Chapter 40

1.3K 36 4
                                    

Sue's Pov


Napag usapan namin kanina na magkikita kaming lima sa harapa ng girls dorm. Dumating naman kaming apat na girls pero halos mamuti na mata namin kakahintay kay Cent pero hindi talaga siya dumatung. Nakakahiya tuloy sa mga kasama ko dahil ako nag aya kay Cent na sumali samin.


Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at pinahinga ang isip kakaisip kay Cent, tumataas lang kasi presyon ko at baka atakihin ako o kaya naman mabangungot sa pagtulog ko. Huwag naman sana, sabay katok ko sa pader.


Pinikit ko na mga mata ko upang matulog ngunit sabay ng pagpikit ko ay nakita ko naman si Harry na muling kinamulat ko. Binuksan ko ulit ang ilaw at umupo, inabot at uminom din ako ng tubig na nasa side table ko.


Bakit ba muli kaming pinagtagpo? Anong dahilan para magkita kami?. Bumuntong hininga ako at bumaba sa kama, pumunta ako sa terasa at tinignan ang buwan sa langit. Ano bang gusto mong mangyari? Tanong ko dito.



*****
KINABUKASAN



Paparahin ko na sana ang parating na taxi ng biglang huminto sa harapan ko ang isang lalaki sakay ng isang motorsiklo.



"Sakay na" sabi ng taong sakay ng motor pero humakbang ako palayo. Alam na siguro niya ang ibig kong sabihin. "Ayaw mo?" Tanong pa nito na hinubad ang helmet na suot niya. Nakita ko naman ang gwapong gwapong mukha ni Cent. Bigla ko naman naalala ang di niya pagsipot samin kahapon.




"No thanks" nakasimangot na sagot ko tsaka pinara ang parating na taxi



Bago pa ako nakasakay sa loob ng taxi ay pinaharurot na ni Cent ang motorsiklo niya. Tsk. Hindi man lang ako pinilit. Sabagay kahit pilitin niya ako hindi ako sasakay sa motor niya, takaw disgrasya kaya mga motorsiklo.



********


Diretyo lang ang tingin ko habang naglalakad sa kahabaan ng school corridor, alam kong may mga matang sumusunod ng tingin sa akin at may narinig pa nga ako na nagtatanong kung sino ako.



"Sue" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag sakin ng isang lalaki. Hindi ako pwedeng magkali, boses yon ni Harry. 



Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka nagpaskil ng ngiti sa labi bago lumingon.



"Uy ikaw pala" kunwari gulat na sabi ko habang may ngiti sa labi




"Yeah, papasok kana?" Tanong nito atsaka siya tumingin sa relos niya



"Oo eh second day ko palang ngayon ayokong ma late" sagot ko sa kanya





"I see" sabi nito na tumingala pa at tumingin sa kisame "ahm, hatid nalang kita okay lang?" Sabi nito na parang nagpapa cute na nagmamakaawa



"Oo naman" ngiting ngiting sabi ko




Hindi ako nag alangan na ibigay ng kunin ni Harry ang bag ko. Nagpasalamat ako sa kanya na may ngiti sa labi habang naglalakad kami. Tinanong niya din ako kung pwede daw niya akong yayain mag kape mamaya. Tatannggi sana ako kaso iba ang sinabi ng bibig ko.

***********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now