kamay kong may hawak ng ice cream na ikinatangala ko sa kanya. Pinunasan ni Cent ang mga luha ko sa mata tapos ay ang naglalagkit na kamay ko naman.

"H-huwag na may wet tissue naman ako marurumihan ang panyo mo" nautal na sabi ko habang tinatanggal ang kamay niyang pinupunasan ang kamay ko

"Hindi na sana kita lalapitan kaso pinagtitinginan ka ng mga tao, ngayon siguradong iniisip nila na pinaiyak ko ang girlfriend ko" sabi nito

"Nakakainis ka" hindi ko alam bakit sinabi ko yon pero dahil sa sinabi ko mas lalo akong napaiyak. Lumuhod naman siya at pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaking daliri niya

"Kung ano man nagawa ko na dahilan ng pagka inis mo sakin sorry na, huwag ka ng umiyak, sabihin mo sakin kung anong problema para maayos ko" malumanay na sabi nito

"Gago ka kasi eh" sabi ko na patuloy parin sa pag iyak

"Oo gago talaga ako aminado ako" sagot niya sakin kaya binato ko yung ice cream na hawak ko at tinulak siya

"Buti alam mo!" Malakas na sabi ko tsaka kinuha yung panyo niya na nakalapag sa tabi ko at pinunasan ang naglalagkit na kamay ko

"Babe" sabi niya na ikinasingkit ng mga mata kong tumingin sa kanya

"Babe? Sinong tinutukoy mo? Ako o yung nurse kanina?" Sabi ko tsaka tumayo at naglakad palayo

"Syempre ikaw bakit nasali yung nurse?" sagot niya sakin na inunahan pa ako sa paglalakad

"Ako? Sure ka? Kaya pala nung sabihin kong umalis na tayo nag insist ka na kausapin pa yung nurse! Sabagay baka nga naman mamiss mo siya. Iniwan na nga kita don bakit sumunod kapa?!" Hindi napigilan ang inis na sabi ko

"Tinanong ko lang siya kung ano ang dapat gawin, kung may gamot kabang iinumin o kaya kailangan mo ng bed rest" sagot nito sakin habang patuloy akong naglalakad habang nasa harapan ko naman siya at paurong naman ang paglalakad.

"Tinanong mo lahat ng yon? Baka nakakalimutan mo nursing student ako? Alam ko kung anong dapat gawin sa sarili ko. Ahh! Syempre tatanungin mo siya ng pagka dami dami para magtagal pa tayo don! Sayang nga naman yung magandang view na dibdib nung nurse kung hindi mo ma eenjoy!" Sabi ko tsaka tinulak tulak siya

"Ginawa mo pa akong manyak" sabi nito na hinawakan ang dalawang kamay ko para mapigilan ako sa pagtulak sa kanya. "Tinanong ko siya dahil concern ako sa health mo at ayokong maulit yung nangyari kanina. Paano mo nasabi na nag eenjoy ako sa dibdib nung nurse kung hindi ko naman siya tinitignan?" Palusot nito

"Gagawin mo pa akong tanga ganon? My God! Sabagay hindi mo talaga siya titignan dahil sa malulusog na boobs ka niya nakatingin!" Mariin na sabi ko at nagpumiglas

"Nakita mo bang sa boobs niya ako nakatingin? Sa sobrang pag aalala ko sayo palagay mo maiisip ko pa tumingin kung saan saan?" Sabi nito

"Parepareho lang naman kayong mga lalaki eh, babaeng maganda at sexy lang naman mga gusto niyo. Kapag may pagkakataon kayong maligawan, mabosohan, matsansingan sila ginagawa niyo diba?" Sabi ko sa kanya

"Hindi lahat ng lalaki katulad ng sinasabi mo. Bakit mo ba kami nilalahat? Kung nasaktan ka dati ng isang lalaki hindi ibig sabihin non masasaktan ka ulit" sabi nito. Tinignan ko si Cent at umiling.

"Malalaman ko rin yan soon" walang lakas na sabi ko. Binitawan naman ako ni Cent tsaka ako naglakad palayo.

**********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now