Chapter 78

1K 31 0
                                    

Sue's Pov

"Hala siya!" Sambit ko tsaka kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko

"Bakit?" Kunot noong tanong nito sakin

"Bakit ka diyan. Nasa school na kaya tayo, baka may makakita pa satin ano pa isipin" sabi ko tsaka nauna ng naglakad sa kanya

Nanlaki naman mga mata ko ng umakbay siya sakin kaya humarap ako sa kanya at sinipa ang paa niya.

"Aray! Bakit ba?" Tanong nito na tila ba ako pa ang may mali

"Nakakainis ka! Huwag mong hahawakan ang kamay ko at mas lalong huwag mo akong aakbayan!" Gigil na sabi ko pero nagpakawala lang siya ng pigil na pagngiti kaya lalo akong nainis at sinipa ulit siya pero nakaiwas naman

"Sige hindi na" sagot niya na hindi mapigilan ang pagngiti at pagtawa. Sinimangutan ko naman siya tsaka inismiran bago talikuran at muling naglakad

Bigla naman akong umangat mula sa lupa kaya napakapit ako sa batok ni Cent dahil baka mahulog ako.

"Walanghiya ka talaga bigyan mokong kahihiyan at ibaba mo'ko kung hindi sasamain ka talaga sakin!" Inis na sabi ko tsaka tumingin sa ibang estudyanteng naglalakad din na napapatingin samin. "Please ibaba mo na ako kung gusto mo pang mabuhay!" Gigil pero pigil sa galit na sabi ko. Para naman wala siyang narinig at blanko lang mukha niya habang buhat ako na parang bagong kasal lang. Dahil sa ayaw talaga niya akong ibaba ay sinuksok ko nalang mukha ko sa dibdib niya sa sobrang kahihiyan. Kunwari nahimatay nalang ako o kaya napilay tapos kunwari dadalhin niya lang ako sa clinic.

Kailangan ng super acting skills ko para maibsan kahihiyan ko. Pumikit ako pero nagmulat ulit at tumingin kay Cent ng marinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Ayokong mag assume dahil natatakot ako pero ako ba ang dahilan kung bakit mabilis rin ang pagtibok ng puso niya? Umiling ako at muling pumikit. Kaya ako nasasaktan dahil sa pagiging assumera ko, syempre bibilis tibok ng puso niya kasi pagod siya, sa bigat ko ba naman na to.

"Malapit na tayo konti nalang" sabi niya

"Dalhin mo'ko sa clinic" sabi ko sa kanya

"Bakit?" Napahintong tanong niya

"Basta dalhin mo'ko sa clinic" sabi ko na nakapikit parin

"Okay ka lang? May masakit sayo? Sandali malapit na tayo" nag aalalang sabi nito at tumakbo pa yata dahil naaalog ako di tulad kanina

"Kuya napano si Sue?" Mas ginalingan ko pa ang pag acting ng marinig ko ang boses ni Joaquin

"Hindi ko alam pero nagpapahatid siya don" sagot ni Cent na parang naguguluhan

"Sue okay ka lang? Napano siya?" Dinig ko namang tanong ni Harry kay Cent pero hindi siya sumagot

"Nurse! Nurse!" Dinig kong sigaw ni Cent hanggang sa maramdaman kong lumapat ang likod ko sa kutson at inayos pa ako ng pagkakahiga ni Cent "paki tignan ang girlfriend ko bigla nalang siya nanghina" nag aalalang sabi ni Cent

"Sige doon kana muna ichi check ko siya" sabi ng nurse. Mas ginalingan ko pa sa pag arte ng kunan ako ng bp ng nurse. Talagang hindi ako nagmulat kahit gustong gusto kong dumilat na.

"Okay lang ba siya?" Tanong ni Cent sa nurse tsaka nito hinawakan ang kamay ko

"80/100 normal naman bp niya pero titignan natin kung may lagnat siya" sagot ng school nurse na may tinapat sa tenga ko "35.7°C normal lang naman siya, ano ba ginawa niya? Baka napagod lang. Iwanan niyo nalang siya dito para makapag pahinga" sabi ng nurse

"Captain ako na bahala kay Sue babantayan ko siya" dinig kong boses na sabi ni Harry

"No. Dito lang ako, ako magbabantay sa girlfriend ko" sagot ni Cent sa kanya. Gusto ko talagang dumilat, umupo at batukan si Cent dahil sa pagsabi niyang girlfriend niya ako. Baka maniwala nga mga sinasabihan niya na boyfriend ko nga talaga siya.

"Tara na bro si Kuya na bahala kay Sue hindi naman niya pababayaan girlfriend niya" rinig kong sabi naman ni Joaquin. Hayan na nga ba sinasabi ko eh! Mukhanf naniwala si Joaquin na girlfriend nga ako ng hinayupak na'to.

"Sue! Bakla! Bruha! Ano nangyari sayo?" Gusto kong maiyak at yumakap sa mga kaibigan ko ng marinig ko ang boses nila

"Sshhh.. huwag kayong maingay kung ayaw niyong palabasin ko kayo" sabi nung nurse

"Anong nangyari sa kanya? Anong sakit niya?" Tanong ni Lorraine kay Cent

"Normal naman ang bp niya at wala rin siyang lagnat, baka dahil daw sa pagod" sagot ni Cent

"Ano bang pinag gagagawa niya? Hindi nga siya pumasok kanina eh" sabi naman ni Myca

"Sana okay lang siya" sabi naman ni Claire

"Bruhang yan! Puro kasi carrots kinakain niya kaya ang hina ng tuhod" malakas na sabi ni Myca, sigurado pagagalitan niya ako oras na minulat ko mga mata ko.

"Ang putla niya stress nga sigurado siya" sabi pa ni Claire. Sinong hindi mamumutla sa takot kay Myca?

"Girls lumabas na kayo ng makapag pahinga siya, malapit na rin mag 1pm pumasok na kayo at may mga klase pa kayo" sabi nung nurse. Buti nalang at pinapalayas na sila

"Cent ikaw na muna bahala sa kaibigan namin ha? Babalik kami mamaya" paalam pa nila. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya medyo nakahinga ako ng maluwang at least hindi ako nabisto nung tatlo.

"Girlfriend mo pala siya? Ang swerte niya ah" dinig kong sabi nung nurse. Bakit naman ako naging maswerte aber? Tsk.

"Yeah, mas maswerte ako" sagot ni Cent sa nurse. Hinawakan din ni Cent ang kamay ko. Talagang mas maswerte ka kung boyfriend nga kita.

"Sabagay maganda naman siya at maganda hubog ng katawan" sabi pa nung nurse. Medyo na conscious naman ako sa itsura ko.

"Kulang ang salitang maganda sa kanya dahil wala ng mas gaganda sa kanya" sagot ni Cent dito na nagpakabog ng big time sa dibdib ko.

"Iba talaga kapag in love" tumatawang sabi ng nurse "maganda nga siya napapasaya kaba niya?" Medyo napaisip ako sa tanong ng nurse kay Cent. Hinihintay ko rin kung ano ang isasagot ni Cent sa kanya.

"Makita ko lang siya napapasaya na niya ako, isang ngiti lang niya buo na ang araw ko. Sobrang saya ko dahil sa kanya kaya gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang din siya" pilit kong pinigilan ang mapangiti dahil sa sagot niya

"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin eh" may lambing sa boses ng nurse na sabi niya "naibibigay ba niya sayo ang pangangailangan mo bilang isang lalaki? Napapasaya kaba niya?" Tanong ng nurse. Idinilat ko ng konti ang isang mata ko at nakita ang nurse na nakatayo sa likod ni Cent at minamasahe ang balikat nito.

Pumikit ulit ako. Ngayon ko lang naisip kung bakit mga kaibigan ko lang ang pinaalis niya kanina. Estudyante din naman si Cent dito ah!

"Sa dami ng may gusto sayo hindi mo na ako napansin. Akala ko pihikan ka lang o kaya mataas ang standard mo sa babae kaya wala akong nababalitaan na girlfriend o nililigawan mo tapos heto malalaman ko nalang na may girlfriend kana. Sana ako nalang ang girlfriend mo, kaya ko naman pasayahin ka eh" sabi nung nurse na may pagka malandi pala. Naku Cent ka! Subukan mo lang patulan ang babaeng yan tatamaan ka talaga sakin!

"Masaya at kuntento na ako sa buhay ko dati at ngayon hindi ko na rin kailangan ng ibang magpapasaya sakin dahil kumpleto na ako. Yung tinutukoy mong pangangailangan naming mga lalaki, makakapag hintay yon" pumapalakpak naman ang tenga ko sa naging sagot ni Cent. Yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay mas hinigpitan ko ng hawak pero kunwari tulog parin ako.

Dahil yata sa pag papanggap kong tulog ay nakatulog nga ako. Mas okay dahil nakapag pahinga ako. Sorry nalang si Cent dahil kasalanan naman niya kung bakit ako napadpad dito. Magtiis siyang magbantay habang mahimbing ang tulog ko.

**********

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon