Chapter 110

778 37 0
                                    


Sue's Pov

"Babe gising na apat na araw ka ng natutulog hindi mo ba ako nami miss?" Tanong ko kay Cent habang pinupunasan ng basang bimpo ang kamay niya.

Tumunog ang message alert tone ng phone ko at kinuha yon sa bag ko. Unregistered number ang nakita ko pero binuksan parin yon. Pagkabasa ko non ay tumingin ako sa paligid. Tanging bintana lamang dito sa third floor ang nakabukas kaya imposibleng makita at malaman ng kung sino ang ginagawa ko.

Takot na binitiwan ko ang phone ko at humawak ng mahigpit sa kamay ni Cent. Dalawang minuto lamang yata nakalipas ng tumunog ring tone ng phone ko at yung unregistered number parin nakita ko sa screen. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli ay pinasya kong sagutin nalang.

"H-hello?" Nautal na sagot ko sa kabilang linya

"Hahaha! Kumusta kana? Mali mali mali. Kumusta na ang syota mo? Buhay paba?" Tumatawang tanong ng tao sa kabilang linya

"Walanghiya ka! Napaka hayop mo! Anong ginawa ni Cent sayo para gawin mo sa kanya to!? Napaka duwag mo!" Hindi matago ang galit na sabi ko

"Oops! Ang layo natin pero nabibingi ako sa boses mo hahaha" tumatawang sagot pa nito sakin "tumawag lang naman ako para mangumusta eh. Makikibalita lang ako kung buhay pa ang syota mo. Biruin mo mala pusa pala yang si Cent ang dami na ng niregalo kong saksak sa kanya pero humihinga pa din? At kayo naman, napaka masigasig niyo rin sa paghahanap samin eh no? Taos sa puso ko yung ginawa ko kaya huwag na kayong mag abala magpasalamat sakin hahaha" sabi pa nito na parang baliw na tumatawa

"Sumuko kana! Harapin mo ang kasong sinampa namin sayo at sa korte nalang tayo mag usap!" Sagot ko sa kanya

"Susuko lang ako kapag napatay ko na yang mayabang na boyfriend mo. Noon pa siya pumupuro sakin at bumingo na nga kaya nagka ganyan siya. Sakaling mahuli man ako at buhay parin yang syota mo heto ang tandaan mo maraming may galit sa inyong dalawa. Makaligtas man siya sa kamay ko sigurado hindi siya makakaligtas sa iba pati ikaw mag ingat galit na galit ang sponsor namin sayo" sabi pa nito

"Anong sinasabi mo? Sino ang tinutuk-" hindi ko na natapos ang itatanong ko dahil biglang nag busy tone na ang sa kabilang linya. Napapikit nalang ako at bumuga ng malalim na hininga. Lumapit ako sa bintana at tinakpan yon ng kurtina.

Naaawang nakatingin lang ako kay Cent. Lalo lang tuloy akong natatakot na umalis sa tabi niya dahil nag aalala ako sa kung ano pang pwedeng mangyari.

*****

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok at ng bumukas yon. Napatayo ako ng makita ko si Shane kasama si Connor may bitbit na pumpon ng bulaklak at mga prutas.

"Kumusta Sue? Nabalitaan namin ang nangyari kay Cent kaya napadalaw kami, okay lang ba?" Tanong ni Connor sakin habang si Shane naman ay nakatakip ang bibig at umiiyak na nakatingin kay Cent

"Oo naman umupo kayo" alok ko sa kanila

"Kumusta na siya?" Tanong ni Shane sakin. Hindi ako sanay sa mabait na tonong pananalita niya ngayon pero ramdam ko naman ang pag aalala niya talaga kay Cent

"Wala parin pagbabago, ang sabi ng mga doctor wala naman silang nakikitang dahilan para hindi siya magising sa pagkaka comatose, mag hintay hintay lang daw kami kaso apat na araw na" naiiyak at tila nagsusumbong na sagot ko kay Shane

"Sue may gusto sana kaming sabihin sayo ni Shane" seryosong sabi naman ni Connor na humawak pa sa kamay ng kapatid niya

"Sige ano yon?" Tanong ko sa kanila

"S-si Kuya Sam" nabulol na sabi ni Shane tsaka umiiyak na tumingin sakin "may bumisita na dalawang lalaki sa bahay kagabi at hindi ko sinasadyang marinig pinag uusapan nila. Gusto nilang patayin si Cent at humihingi sila ng tulong sa kapatid ko" umiiyak na sabi nito. Niyakap naman siya ni Connor

"Nang malaman namin ang plano nila ay sinubukan namin na kausapin si Kuya pero sarado na ang utak niya. Ang tanging makakapag ligtas nalang daw kay Cent ay ikaw. Kung iiwanan mo daw si Cent hindi niya gagalawin ito bagkus ay tutulungan pa niya magulang nito para mahuli yung may gawa kay Cent nito. Masyado daw mataas ang tingin ni Cent sa sarili niya kaya kapag iniwan mo siya at nalaman pa niya na tinulungan siya ni Kuya baka si Cent na daw mismo ang tumapos sa buhay niya dahil sa kahihiyan" kwento ni Connor sakin

"Alam naman natin hindi magagawang mag suicide ni Cent kaya hindi niya gagawin yon sakaling iwan mo siya. Please Sue.. alang alang kay Cent habang wala pang ginagawa mga hayop na yon sa kanya iwan mo na siya" pakiusap ni Shane sakin na wala parin tigil ang pagpatak ng mga luha niya

"Sinabi namin sayo to dahil ayaw din namin na maging kriminal ang kapatid namin" sabi naman ni Connor

"Mahal na mahal ko si Cent hindi ko kayang iwan siya" umiiyak na sagot ko sa kanila

"Maraming nagmamahal kay Cent!" Mariin na sabi ni Shane "kung mahal mo talaga siya poprotektahan mo siya" dagdag pa nito

"Hindi naman ibig sabihin na iniwan mo siya ay hindi mo na siya mahal" sabi naman ni Connor

"Mas mahalaga paba sayo ang pagmamahal mo kay Cent kaysa kay Cent mismo?" Tanong naman ni Shane sakin

Hindi ako makapagsalita at wala rin akong magawa kundi umiyak. Naramdaman ko ang pagyakap ni Connor sakin at ang mga salita niya na okay lang, sa una lang masakit pero isang araw magigising ka nalang na wala na yung sakit at nakapag move on na ako. Ayaw daw nilang may mangyaring masama pa kay Cent at ayaw rin daw nila maging kriminal ang kapatid nila. Magtulungan daw kami. Hindi daw nila pababayaan si Cent.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumango tango sa kanila. Pumayag ako sa gusto nila at hinabilin si Cent sa kanila. Sinabi ko rin na simula bukas ay hindi na ako pupunta dito sa hospital at hihintayin lang si Tita France ngayon bago umuwi. Niyakap naman ako ni Shane at nagpasalamat, nangako rin siya na aalagaan niyang mabuti si Cent.

***************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now